Martin del Rosario encouraged by warm welcome at GMA-7

GMA newcomer Martin del Rosario is a demon at multitasking. Apart from getting into a regular teleserye, he is also a third year student in Broadcast Communications at the University of the Philippines and an insurance agent actively pursuing clients via his cellphone.


Ngayong nasa GMA-7 na si Martin del Rosario ay gusto raw niyang makapareha si Lovi Poe.

Bakit?

Pakli nito, “Maganda siya at saka parang ang galing-galing niyang umarte.”

Sa male stars naman ng Kapuso network ay nais naman daw niyang makatrabaho si Tom Rodriguez.

Dati na raw silang magkaibigan noong pareho pa silang nasa ABS-CBN.

Aniya, “Nagka-work na kami, nakalimutan ko kung anong project, parang teen show.”

Na-inspire ba siya na nang lumipat si Tom sa GMA ay nag-boom bigla ang career nito?

“Oo naman, oo naman, na-inspire naman,” tugon ni Martin.

Itinanggi naman niya na may artista sa GMA na nagyaya sa kanya na lumipat ng network.

Pahayag niya, “Wala naman. Parang nag-usap lang kami ni Tito Arnold.

"Parang sinuggest niya, pero ako yung nagsabi na, ‘Why not we try GMA?’”

Si Arnold Vegafria na ang manager ngayon ni Martin.

NEW IMAGE. Handa ba siyang maging daring and sexy sa GMA?

“Ah, depende po sa image na gusto po sa akin ng GMA.

"Payag naman po ako. Sa ABS po, puro hubad-hubad ang ginawa ko dun,” at natawa si Martin.

Natuwa naman siya sa maiinit na pagtanggap sa kanya ng mga taga-GMA.

Aniya, “Masaya! Una, parang kinakabahan ako kasi parang bagong environment.

"Pero very warm yung welcome and nakausap ko na yung mga executive ng GMA, talagang okey silang kasama.

“Kahit yung tita ko si Connie Sison, nasa GMA News siya and nababanggit nga niya sa akin na happy naman yung network na pupuntahan ko.”

Tiyahin din ni Martin ang mahusay na character actress na si Ces Quesada.



WORKING STUDENT. Wala pang kaibigan na artista si Martin sa GMA dahil bagong lipat pa nga lang siya, at ang una niyang nakaeksena sa una niyang taping para sa Rhodora X ay si Yasmien Kurdi.

Napapanood daw niya dati si Yasmien sa StarStruck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Opo, napapanood din.

“Kanina tinanong niya kung nakakasama ko pa si Denise [Laurel], kasi nakatrabaho na niya daw noon si Denise.”

Bukod sa pag-aartista ay estudyante si Martin sa University of the Philippines at sa August pa raw ang pasok niya.

Broadcasting Communications daw ang kurso niya at third year irregular ang antas niya, "Baka mga three years or four years ang goal ko.”

Sa lovelife naman ay “single and happy” daw siya.



MULTI-TASKING. Kuwento pa niya, mag-iisang taon na nang huli siyang magkaroon ng karelasyon.

“Non-showbiz, July last year, ’tapos after nun, wala.

"Medyo gusto kong maging free, e.

"Lalo na ’pag nagwo-work ka, ’tapos nag-i-school ka.

“So busy, kahit sa family, sa family bonding.

“’Tapos ngayon, aside from pag-aartista, kasi yung work ko, finance adviser ako sa Philamlife.

"Insurance, investment, kung anu-ano, nagbebenta ako [ng insurance].”

Hindi naman daw siya pumapasok sa opisina.

“Since nag-aartista ako, parang more on sa sales ako, kailangan ko lang makabenta.”

Isang taon na raw siyang nagbebenta ng insurance. Marami na ba siyang kliyente dahil guwapo siya at artista?

“Well, I admit na ano siya... I admit na talagang advantage ’pag artsita ka, ’pag sa sales ka.

"Pero mahalaga na alam mo siyempre na insurance yung binebenta mo, ganyan.”

Wala pa bang nagsabi na bibili sa kanya ng insurance pero makipag-date muna siya?

Tumawa muna si Martin bago sumagot.

“Minsan parang kikitain ka lang pero hindi bibili!

“Pero dapat alam mo na lang, dapat, kilalanin mo muna yung kausap mo.”

Nagbebenta raw si Martin kapag wala siyang taping.

“Pero ano lang, nagtatrabaho lang ako sa cellphone. Puwede akong mag-close ng deal sa phone lang.

“First month ko, may dalawa na agad akong clients.

“Kasi talagang advantageous sa isang tao ang insurance talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN