Cristine Reyes reveals sister Ara Mina is two months pregnant

Bagamat balitang nanliligaw ngayon sa aktres na si Cristine Reyes ang Gilas Pilipinas player na si Kevin Alas, hindi pa rin nawawala ang isyung pagli-link sa kanya sa dating boyfriend na si Dennis Trillo. Sabi ni Cristine tungkol dito, “E, kasi, ganoon naman talaga. Alangan namang itapon na natin ang friendship na nabuo.”


Kinumpirma ni Cristine Reyes na buntis na naman ngayon ang kanyang nakatatandang kapatid na si Ara Mina.

Matatandaang nakunan noong 2013 si Ara, ngunit ngayon ay nadadalang-tao na naman ang aktres sa anak nila ng kasintahang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Read: Ara Mina admits pregnancy and miscarriage

Ayon kay Cristine, dalawang buwan na ngayon ang dinadala ng kanyang ate.

Masayang sabi niya, “Actually, noong Mother’s Day, may bumati sa akin na ‘Happy Mother’s Day.’ Kasi, daig ko pa raw ang ibang taong may mga anak.”

Malapit kasi si Cristine sa mga pamangkin niya.

“Yes, excited ako,” pagtukoy niya sa pagbubuntis ni Ara.

Dahil nakunan na si Ara noong isang taon, gaano kaingat ngayon ang kanyang kapatid sa pagbubuntis nitong muli?

Sabi ni Cristine, “Maingat na. Actually, sobrang ingat na.

“Kahit mommy ko, hindi na siya pinapalabas ng bahay, kahit dinner lang. ‘Huwag na, magpahinga ka na lang diyan.’

“E, balak pa naman naming mag-Japan.

“Kami na lang siguro ng mommy ko, pero dapat kasama si Ate.”

Hindi naman daw nire-require ang complete bed rest kay Ara.

“Hindi naman bed rest, pero siyempre, ingatan na rin, ‘di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristine sa launching niya bilang bagong celebrity endorser ng Ever Bilena Advance Beauty, sa Max’s Restaurant, kahapon, May 14.



WEDDING TALK. Ngayong magkakaroon na ng anak sina Ara at Mayor Patrick, alam ba ni Cristine kung napag-uusapan na rin dalawa ang tungkol sa kasal?

Sagot ni Cristine, “Hindi natin sila dapat i-pressure.

“Hindi naman porke’t… well, alam niyo yun, hindi naman doon ang basehan ng pagmamahalan ng dalawang tao.

“Mas sweet nga kung lolo at lola na sila, saka sila ikakasal.

“Alam niyo yun, para sa akin, hindi yun ang basehan.

“Basta, sobrang happy ako at excited ako.

“And I’m sure, maganda o guwapo yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang gusto niyang maging pamangkin kay Ara—babae o lalaki?

Nag-isip muna si Cristine saka sumagot ng: “Boy. E, kasi, ang dami nang girls sa pamangkin ko. Kulang ng boys.”

Totoo bang kapag may mga manliligaw siya, madalas ay isinasama niya ang mga ito kapag may lakad sila ng mga pamangkin niya?

Paglilinaw ni Cristine, “Hindi ko sila isinasama. It’s just that, ako, palagi talaga akong may date-out with my pamangkin.

“Minsan, oo, ganun. Kasama.”

Ilan ba ang manliligaw niya ngayon?

“Marami, kung bibilangin ko, hindi ko mabibilang!” natatawa niyang sabi.



KEVIN ALAS. Samantala, si Vice Ganda raw ang naging dahilan kung bakit nakilala ni Cristine ang napapabalitang manliligaw niya ngayon na si Kevin Alas ng Gilas Pilipinas. Kaibigan daw kasi ni Vice ang basketbolista.

Kuwento ni Cristine, “Actually, biglaan lang yun, e.

“Nasa isang party ako, ‘tapos nandoon din siya [Kevin].

“Sakto, nandoon si Vice. Ipinakilala ni Vice. Kaibigan kasi siya ni Vice.

“Sakto lang na nandoon din ako noon.”

Ayon kay Cristine, simula nang ipakilala ni Vice sa kanya ang basketball player, dalawang beses pa lang niya itong nakita.

Hindi pa rin daw sila lumalabas na silang dalawa lang o masasabing date.

Pero kung sakali, unang beses pa lang ba niyang magkakaroon ng boyfriend na basketball player?

Sagot ni Cristine, “Ayoko munang pag-isipan yun.

“Kung sakali, yeah, siya, if ever. Pero wala pa naman tayo dun.”



DENNIS TRILLO. Hiningan din ng reaksiyon si Cristine sa pagiging very open ni Ai-Ai delas Alas sa paghanga sa dating boyfriend niyang si Dennis Trillo.

Natatawang sabi ng Kapamilya actress, “I don’t know, okay, go! Cute naman siya, e.”

Binati naman daw ni Cristine si Dennis noong nakaraang birthday nito.

Hindi sila nagkita, kumain?

“Ay, hindi. Pero yung kapatid niya, kasama ko lang sa Dubai. Okay naman talaga kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman malaman na ni Cristine ang isasagot sa sunud-sunod na tanong na sa kanya tungkol kay Dennis.

Isa na rito kung hindi kaya sa bandang huli, sila pa rin pala ang magkakatuluyan dahil kahit matagal na silang nag-break, tila okay pa rin silang dalawa.

Sabi niya, “E, kasi, ganoon naman talaga. Alangan namang itapon na natin ang friendship na nabuo.”

Single daw si Dennis ngayon?

“E, ano ngayon!” natatawang sagot ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN