Nag-post sa kani-kanilang Instagram account ang estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto ng larawan ng mga mamahaling Louis Vuitton bags.
Ito ay matapos mabanggit ni Claudine sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, May 11, ang mga LV luggage na ninakaw diumano ni Raymart.
Bahagi ng tanong ni Boy kay Claudine tungkol kay Raymart: “Sa lahat ng pag-uusap na may kinalaman kay Raymart, there is this mention about a CCTV. Tell me what you can. Tell me what is allowed to be told.”
Tugon ni Claudine: “I don’t know if it’s allowed. Pero dahil sa mga ninakaw niyang mga gamit namin, mga luggage na LV, may initials na CB. So, paano namang si Raymart ang may initials na CB?
"At saka yung paintings sa bahay. Nakuhanan ng CCTV yun. May conspiracy sa bahay namin to put our lives in danger also.”
POST VS. POST. Ngayong araw, May 13, nag-post si Raymart ng larawan ng tatlong LV luggage sa Instagram account nito.
Caption niya dito: “wala naman initials...”
Matapos nito, si Claudine naman ang sunud-sunod na nag-post ng apat na anggulo ng larawan ng mga LV luggage kung saan makikita dito ang initials na “C.B.” na initials ng kanyang pangalan.
Ang unang larawan ng bags ay may caption na: “Such a Loser.jus goes to show how Pathetic u are:) ang MAGNANAKAW MAGNANAKAW!yun lang:)”
Kasunod nito ay larawan pa rin ng bags na makikita ang “C.B.” initials. Ang caption niya ay: “Eto pa o!:)”
“there pa o!:)” naman ang caption niya sa pangatlong post.
Sa panghuling post ni Claudine, sabi niya: “tsk tsk tsk. funny how u jus showed d world once again na Abuser @ mapagpatol sa babae.ibigay nyo na kasi yung Mana na iniwan ng Papa Pablo nyo para sa mga kapatid nyo sa 2nd kay Bernadette Calove & sa 3rd & 4th family.malas kasi yang ginagawa nyo.”
