Ai-Ai delas Alas on closeness with Kapamilya newbie Jay Gonzaga: “E, kasi talagang ano, nag-e-effort naman siya."

Ai-Ai delas Alas defends Jay Gonzaga from malicious talks that he is using her to advance his career, "Yung lahat ng commercials niya hindi pa naman niya ako kasama noon, e. Bakit naman niya ako gagamitin? Masipag yung si Jay.”


Aminado si Ai-Ai delas Alas na close sila ng modelo at showbiz newcomer na si Jay Gonzaga.

May nagtanong kasi kung sino ang napapabalitang dine-date niyang taga-ABS-CBN.

“Sino’ng dine-date kong taga-ABS? Sino?

“Ah, si Jay! Close kami ni Jay.”

Naging close daw sila dahil magkasama sila sa Dyesebel kung saan gumaganap si Ai-Ai bilang si Banak at si Jay naman ay isa sa mga lalaking sirena o merman sa show na pinagbibidahan ni Anne Curtis.

“Kasi kasama ko siya sa Dyesebel,” sinabi pa ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon para sa kanya ng Belo Medical Group na ginanap kahapon, May 13, sa Annabel’s Restaurant sa Quezon City.

Si Ai-Ai ang celebrity endorser ng Femilift, ang Belo Clinic painless and non-surgical procedure na pampasikip ng pagkababae.

COMFORT FRIEND. Sa dinami-dami ng mermen sa Dyesebel ay bakit kay Jay siya naging close? Si Jay ba ang nag-effort na makipag-close kay Ai-Ai?

“Oo! Talbog, lagot!” ang humalakhak na sinabi ng komedyante.

Ano ang meron kay Jay at naging close sila?

“E, kasi talagang ano, nag-e-effort naman siya.

“As in effort, talagang... kunwari, ’pag may problema ako, pupunta siya sa bahay.

"’Tapos usap kami, yung ’pag low, low, low ako sasabihin niya, ’Cold?’

“’Pag yung medyo wala ako sa mood yun ang text niya sa akin, ‘Cold?’”

Tatlong beses na raw nakapunta sa bahay niya si Jay.

Paano siya kino-comfort ni Jay kapag may problema siya or down siya?

“Wala, kinakausap niya lang ako, ganyan, ganito."

Hindi raw nanliligaw sa kanya si Jay.

“Hindi! Close lang talaga kami," sabi pa ng 49-year-old comedienne.

Inamin din ni Ai-Ai na may chance si Jay kung manliligaw ito sa kanya.

“Si Jay? Oo naman! Mabait si Jay."

Magkaibigan pa lang daw sila, wala pa silang relasyon, kahit mutual understanding ay wala pa raw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kapag nanligaw ito sa kanya?

“E, di sige. Naku, e, di sige!” nakangiti pa niyang sabi.

Alam na rin daw ng anak niyang si Sophia ang tungkol kay Jay at sabi nga raw nito, "’Mommy, gusto ko siyang i-meet.’"

Ayon pa kay Ai-Ai, “Kasi si Sophia magbabakasyon siya sandali, e. Sabi niya, ‘Dinner tayo nina Jay.’”

HAPPY TOGETHER. Base sa mga Instagram posts umano ni Jay ng mga larawan nila ni Ai-Ai, masaya ang male model na close sila ng komedyante.

Ayon kay Ai-Ai, “Oo, oo, oo. ’Tsaka sweet kami, yung parang, ‘I miss you!’ Ganyan-ganyan, yung ganun.”

Nag-date na ba sila nang silang dalawa lang bukod sa pagpunta ng binata sa bahay niya?

“Hindi naman date yun, e. Pero nagdi-dinner kaming dalawa, lumalabas kami.”

Sa scale ng one to hundred percent, maging sila kaya?

“Wala pa naman," tanggi ng Dyesebel actress.

Nang biniro namin kung nasa eighty percent na kaya, natatawang sagot ni Ai-Ai: “Hindi naman, potah!"

“Siguro mga ano, mga forty muna.”

May nagbiro na kaya siya nagpa-“pussykip” kay Dra. Belo ay dahil kay Jay.

“Wala, nasa Subic, e. May taping.”

May iba na concerned kay Ai-Ai na since baguhan si Jay at hindi pa gaanong kilala ay baka magamit lamang daw siya para sa showbiz career model turned actor.

Pagtatanggol ni Ai-Ai, “Hindi naman. Parang hindi naman ganun si Jay.

"Yung lahat ng commercials niya, hindi pa naman niya ako kasama noon, e. Bakit naman niya ako gagamitin? ’Di ba?

“Masipag yung si Jay.”

HER GIFT TO DENNIS. Napadako naman ang usapan sa isa pang lalaking nauugnay kay Ai-Ai, si Dennis Trillo.

Nagulat si Ai-Ai nang sabihin sa kanya ng members of the press na nag-birthday si Dennis noong Lunes, May 12.

Hindi raw niya alam na birthday ni Dennis.

“Ay, happy birthday!” bati ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala man lang siyang regalo kay Dennis?

“’Eto, my tight pussy! Naku my tight pussy,” at humalakhak muli si Ai-Ai.

Dahil hindi nga niya alam na birthday ni Dennis ay hindi pa raw niya ito nababati.

“Tatawagan ko na lang siya, ‘I’m so tight, happy birthday,’” at muling tumawa si Ai-Ai.


Loveless at single si Ai-Ai.

“Oo, korek, single, tight!

"Tight,” ang tumatawang pagtukoy ni Ai-Ai sa procedure na ginawa sa kanya ni Dra. Vicki Belo the day before ng presscon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN