Antoinette Taus on Marian Rivera: "Sana huwag siyang magpadala sa outside forces."

Antoinette Taus has nothing but good words about ex-boyfriend Dingdong Dantes’s longtime girlfriend Marian Rivera. "Sa totoo lang, I really think she’s beautiful and she’s talented... I’m looking forward to meeting her," says Antoinette in an interview after her contract signing with Viva Entertainment earlier today, May 13.


“I’m back home in the Philippines and back home with Viva.”

Opisyal nang nagbabalik-showbiz si Antoinette Taus matapos siyang pumirma ng three-year management contract sa Viva Entertainment ngayon hapon, May 13.

REUNION MOVIE WITH DINGDONG? Kasabay nito ay ang pag-amin ni Antoinette na kung mabibigyan ng pagkakataon ay handa siyang makatrabaho muli ang dating reel- and real-life sweetheart niyang si Dingdong Dantes.

Ilan sa mga pinagbidahang pelikula nina Antoinette at Dingdong noon sa Viva Films ay ang mga sumusunod: I’m Sorry, My Love (1998); Honey, My Love, So Sweet (1999); at Kiss Mo ‘Ko (1999).

Sabi ni Antoinette, “Ako naman, kahit ano. Yung mga fans siguro matutuwa.

“Feeling ko, ang daming exciting na puwedeng mangyari, like magkaroon ng projects na reunion.

“I’m open to anything.”

Kung dati ay pa-tweetums ang mga ginagampanang papel ni Antoinette, ngayon ay handa na siyang sumabak sa mature roles. Kasama na rito ang pagkakaroon ng daring na eksena sa pelikula.

Kung saka-sakali ay payag ba siyang si Dingdong ang maging first on-screen kiss niya?

Sagot ni Antoinette, “If so, baka mas maging kumportable siguro ako nun. Ang weird! I don’t know...

“Kasi, at least, matagal na kaming magkakilala and naging kami naman talaga before.

“Either way, I guess whatever you do on camera is different with what you do off cam.”

Ibinahagi rin ni Antoinette sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na matagal na mula nang huli niyang makita si Dingdong.

Aniya, “Not this trip [I haven’t seen him yet].

"Last kami nagkita, I think was in the States.

“He was there a few years back. Dun ang last time.”

Taliwas sa impresyon ng publiko, nilinaw ni Antoinette na walang ilangan sa pagitan nila ni Dingdong sa kabila ng kaalamang naging magkarelasyon sila noon.

ON MARIAN RIVERA. Sa katunayan, aminado ang actress-singer na going strong ang relasyon ni Dingdong at longtime girlfriend nitong si Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy na pahayag ng pinakabagong Viva talent, “Hindi pa kami nagmi-meet [ni Marian].

“Matagal na siyang gustong ipakilala sa akin ni Dingdong. Hindi nagkakatugma [yung pagkakataon].

“Pero I’m excited to meet her, sa totoo lang, ha.

“Hindi pa kami nagmi-meet, so wala kaming away, wala kaming problema.

“Yung mga tao lang ang gumagawa ng kulay na away daw kuno, pero wala namang away.”

Ayon pa kay Antoinette, walang dahilan para intrigahin pa sila dahil matagal na panahon na ang lumipas mula nang maging nobyo niya si Dingdong.

Matatandaang March 2005 nang maghiwalay sina Antoinette at Dingdong.

“’Tsaka hindi naman kami magkasunod [ni Marian bilang girlfriend ni Dingdong].

“So, talagang wala kaming connection sa isa’t isa.

"Walang issue. Ginagawan lang ng mga tao!” natatawang saad ni Antoinette.

Sa huli, nagpaabot ng mensahe si Antoinette para kay Marian at sinabing nais niyang makilala ang Kapuso actress nang personal.

“Sana huwag siyang magpadala sa outside forces.

“Sa totoo lang, I really think she’s beautiful and she’s talented.

“Dingdong has said a lot of good things about her to me. Naniniwala naman ako kay Dingdong.

“So, yun. I’m looking forward to meeting her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN