Gladys Reyes advises grieving friend Wowie de Guzman to get back to work soon: "Magandang therapy ang work."

Gladys Reyes says despite her hectic schedule, she always have time and energy for her family, especially her husband Christopher Roxas: "Palaging meron... Sabi nga, wala namang super woman pero si God, ang galing. Sa liit nitong frame ko na ‘to, lahat ng energy binuhos Niya para magawa ko lahat."


Natuwa raw si Gladys Reyes sa panganay niyang anak na si Christoph nang sabihin nitong ipinagdasal niya si Wowie de Guzman.

Ayon kay Gladys, “Nakakatuwa, kasi sabi niya after ng church, ’You know what, Mommy, I prayed for Tito Wowie.’

"Siguro, he prayed [for Wowie] to gain strength kasi naawa nga siya for what has happened."

Kalilibing lang ng asawa ni Wowie na si Sherryl Anne Reyes.

Paliwanag ni Gladys, may isang oras na kid’s church daw ang simbahan nilang Iglesia Ni Cristo at talaga raw ine-encourage niya ang mga anak na mag-attend nito.

"So, yung ganun po, values and faith kay God," aniya.



STANDING BY WOWIE. Kinumusta namin kay Gladys ang kaibigang si Wowie.

Mula sa pagsasama nila noon sa Mara Clara ay napanatili nga raw nila ang pagkakaibigan.

Kuwento ni Gladys, “Noong first night, talagang lugmok.

"Isa kami sa mga una niyang tinext after na dineclare na wala na.”

Midwife daw ang nanay ni Sherryl at sa palagay raw nito, hindi dahil sa pain reliever ang dahilan ng biglang pagkamatay ng anak ilang minuto lang pagkatapos nitong inumin ang gamot.

Saad pa niya, “Actually, iba-iba po ang speculation, merong deep vein thrombosis... mga sakit daw yun after manganak.

"Hindi na nila pina-autopsy dahil, siguro, iniisip nila na bubuksan pa ang katawan ni Sherryl, so parang tama na.”

KEEPING HIM BUSY. Araw-araw raw na tine-text ni Gladys si Wowie, “Hanggang sa mailibing ang asawa niya.

"And every day, palagi ko siyang nire-remind na ’It’s a new beginning, new chapter of your life.

"’Wa [palayaw ni Wowie], break the routine, gumawa ka ng something new.’

"Kasi, kapag routine, maaalala niya ang asawa niya."

Ayon kay Gladys may business daw si Wowie sa Pampanga, pero ang suggestion daw ng asawa niyang ni Christopher Roxas ay gym.

"Kasi si Wowie, medyo maingat din siya sa katawan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya bakit hindi gym na nakakapag-ensanyo at the same time, puwedeng pagkakitaan.

“Kasi, wala namang problema, maganda ang buhay ni Wowie.

"Kung tutuusin nga, hindi niya kailangan bumalik sa showbiz kung financial reason.

"Pero ako, gusto ko rin siyang maging busy ulit o mapanood, kasi, therapy.”

Dugtong din niya, “Pero, huwag lang nga sanang ipagkamali na kung magbabalik-showbiz siya e ginamit yun."

Ang publisidad na dulot ng balitang pagkamatay ng asawa ni Wowie ang tinutukoy ni Gladys.

"Pero, wala naman sigurong mag-iisip nun kasi magandang therapy ang work, sa totoo lang.”

DISCIPLINING KIDS. Kilala si Gladys hindi lang sa pag-arte kundi sa pagiging aktibo niyang ina. Busy man siya sa maraming bagay ay nagtatalaga siya ng maraming oras para sa tatlong anak niya.

Nakausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong press conference ng bago niyang morning show, ang Basta Every Day Happy, sa GMA-7 noong May 8.

Ayaw raw ni Gladys na sa kanya pa manggaling ang pagiging hands-on mother niya, “Ayoko naman na parang ako yung mag-ano sa sarili ko.

"Pero kung pag-uusapan po ang pagdidisiplina, of course, hindi naman ako yung basta ano, palo.

"But, I won’t tolerate kung medyo kapilyuhang ginawa or kung sa tingin ko, ayokong makasanayan nila ang ugaling yun hanggang sa paglaki nila.

“Sabi naman po sa Bible, ’Huwag niyong iurong ang pamalo.’”

Namamalo rin siya sa mga anak?

“Kung kailangan lang po at ibig sabihin, mamalo ka ng may pagmamahal.

"Hindi naman sa papaluin mo ang bata kung saan tamaan.

"Paluin mo sa puwet o kaya sa kamay kung ang kalaro niya ay pinalo niya at nasaktan.

"After that, kailangan may ekplenasyon at kapag in-explain mo sa kanya, hindi yung busy siya.

“I-address mo kaagad, kung kailangan yung moment na yun, ikorek mo agad at hindi after two days.

"Dapat address agad-agad kasi, gusto mo siyang lumaking mabuting tao, mabuting Kristiyano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nanay ang huhubog doon, magulang.”


FILIPINO VALUES. Inaasam ni Gladys na mabalik sa kaugalian ng mga Pilipino ang pagmamano.

Aniya, “Sana hindi mawala ang pagmamano, yung Filipino values.

"Kahit busy sila sa paglalaro, kapag dumating ang nanay at tatay ko sa bahay namin, I always remind them [the kids], bless.

"Huhubugin mo sila. Kaya nga tayo nandito.”

HANDS-ON MOM. Nagpapasalamat naman daw si Gladys dahil ang nanay niya ay ilang taon na remission na sa naging breast cancer nito.

Kaya raw noong mag-60 ito ay pinag-party nila bilang pasasalamat na rin.

Bilang isang ina, ano naman ang mga natutunan niya sa sariling ina?

“Kung meron man akong natutunan sa nanay ko, yung pagiging hands-on.

"Lahat ng anak ko, breastfed.

"Kami rin, breastfed. Sabi ko nga, matinding bonding yun.

"At wala nang papantay sa bonding na yun.

“Hindi man katulad noon na simpleng-simple lang ang buhay namin, ang nanay ko, housewife.

"Unlike ngayon, suwerte ko na nga I have trusted people sa bahay.”

SLEEP DEPRIVED. Sa rami ng ginagawa niya bilang aktres, host, MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) board member, producer, businesswoman, at hands-on na nanay nga, aminado naman si Gladys na kung may kulang daw sa kanya, ito ay ang sapat na tulog.

“Hindi ako makatulog sa gabi, kapag alas-dose ng gabi, doon pa lang umaandar ang utak ko.

"Doon ako nakakasulat ng script, episode ko for Moment’s taping. Matutulog ako 2, 3 a.m.

"Pero ewan ko, binabangon ako ng katawan ko, 7:30 a.m.

"Sa totoo lang, kapos na kapos, masuwerte na kung may five hours akong tulog.”

WIFELY DUTIES. Hindi naman siya nagkukulang sa mga pangangailangan ng mister niya na si Christopher?

“Siyempre hindi,” natatawa niyang sabi.

“Yun ang hindi ko puwedeng pabayaan.

"Dapat nga matuto ka na, hindi lang sa mga napapanood, sa experience ng mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, sabi ko nga, si God talaga, ganoon niya ’ko sobrang kamahal.

"Binibigyan niya ako ng enough energy na pati ang intimate moments namin ni Christopher, hindi masasakripisyo.

"Palaging meron.”

Super woman lang ang peg niya?

“Sabi nga, wala namang super woman pero si God, ang galing.

"Sa liit nitong frame ko na ‘to, lahat ng energy binuhos Niya para magawa ko lahat.

"At siyempre, time ko rin with my parents, kasi ang tatay at nanay ko, alam ko na ito ang pagkakataon of giving back.”

TALK SHOW. Sa Basta Every Day Happy, masayang-masaya si Gladys sa bago niyang show na ito.

Una sa lahat, natutuwa raw siya na kahit ngayon lang sila nagkasama-samang apat, nina Donita Rose, Chef Boy Logro, at Alessandra de Rossi ay nag-click daw sila agad.

“Sa maikling panahon, alam niyo, parang proud yata ako sa grupo namin.

"Hindi ko alam sa iba kung ganoon din sila kabilis nag-jibe, pero kami, iba-iba.

"Like si Donita, parang sosyal, intimidating, pero ang down-to-earth.

"At bawat buka ng bibig niya, mai-inspire ka.

"May kakikayan din, iba ang sundot ng punchline.

“Meron siyang sinasabi na hindi mo aakalain galing sa isang napakagandang mukha na katulad niya.

“Si Chef Boy naman, doon ko nakita—actually kahit na noong nag-guest siya sa Moments—yung ibang side niya na family man.

"Hindi lang cooking niya, given na yun.

"Mapagmahal siya na ama at asawa at higit sa lahat, sa amin, nakakapag-adjust.”

E, si Alessandra naman?

“Ang gusto ko naman kay Alex, mabuti nga hindi kami nag-clash, kasi pareho kaming strong personality.

"Kaya hindi kami nagka-clash kasi ako married with family.

"Siya naman hindi, iba ang adventure niya.

"At ang gusto ko sa kanya, may alternate na ’ko sa kadaldalan.

"Madalas kasi, with my friends, colleague, ako ang kuwentu-kuwento.

"At least this time, hindi ako napapagod.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Basta, every day happy lang sila?

“Oo, ang sarap maka-happy,” saad niya.

Tinanong namin si Gladys kung nalungkot ba si Chef Boy na dahil sa bago nilang show ay nawala naman ang show nito na Kusina Master na ilang taon na rin?

“Ay, hindi naman, kasi makakapagluto pa rin naman siya dito.

"Meron pa rin siyang show sa QTV, kaya para hindi rin redundant ang ginagawa niya.”



KAMBAL SIRENA. Si Gladys ang gumaganap na Baracuda sa primetime series na Kambal Sirena.

Pero itong serye raw niya na ito na kahit kontrabida ang karakter niya ay malaya niyang napapapanood sa mga anak niya.

Kuwento nga niya, “Si Baracuda kasi, ang karakter niya, sobrang salbahe.

"Pero salbahe siya na alam mo na yung mga bata, hindi naman matatakot nang sobra.

"Hindi naman dahil sa mga anak ko sila... Halimbawa nag-church ako, may katabi akong kids, tingin-tingin siya na, ’Mommy, si Baracuda!’ yung ganyan.

“Kaya sabi ko, kahit pala ganoon ang character ni Baracuda, pambata.

"Yun ang ine-enjoy ko sa show. Napapanood ng mga anak ko.

"May show ako na nae-enjoy ng mga anak ko.”

Hindi naman nagagalit sa karakter niya ang mga anak niya?

“Hindi, pero sabi ni Christoph, ’You know, Mom, the part that I hate most e yun palang part na nandoon ako,’” natatawa pa niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN