Manilyn Reynes reunites with former screen partner Janno Gibbs; describes Aljon Jimenez as "cool" husband

Manilyn Reynes on husband Aljon Jimenez: “Si Aljon kasi yung tipo ng asawa na sobrang cool... Kahit naman kasi hindi si Janno, kundi kahit pa sinong aktor ang makapareha ko ay hindi problema kay Aljon. Kasi nga, sa tagal na din namin sa showbiz ay ganun na ang respeto at tiwala namin sa isa’t isa. ’Tsaka paano naman magkakaroon ng problema? Si Aljon na kasi ang aking talent manager ngayon, kaya anuman ang gagawin ko, basta’t trabaho, alam niya.&a


Magtatambal muli ang dating magka-loveteam na sina Manilyn Reynes at Janno Gibbs sa pamamagitan ng upcoming show ng GMA Network na My BFF.

Kahit matagal nang may sari-sariling pamilya ang dalawa, tiyak na kikiligin na naman ang mga tagasubaybay ng kanilang tambalan noong ‘80s.

Si Manilyn ay napangasawa ang dati ring aktor na si Aljon Jimenez, habang si Janno ay nakatuluyan ang kasamahan nila noon sa That’s Entertainment na si Bing Loyzaga.

Ngayong magkatambal silang muli ni Janno, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Manilyn kung hindi kaya magselos ang mister niyang si Aljon.

Sagot ng aktres, “No problem.

“Alam naman niyang trabaho lang talaga ito, ‘tulad ng sa amin ni Michael V. sa Pepito Manaloto, kaya sobrang okey lang kami.

“’Tsaka si Aljon mismo yung nagbibiro na number one fan siya ng loveteam namin ni Janno.

“Ewan ko sa husband ko… Kine-claim niya siguro na siya ang number one fan namin ni Janno, dahil husband ko nga siya, kaya siya ang unang dapat matuwa.”

Nakausap ng PEP si Manilyn sa studio ng Sunday All Stars sa GMA Network noong Linggo, May 11.

COOL HUSBAND. Wala bang ibinibigay na limitasyon si Aljon sa magiging eksena nina Manilyn at Janno?

“Wala nga, e. Wala talaga!” bulalas ni Manilyn.

Dagdag pa niya, “Si Aljon kasi yung tipo ng asawa na sobrang cool.

“Nung mabasa pa lang niya dati ang script ng My BFF ay sobrang natuwa na siya.

“Kahit naman kasi hindi si Janno, kundi kahit pa sinong aktor ang makapareha ko ay hindi problema kay Aljon.

“Kasi nga, sa tagal na din namin sa showbiz ay ganun na ang respeto at tiwala namin sa isa’t isa.

“’Tsaka paano naman magkakaroon ng problema? Si Aljon na kasi ang aking talent manager ngayon, kaya anuman ang gagawin ko, basta’t trabaho, alam niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabor ba si Manilyn na siya ang mas busy sa showbiz kumpara kay Aljon?

“Oo naman,” maagap na sagot niya.

“Marami pa naman kasing ibang ginagawa si Aljon na hindi pang-showbiz.

“Pero kung ako, mas okey para sa akin yung ako ang mas nasa showbiz at siya nga ang manager ko ngayon na nag-aalaga sa akin.

“Dahil kung pareho kaming pagod dahil sa magkaiba naming trabaho, kapag nagkita kami sa house ay magkaiba rin ang aming mga pagkukuwentuhan.”

TIME FOR EACH OTHER. Sobrang pagod si Manilyn sa taping at shooting. Paano na ang mga paglalambing ni Aljon sa kanya pagdating sa bahay kapag umuuwi siyang pagod?

Sabi niya, “Hindi napuputol ang sweetness namin.

“Kapag nasa taping o shooting ako, maya’t maya ay nagtatawagan kami ni Aljon.

“Kapag siyempre nasa house ang mga bata, at hindi ko kasama sa shooting, lalong madalas ang tawagan namin Aljon. Kinukumusta ko ang mga bata.

“At kahit sa cell phone lang, doon pa lang ay sobra na kaming sweet ni Aljon, hanggang makauwi ako ng bahay!” tawa pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN