Alessandra da Rossi welcomes shift from kontrabida roles to "best friend ng bayan"

Alessandra de Rossi is thankful that she is now "best friend ng bayan" in reference to her roles in the now-ended Magkano Ba Ang Pag-ibig? and in the upcoming Ang Dalawang Mrs. Real.


May komento ang ilang showbiz insiders na baka ma-out of place si Alessandra de Rossi sa bagong talk show na Basta Everyday Happy ng GMA Network dahil sa apat na hosts nito ay siya lamang ang walang asawa at anak.

Kasama niya rito sina Donita Rose, Gladys Reyes, at Chef Boy Logro.

Pero sabi naman ni Alex, palayaw ni Alessandra, “Hindi kaya sila yung ma-out of place?”

“Aba, ano ba yung binebenta? Dalaga. Charot!"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alessandra sa presscon ng Basta Everyday Happy noong Huwebes, May 8, sa GMA Network Center.

SINGLE FACTOR. Unang hosting job ni Alessandra ang Basta Everyday Happy na napapanood araw-araw, mula Lunes hanggang Biyernes, alas-onse ng umaga.

Bakit niya ito tinanggap, gayong kilala siya bilang mahusay na drama actress?

Sagot niya, “Aba, bilang wala naman akong ginawa kundi tumalak sa tunay na buhay, sayang, e, di pagkakitaan na natin, ’di ba?”

Ayon pa sa aktres, ang kailangan daw ng show ay isang magaling magluto, dalawang mommy, at isang single na luka-luka na tulad niya.

"Yun talaga yung requirements, siyempre kailangan ding maghatak tayo ng boys.

“Nakakatuwa nga na tuwing may guest kaming mga lalaki, sa akin tinutukso dahil ako yung single.

“E, kung pare-pareho kaming mommy na may asawa, nasaan yung kilig factor ng show? Wala!”

Sa guesting nga raw ng Batch 1 ng StarStruck, itinutukso siya sa Avenger na si Anton dela Paz.

“Minsan naman, kay Christian Bautista... basta kung sino yung guest naming lalaki.”

Pareho silang single ni Christian pero, ani Alex, “Ano ba, busy ako, may dalawa akong shows. Charot!”

A KIND OF DISH. Sa interview ng PEP kay Chef Boy, kung ipagluluto raw niya ang kanyang co-hosts, ang iluluto niya kay Alessandra ay chopsuey dahil ang pagkatao raw nito ay kumpleto at halu-halo na.

“Ayoko kaya ang lasa ng chopsuey,” natatawa namang reaksiyon ni Alessandra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwede bang pinakbet, Chef Boy?”

Kung si Alessandra ang tatanungin, anong klaseng pagkain siya?

“Sinigang! May asim. Charot!

"I think sinigang ako. May alat, may asim, may konting taba.

"Masarap sa kanin, masarap na malamig, masarap na mainit, masarap na pinainit mo the following day.

“Masarap i-share, paborito ng lahat.

"Alam ng lahat. At bakit hindi?

"Sinigang na baboy, o sarap nun sa miso, yung ulo ng salmon.

“At yun nga, maasim siya, kahit panis na, hindi halata!" tawa pa niya.

ON DONITA. Sa hosts ng Basta Everyday Happy, si Donita ang masasabing tila tahimik lamang kumpara kina Alessandra, Gladys, at Chef Boy.

Hindi kaya “lamunin” nilang tatlo si Donita sa hosting at pagiging madaldal at kuwela?

Ayon kay Alex, “Actually, mali yung pagkakakilala sa kanya. Baliw siya!

“Sobrang baliw siya!

“Hindi ko rin ini-expect na ganun pala siya kabaliw.

“Siya nga yung tipo na kapag may ginawa kaming nakakatawa, ang haba ng tawa niya, na umiiyak na siya.

“Mas nakakatawa pa yung tawa niya kaysa sa buong nangyari.

“Pero yun nga, nakakatuwa siya, baliw, baliw siya.”

Ibang klaseng talk show sana ang gusto ni Alessandra.

“Well, hindi ganito. Gusto ko yung talagang pa-wisdom, ganyan, iyon yung pangarap ko.

"Gusto kong magturo ng magandang asal, magbigay ng advice.

“Basta gusto ko yung pag may tinanong sa akin hindi ko alam kung paano ko sasagutin.

"Yung, ‘Sandali lang, igu-Google ko ang sagot!’

“Yung ganun.”

CAREER CRISIS. Kasama rin si Alessandra sa upcoming drama series ng GMA na Ang Dalawang Mrs. Real, na pagbibidahan nina Dingdong Dantes, Lovi Poe, at Maricel Soriano.

May panahon daw na nag-isip na si Alessandra na talikuran ang showbiz pero hindi niya ito itinuloy.

Saad niya, “Una, siyempre kinausap ko ang GMA, actually hindi ako humingi ng kahit ano.

"Iniyak ko lang yung nararamdaman ko.

"Sabi ko, na feeling ko as an actress, masaya ako na may trabaho ako, sobrang totoo yun!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero as a person, nag-i-struggle na ako, kasi feeling ko, yung gifts ko, hindi ko nagamit nang maayos.

“Kasi wala kang naiturong maganda, lagi ka lang nang-aagaw, nananampal, nakikipag-away, salbahe,” pagtukoy niya sa mga kontrabida roles na naibigay sa kanya in the past.

Patuloy niya, “Lalo na kung hindi ka naman talaga ganun [sa tunay na buhay], parang ang bigat niya.

"May mga bata kang nanonoood, ayaw mo ng ganun palagi.

“So, for ten years straight, iyon ang ginagawa ko. Since Darna, tuluy-tuloy siya, e.

"So na-burnout ako, so binigay nila sa akin yung Magkano Ba Ang Pag-ibig? na best friend ako ni Heart [Evangelista].

“So, siyempre, best friend ka mabait ka, breather na yun para sa akin.

“Ngayon, best friend ako ni Maricel sa Ang Dalawang Mrs. Real.

“Ngayon, best friend naman ng bayan ang peg ko!

“From kontrabida to best friend ng bayan.”

Iyon yata ang hiniling niya, ’di ba?

“Hindi ko hiningi yun.”

Na maging mabait naman?

“Hindi ko sinabi yun, sabi ko lang na bigyan ako ng back story kung bakit naging masama yung isang tao.

"Kasi, ayaw mo namang magbigay ng bad ideas sa mga nanonood, lalo na kung araw-araw nilang nakikita yung isang character na ganun.

“Na kahit ayaw mo, nai-imprint siya sa utak mo, nagiging normal siya para sa iyo.”

Kaya ngayon ay masaya siya na best friend naman lagi ang papel niya?

“Basta everyday happy, basta everyday happy!” bulalas niya.

HAPPY TIMES. Kailan ang pinaka-happy na sandali sa buhay ni Alessandra?

Tugon niya, “Araw-araw siguro, kasi ’pag pinaalala mo sa akin yung happiest moment ko, wala naman akong maisip.

“Lahat masaya!

“Well, yung pinaka, siyempre nung nag-convert ako, nung naging Christian ako.

"Yung happiness ko na yun na naiyak ako, naluha ako, as in humagulhol ako.”

Nangyari raw ito noong 19 si Alessandra. Magti-thirty years old na siya sa July.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa ng aktres, “I think wala pang nakakapantay nun na kahit anong klase na happiness.

"Yung ganung tears of joy, wala talaga.

“Pero the rest, every day naman is a happy day."

Kailan naman ang maituturing niyang pinakamalungkot na sandali sa buhay niya?

“Siyempre siguro nung umalis yung family ko, nung pumunta sila sa Italy.

“Iyon yung ’pag naaalala ko, minsan naluluha pa rin ako.

“And every time ihahatid ko sila sa airport, after ng bakasyon nila dito, iyon, sad yun para sa akin.

"Pero hindi naman ako yung tipo ng tao, awa ng Diyos, na dumaan sa mga masalimuot talaga o trahedya, awa ng Diyos!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN