Yasmien Kurdi accidentally kisses Jennylyn Mercado on the lips during Rhodora X shoot

After her accidental kiss with Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi says she’s now open to doing a lesbian role: “Okey lang siguro basta kung si Jennylyn na lang [ang kapareha], kasi nangyari na, e."


Paos pa rin si Yasmien Kurdi at hinihintay lang niyang matapos ang final taping ng Rhodora X bago tanggalin ang cyst sa lalamunan niya.

Overused ang dahilan daw ng pagkakaroon niya ng cyst sa lalamunan at isang buwan daw siyang magpapahinga kapag naoperahan na siya.

Ikinalungkot ito ni Yasmien dahil ayon pa rin sa kanya, nais sana niyang balikan ang pagkanta na hindi nga niya magagawa dahil sa kondisyon niya ngayon.

Asam niya, “Nakaka-miss kumanta, yung mag-recording, kaya sana someday magawa ko ulit, makakanta ako ulit.”

Bukod sa pagiging artista ay naging recording artist din si Yasmien at isa sa napasikat niyang kanta ay ang "I Know" na nanggaling sa unang album niya na In The Name Of Love ng GMA Records noong 2005.

Ginamit ang "I Know" bilang theme song ng Korean teledrama na Sweet 18.

Noon namang 2007 ay ini-release ang second album ni Yasmien na Love Is All I Need.



RHODORA X. Ilang linggo mula ngayon ay matatapos na raw ang final taping ng Rhodora X. Wala pa rin daw nababanggit ang GMA management kay Yasmien tungkol sa susunod niyang project pagkatapos ng teleserye.

Aniya, “Wala pa, pero I’m sure meron yun dahil kontrata and all.”

Sa Rhodra X ay may mga eksenang nagsasakitan sila ng co-star na si Jennylyn Mercado na gumaganap bilang si Rhodora/Rowena/Roxanne pero never daw naging totohanan ang pagsasakitan nila.

“Pero nahalikan ko siya minsan,” at tumawa si Yasmien sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Rhodora X sa Cavite, kamakailan.

“CPR! ’Tapos medyo slight close-up siya, so dumikit."

CPR o cardiopulmonary resuscitation ay isa sa mga paraan ng paunang lunas o first aid, kunsaan binibugahan ng hangin ng taong nagsasagawa ng first aid ang isang taong unconscious o walang malay at may mahinang paghinga o pintig ng puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Agad ko inihiwalay nung na-feel ko yung lips niya,” patuloy ni Yasmien at saka muling tumawa.

Papayag daw si Yasmien kung may offer na proyekto na gaganap siyang tomboy o lover ng tomboy.

“Okey lang siguro basta kung si Jennylyn na lang [ang kapareha], kasi nangyari na, e,” ang tumatawa pa ring sinabi ni Yasmien.

Isang nursing graduate si Yasmien at sa tunay na buhay raw ay naranasan na niyang mag-perform ng CPR.

“Pero yung kay Jennylyn, siyempre shocking, ’di ba? Friend mo.

“Pero wala siyang malisya.”

Wala raw siyang nahalikang babae sa buong buhay niya.

“Wala talaga, siya lang.”


Si Yasmien din ang unang nakaeksena ng dating Kapamilya at ngayon ay Kapuso talent na si Martin del Rosario.

May mahalagang kuneksyon si Martin (and character ni Martin) sa buhay ni Angela (character ni Yasmien) sa kuwento ng Rhodora X.

“Okey naman, okey naman, nakatrabaho niya rin dati si Denise Laurel.

"Ako naka-work ko si Denise sa Click dati.

"’Tapos nung nandito si Denise nag-uusap kasi, nakita ko siya recently, hindi ko lang maalala kung saan,” kuwento pa ni Yasmien.

FAMILY LIFE. Kahit artista siya ay nagagawa niya ang mga obligasyon niya bilang misis ni Rey Soldevilla Jr. at bilang ina ng anak nilang si Ayesha.

Kapag wala raw siyang taping ay buong araw silang magkasama ng anak niya.

“Ako ang nagpapatulog, ako ang nagpapakain.”

Tatalikuran na ba niya ang pagiging nurse dahil sa kanyang showbiz career?

“Puwede ko siyang balikan, fallback.

“Hindi pa ako nagbo-board, e.

"Sana kung meron akong time, pero ngayon stressful, e.”

Natapos naman daw niya ang lahat ng subjects niya sa nursing at board exam na lang ang kulang.

Aniya, “Kasi ang sabi nila wala nang masyadong nagne-nurse, so baka raw magtanggal ng mga cases ang PRC [Professional Regulatory Commission].

"Kunyari five cases, gagawin na lang nila itong two, so mas makakamenos sa mga ganun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon ang inaantay ko, magluwag yung PRC.”

Piloto ng private planes ang mister ni Yasmien na si Rey, kaya may mga pagkakataon na isang buong linggo itong wala sa bahay.

“Opo, ngayon flight ulit siya.

"Sobrang busy niya pero nakakauwi naman, kaso alam mo yung pag-uwi, pagod ’tapos trabaho ulit.”

May pagkakataon daw na sumama siya kay Rey sa pagpapalipad nito ng eroplano, “Pero small plane lang, meron kasi siyang mas malaking planes na pinalilipad.”

VHONG-DENIECE CASE. Sa kontrobersiya ng mga kaso ngayon ng sexual harrasment o rape na katulad ng kinasangkutan nina Vhong Navarro at Deniece Cornejo, ano ang masasabi ni Yasmien?

Nagkaroon noon ng kasong sexual harrassment sa pagitan nina Yasmien at ng aktor na si Baron Geisler, pero natapos din ito ng maayos at nagkasundo ang both parties.

Tumutol itong magbigay ng pahayag, “Hindi ko po alam, ayokong mag-comment dun.

"Mahirap mag-comment e, mamaya maano ako, mayari.

"Mapasama ka pa dun, ayoko, ayoko na, ayoko yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN