Alessandra de Rossi considers first hosting gig a big blessing

Alessandra de Rossi on hosting: "Yung paghu-host ko, I think maganda siyang pambalanse. Na sa umaga, positive, ‘Tapos sa gabim nanampal ka! Ang ganda, ‘di ba? Gano’n talaga!”


Kahit sa Italy na nakabase ang ina ni Alessandra de Rossi na si Nenita de Schiavone ay regular naman daw silang nagkakausap.

Nito ngang nakaraang Mother’s Day, masaya na rin daw ang aktres kahit sa telepono lang niya nabati ang ina.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Noong nandito pa siya sa Pilipinas, sa bahay lang kami kapag Mother’s Day.

“Kakain lang kami, siya ang magluluto.

“Hindi naman kami maokasyon na tao. Kasi sa amin ng mommy ko, every day is Mother’s Day.

“Sobrang nami-miss ko siya… oo naman siyempre!

“Pero, sanayan lang din naman.”

Nakausap namin si Alex sa Sunday All Stars noong Linggo, May 11.

Wala ba siyang planong umuwi at magbakasyon sa Italy para magkasama silang muli?

Sabi ni Alex, “Late this year siguro.

“Pinapangarap ko rin na makapunta ng Italy para mabisita sila doon, pero sa ngayon, malabo pa kasi may bago nga akong show.”



TALK SHOW HOST. Ang tinutukoy niya ay ang bagong morning celebrity talk show ng GMA na Everyday Happy, kung saan kasama niya bilang host sina Donita Rose, Gladys Reyes, at Chef Boy Logro.

Sabi pa ni Alex, “Happy si Mommy nung nalaman niya na maghu-host ako ng isang show.

“Siyempre tuwang-tuwa siya. Kasi alam niya rin na bukod sa pag-arte, gusto ko ring gawin yung paghu-host, e.

“Yung magpakalat ng positive vibes.

“Bilang reklamo nga ako nang reklamo, ‘di ba, na, ‘Ano ba ‘yan, kontrabida na naman!’

“Ang sama-sama na ng ipinapasok ko sa mga tao na puro ganyan… ayoko na!” natawa niyang pagtukoy sa mga role kung saan nata-typecast siya.

“’Tapos biglang ngayon, isang positive na show naman ang napunta sa akin na maghu-host ako.

“So, sobrang isang malaking blessing ito para sa akin, sa totoo lang.

“Kinilig ako. It came at the right time.”

Nagkaroon pa ba siya ng preparasyon kaugnay ng unang pagsabak niya sa hosting?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala… hindi na,” sabi ni Alex.

Nagsimula nang umere ang Everday Happy noong Lunes, May 12. Marami sa mga nakapanood nito ang nagsasabing magaling daw mag-host si Alessandra.

Kaya biro namin, puwede na siyang maging “Princess of Talk”?

“Wit!” natawang pagkontra ni Alessandra.

“Agad? May titulo agad, wala pang napapatunayan?

“Ang chos na chos naman nun!” tawa na naman niya.

Anong image bilang host ang gusto niyang mai-poject at ma-establish?

“Eto, yung totoong pagkatao ko.

“Sayang naman, ‘no? Nakakatuwa kaya ako! Maingay lang!” tawa na naman ni Alex.

Patuloy niya, “Well, dito sa show na ito, walang masyadong talk-talk.

“Puro pangungulit lang, ‘tapos sayawan, lutuan, kainan, games… lahat ng pampa-happy.”

Ngayong may bago siyang career bilang TV host, hindi na ba siya tatanggap ng kontrabida roles?

Sagot ni Alex, “Ay, hindi naman! Hindi ko sinabi ‘yon.

“Ang sabi ko lang, ayus-ayusin yung mga kuwento. Para naman we don’t give our viewers bad ideas, ‘di ba?

“And yung paghu-host ko, I think maganda siyang pambalanse.

“Na sa umaga, positive, ‘Tapos sa gabim nanampal ka!

“Ang ganda, ‘di ba? Gano’n talaga!”



NEW PRIMETIME SERIES. Kasama rin si Alex sa cast ng bagong primetimes series ng GMA na Ang Dalawang Mrs. Real, kung saan bida sina Dingdong Dantes, Lovi Poe, at Maricel Soriano.

Nagkasama na noon sina Alex at Lovi sa teleseryeng Legacy kung saan nagsimula ang kanilang pagiging magkaibigan. At ikinatutuwa raw ni Alex na muli silang magkatrabaho ngayon.

Sa kabilang banda, kahit first time pa lang nilang magkakatrabaho ng Diamond Star ay at ease daw agad siya rito.

Sabi ni Alex, “Masaya siyang kasama, makulit.

“Tiktak nang tiktak. Actually, dapat siya ang mag-talk show!” pabirong sabi pa niya tungkol kay Maricel.

“Bawal akong magsalita kapag nandiyan siya!”

Dahil pareho silang ma-chika, talagang nagkasundo agad sila?

“Wala pa naman agad sobrang time para mag-bonding, kasi parang one sequence a day pa lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero I think naman magkakasundo kami, bilang pareho nga kaming madaldal!” tawa na naman niya.



RECORDING ARTIST. Nasubukan na rin ni Alessndra ang recording. Two years ago ay may ginawa siyang album.

Bakit hindi na ito nasundan?

Paliwanag niya, “Wala na ako sa mood, e, tapos na siya.

“Nagawa ko na siya, iba naman.

“Puwede sa hosting muna ako? Bigyan niyo ako ng time!” natatawang biro niya ulit.

“Hosting naman… hosting with a little bit of dancing nga, e.”

Kung siya ang bibigyan ng pagkakataong mag-suggest, anong format o tema ng show ang gusto niya talagang i-host?

“Siyempre yung maraming talkies-talkies talaga.

“Yung puwede kang magtanong sa akin o puwede akong magbigay ng advice sa ‘yo.

“Yung puwede akong magtanong sa inyo at basahin ang mga sagot ninyo, yung mga gano’n.”



ALEX’S LOVELIFE. Kumusta naman ang kanyang lovelife?

“Gano’n pa rin!” aniya na ang ibig sabihin ay zero pa rin.

“Huwag niyo siyang guluhin. Basta every day, happy!”

Medyo nagbu-bloom pa naman ang beauty niya ngayon.

“Ito ang gandang walang nakakapansin!” tawa niya.

Dagdag pa ni Alex, “At saka kailangang single ako para sa show na ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN