Ai-Ai delas Alas feels "like a virgin" after vaginal tightening

Hindi pa raw handang muling makipagrelasyon si Ai-Ai delas Alas. Ang puwede lang daw sa kanya ngayon ay ang pakikipag-date. Isang taon na ngayong Mayo mula nang magkahiwalay si Ai-Ai at ang dati nitong asawa na si Jed Salang.


Rated SPG (Strong Parental Guidance) ang naging takbo ng press conference ng Belo Medical Group para sa bago nilang endorser na si Ai-Ai delas Alas kaninang tanghali, May 13, sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang procedure na iniendorso ng Comedy Concert Queen sa beauty clinic ni Dra. Vicki Belo ay ang FemiLift, isang paraan upang pasikipin muli ang pinakamaselang bahagi ng mga babae.

“Like a virgin” nga raw ang pakiramdam ni Ai-Ai, 49, matapos nitong sumailalim sa vaginal tightening kahapon, May 12.

Dagdag pa niya, “Very tight, very tight!”

Sampung minuto lang daw ang itinagal ng nasabing procedure, at painless at very safe daw ito.



BUHAY NG BABAE. Bilang babae, gaano ba siya kakumportable na pag-usapan ang ganitong mga bagay?

Saad ni Ai-Ai, “Kasi, totoong buhay ‘to, e.

"Eto yung buhay ng babae, buhay ng may-asawa.

"Comfortable ako pag-usapan ’to kasi, I think, it will help a lot of women na nagkakaroon ng problem and yung mababa yung confidence level nila.

"Ngayon, kung alam mo na masikip ka, wala nang dahilan na magloloko yung asawa mo or yung boyfriend mo. And I feel better.”

Sa tingin ba niya ay makaka-attract ito ng maraming mga manliligaw sa kanya?

Humahalakhak niyang tugon, “Actually, isa ito sa dahilan bakit ko ito tinanggap.

"Okay naman, sana matagpuan ko siya kung sino yung masuwerte na makaka-test.”

One year na simula nang tuldukan ni Ai-Ai ang pagsasama nila ni Jed. Handa na kaya siyang umibig muli?

Saad niya, “Uhm, six months more! May countdown naman.

"Wala lang yung mga link-link, yung serious, I think ‘di pa ako ready.

"Date-date, puwede."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN