Erwan Heussaff denies rumored breakup with Anne Curtis

"Thanks for the concern, but let’s remember that FP isn’t BBC, there are more veracious sources of information out there. We are fine :)," sabi ni Erwan Heussaff tungkol sa lumabas na balitang hiwalay na sila ni Anne Curtis.


“We are fine.”

Ito ang sinabi ng restaurateur at food blogger na si Erwan Heussaff tungkol sa balitang hiwalay na sila ng girlfriend niyang si Anne Curtis.

Ang balita ay lumabas sa isang entertainment blog kahapon, May 13.

Para pabulaanan ang report, nag-post si Erwan ng maiksing mensahe sa kanyang Twitter followers.

May patutsada rin ang non-showbiz na boyfriend ni Anne sa mga nakikiusyoso sa kanilang relasyon, na tumagal na ng apat na taon.

Si Anne Curtis ay magkakaroon ng concert, ang AnneKapal: The Forbidden Concert, na gaganapin sa Smart-Araneta Coliseum, sa Biyernes, May 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN