Elmo Magalona still listens to his late father’s advice through prayers

One thing Elmo Magalona has not overlooked in his booming career in showbiz is his desire to finish college. “Hindi po puwedeng hindi ako matatapos,” he says.


Hanggang ngayon daw ay kinakausap pa rin ni Elmo Magalona ang yumaong ama na si Francis Magalona sa pamamagitan ng dasal.

Lalo’t isang matinee idol na ngayon si Elmo at masasabing naipagpatuloy niya ang legacy ng kanyang namayapang ama.

Aniya, “Nakaano pa rin siya, of course, in my prayers.

“Ang sabi ko sa kanya, parang lahat ng ginagawa ko ngayon, ‘It’s still dedicated to you,’ parang ganun.

“Ganun lang yung pagpapasalamat ko, ‘Na hindi ko ito magagawa without you, hindi ko ito mararating without you.’

“I’m super-thankful sa kanila ni Mom, like never kong kinakalimutan yung family ko.

“They’re always first in my heart.”

Sabi pa ni Elmo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kahit ano pa pong achievement na magawa ko ngayon, hindi siya mangyayari without him talaga.”

LESSON FROM DAD. May isang lesson o advice daw ang kanyang ama na hindi niya malilimutan at nagsisilbing guide nito sa kanyang career hanggang ngayon.

“Yung advice lang niya na sinunod ko naman, hindi ito mismo yung pagkakasabi niya, pero ito yung thought ko: ‘Kung kukuha ka man ng trabaho, might as well iyon na yung mahal mong gawin. Iyon yung gustung-gusto mong gawin.’

"Kasi siya, iyon yung ginawa niya, hindi siya nagpa-command sa iba.

“Kumbaga, sa sarili niyang sikap, sa sarili niyang gawa yung ginusto niya.

“And yun, iyon yung narating niya, he was like the most iconic rapper of the Philippines.

"And it was all because he listened to what he loved doing."

IN HIS DAD’S FOOTSTEPS. Si Elmo ay matagumpay sa larangang pinasok niya, isa rin itong mahusay na rapper at singer bukod sa pagiging sikat na artista.

Patunay rito ay ang consistent na mataas na rating ng drama series nila ni Janine Gutierrez sa GMA, ang Villa Quintana.

Masasabi ba ni Elmo na pinili niya ang tamang career para sa kanyang sarili?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon nito, “Right now po, siyempre I’m just twenty, so I can’t really say.

"Pero iba po yung feeling ko when I act.

"Iba po yung satisfaction na nabibigay niya sa akin.

“Para akong nag-graduate na, ganun yung satisfaction.

“Pag-graduate sa college, ganun, kasi hindi pa ako graduate, e.”

COMMITTED TO FINISH SCHOOL. Dahil sa showbiz commitments niya ay hindi pa tapos si Elmo sa kurso nitong Culinary Arts.

Pero naroon pa rin daw ang hangarin niyang tapusin ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

“Hindi ko pa po talaga mabigyan ng time ang school because I don’t really have time. Siguro mga four years pa po.

"Lagi po akong underload so hindi rin talaga siya matatapos kaagad.

“Pero for me, okay lang kahit hindi ako matapos like right now as long as mabigyan ko ng time yung school ko.

“Hindi po puwedeng hindi ako matatapos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN