Former beauty queen Jewel May Lobaton gives up hope of reconciliation with estranged husband Senator Koko Pimentel

Ito ang sagot ni Bb. Pilipinas-Universe 1998 Jewel May Lobaton sa usap-usapang may kinalaman ang gender issue sa hiwalayan nila ni Senator Koko Pimentel: “I respect actually when you say gender issue, whatever they say, that’s their opinion. I just respect their opinion. Let’s respect their decision, wala po ako masabi. Nagpakasal po ako sa aking asawa and I loved him for that. He’s the father of my children and I want to maintain that.”


Ang former Bb. Pilipinas-Universe at estranged wife ni Senator Koko Pimentel na si Jewel May Lobaton ang project coordinator at contact person sa Search For Miss Manila 2014.

Ang Search For Miss Manila 2014 ay beauty pageant para sa mga kababaihan na residente ng Maynila. Proyekto ito ni Manila City Mayor Joseph Estrada at ng MARE, ang foundation ng kanyang misis na si former First Lady at Senator Dra. Loi Ejercito.

Ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel kahapon, May 12, ang grand launch ng Miss Manila 2014. Dinaluhan ito nina Mayor Estrada, Dra. Loi, at ni Viva Group of Companies big boss Vic del Rosario.

Dahil si Jewel ang project coordinator, hindi siya nakaiwas sa mga tanong ng media tungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Senator Koko.

Hindi naging maramot si Jewel sa pagsagot.

Ayon sa kanya, sumuko na siya sa pag-asang magkakaroon pa sila ng reconciliation ng future ex-husband niya.

Pahayag ni Jewel, “I think I have done everything I could, praying, asking for meetings, for talks.

“And mukhang hindi pa kami nagkatugmang ready na mag-usap, pero time is running out for me.

“I’m not getting any younger. I am a mother, ang dami ko pang puwedeng gawin.

“So, hinintuan ko na ang proseso ng pag-asa na magkabalikan.

“Pero we do not know the plan of God. We do not know everything.

“Ang importante po, nagagamit ko yung pinagdaanan ko para sa kabutihan at para po mag-inspire ngayon ng maraming babae na napagdaanan din yung aking napagdaanan.”

Dalawang lalaki ang naging anak nina Jewel at Senator Koko.



GENDER ISSUE. Alam ni Jewel na may usap-usapang may kinalaman ang gender issue sa paghihiwalay nila ni Senator Koko.

Nang sagutin niya ang tanong ng media tungkol dito, nabanggit ni Jewel na napanood niya noon ang My Husband’s Lover ng GMA Network at napaiyak siya, partikular sa eksena na nahuli ng karakter ni Carla Abellana na may gay lover ang kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Tom Rodriguez ang gumanap na asawa ni Carla sa primetime series, habang si Dennis Trillo naman ang gumanap na gay lover.

Sabi ni Jewel, “Gender issue? I’m very open.

“I respect actually when you say gender issue, whatever they say, that’s their opinion.

“I just respect their opinion. Let’s respect their decision, wala po ako masabi.

“Nagpakasal po ako sa aking asawa and I loved him for that.

“He’s the father of my children and I want to maintain that.”

Sabi pa niya, “Alam mo, maraming Pilipino ang napapaiyak doon [sa My Husband’s Lover], so hindi lang ako. I feel for it.

“Alam mo, lahat ng eksena, gruelling, pero yung nagkaalaman na…

“Kasi, alam mo, ganito ‘yon, test of love ‘yon.

“Kung nalaman mo na ganoon, for example, hindi mo naman dapat iniiwan ang asawa mo.

“Dapat nandoon ka sa tabi niya at minamahal mo siya.”

SENATOR KOKO AS A FATHER. Iginiit ni Jewel na maraming dahilan at masyadong personal ang ugat ng paghihiwalay nila ni Senator Koko.

Sa tanong kung nag-uusap sila, sagot niya, “Not as often as before. Okey na ‘yon.”

Kumusta na ang petition for annulment nila?

Aniya, “Let the court handle it. Ang importante, moving forward na tayo.”

Kumusta si Senator Koko bilang ama?

“He tries his best to be a good father,” sagot ni Jewel.

Good provider ba ang estranged husband niya?

“No comment. It’s okay, hindi kailangan.

“Alam mo kung bakit? Salamat sa Diyos, I can still be productive.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN