Coco Martin surprised by Sarah Geronimo’s acting in Maybe This Time: "Iba si Sarah dito."

Choice daw ni Coco Martin na huwag munang pagtuunan ng pansin ang kanyang lovelife. Saad niya, “Sabi ko nga, this time siguro, mas gusto kong isipin ang future ko, mas gusto kong paghandaan. Kasi, alam ko na lahat ng ito mawawala. And after that, yun na siguro ang time para intindihin ko naman ang sarili ko at ang puso ko.”


“There was never an us.”

Ito ay isang linya mula sa bagong romantic movie ng Star Cinema, ang Maybe This Time, na siguradong tatatak sa mga manonood.

Bida sa pelikula ang Kapamilya stars na sina Sarah Geronimo at Coco Martin.

Sa presscon ng pelikula kahapon, May 15, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, tinanong ang cast members kung nasambit na ba nila sa totoong buhay ang linyang: “There was never an us.”

Ayon kay Coco, “Wala, wala pa naman.”



COCO-SARAH LOVETEAM. Bago ang Maybe This Time, nagkatrabaho na sina Coco at Sarah sa dating primetime series ng ABS-CBN na 1dol (2010).

Ano ang bagong karanasan ni Coco sa pakikipagtrabaho niya kay Sarah bilang leading lady sa pelikula?

Sagot ng aktor, “Sa 1dol kasi, nagkatrabaho kami ni Sarah, medyo may ilangan pa dahil first time naming magka-work.

“Sa movie namin, ako ang nabibigla kay Sarah.

“Kasi, noong mga unang araw namin, halos hindi ko siya mahawakan. Hindi ko alam kung paano kami magko-communicate, ano limitation ko.

“Noong mga sumunod na araw, medyo ako na ang nagugulat.

“Kasi, may mga eksena kaming kailangan kami na... siyempre love story, merong mga romance na eksena.

“Siya na ang nagsasabi na, ‘O, Co, yakapin mo ako.’

“Alam mo yung nagkakaroon ako ng lakas ng loob, kasi siya yung nagpapakita sa akin na parang, ‘Huwag kang mahiya. Okay ako, trabaho tayo, partner tayong lahat dito. Kumbaga, grupo tayo.’

“Sabi ko nga, ang lakas niyang katrabaho kasi ini-involve niya sarili niya sa project.

“Ipinapakita niyang, ’Hindi ako si Sarah Geronimo rito, pantay-pantay tayo rito.’”

Sabi ni Sarah, nakakalimutan niya si Coco kapag magkaeksena sila. Ang naiisip niya lang ay kung ano ang karakter ng aktor sa pelikula.

Nakangiti namang sumang-ayon si Coco.

Aniya, “Actually, ano nga, sa sobrang na-enjoy namin ang pelikula, honestly, ako rin, kapag magkaeksena na kami, nakakalimutan ko na si Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, kapag nandoon kami sa set, yung character na ang nakikita namin.

“Yung mga eksena namin na minsan, hindi na itinuturo ni Direk Jerry [Sineneng] kapag sinabi na ’Ito’ng mga eksena niyo,’ kami na ang gumagawa.

“Nae-enjoy namin ang mga eksena, mga harutan, konting landian.

“Sabi nga ni Sarah, huwag ko siyang landiin, pero nagiging natural, kasi nagbibigay at hindi siya nagpapakita ng limitasyon.

“Siguro, sabi ko nga, yung maturity as an actress, nakikita ko kay Sarah dito. Lalo na sa mabibigat naming eksena.

“Kumbaga, sabi ko nga, parang baligtad.

“Kung gaano ako kabigat sa mga soap opera na ginagawa ko, dito naman, ako, naging sobrang light.

“Si Sarah naman, ang ini-expect ko na siya ang parang light dito, siya ang nagpakita sa akin na talagang nagulat ako sa eksena namin, parang tulala ako.

“Kaya pag-uwi namin, sabi ko, ‘Direk, okay ba ako dun?’

“Kasi, parang feeling ko, hindi ako nakaarte kasi sa sobrang galing ni Sarah sa confrontation na ginawa namin.”



A DIFFERENT SARAH. Marami na ring nakatambal si Coco sa kanyang mga pelikula at teleserye. Ano ang masasabi niyang kaibahan ni Sarah sa mga ito?

Ayon sa award-winning actor, “Well, ako kasi, nang magkasama kami ni Sarah sa soap, pangarap ko rin na magkasama kami sa pelikula.

“Sabi ko nga, sino bang leading man ang hindi gustong makasama si Sarah?

“Sabi ko nga, from the very start, excited ako.

“Ako, honestly, nag-e-effort ako na sana maging maganda ang kalabasan.

“Habang nagsu-shoot na kami every day, alam mo yung, ako, bilang artista, pumapasok ako sa character.

“Noong first time kong marinig ang pagkakakanta ni Sarah na ‘Maybe This Time’ sa theme song, honestly, kahit nasa soap ako, nasa bahay ako, paulit-ulit ko siyang pinapakinggan.

“At sabi ko nga, ‘Alam mo ba na napakaganda ng pagkakakanta mo?’

“Pinapakinggan ko siya na kahit ayaw mong ma-in love, parang in love ka, yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya kapag nasa set kami, si Direk Jerry, paulit-ulit niyang pinaparinig sa akin ‘yan bago mag-take. Pilit niya kaming pinai-in love.

“Nakakatuwa kasi sa character, mai-in love ka talaga.

“Sabi ko nga, first time kong gumawa ng ganitong character na paiinlabin ka, pero may bali.

“At saka sa movie na ito, siguro dito lang ako guwapung-guwapo.

“Kasi, pag-agawan ka ba naman ng Ruffa Gutierrez at Sarah Geronimo, bakit hindi?” natatawa niyang sabi.

Umaasa naman si Sarah na sa pamamagitan ng pelikulang ito ay seryosohin siya ng mga manonood bilang isang aktres.

Paano ire-rate ni Coco ang ipinakitang pag-arte ni Sarah sa kanilang pelikula?

Aniya, “Actually, noong prinisent sa akin ang movie, natakot ako.

“Kasi, ang ini-expect ko, kapag si Sarah, rom-com, very light.

“Sabi ko nga, ako na ang magpu-prove na iba si Sarah dito.

“Kung ire-rate ko siya sa 1 to 10, 10 para sa akin.

“Kasi kumpleto, e… pagdating sa romance, comedy.

“At sabi ko nga, yung ipinakita niya na ibang atake ng acting, yung level up ng pag-arte niya, kasi nagkatrabaho na kami sa 1dol.

“As an actor, alam mo yung kakayanan ng co-actor mo.

“Pero sabi ko nga, noong nakita ko siya rito, kahit ako na-surprise.

“Siguro, sa ganda rin ng mga eksena, mga lines na binibitawan namin.

“Kumbaga, sabi ko nga, kapag nanood ka, iba si Sarah dito.

“Kumbaga, napanood ko na mga pelikula niya, pero ibang-iba si Sarah dito.”



SARAH’S LOVELIFE. Kahit marami ang nagsasabing masaya ngayon si Sarah pagdating sa kanyang lovelife, nananatili naman itong tahimik.

Bilang leading man, may mga napansin ba si Coco na kakaiba kay Sarah ngayon, lalo na kung ikukumpara niya noong una silang nagkasama?

“Una, pisikal, mas dalaga na siya ngayon!” natatawang sagot ni Coco.

“Mas babae na at yung maturity. Maturity talaga kung paano niya i-handle.

“Siguro yung trabaho, the way kung paano niya bigyan ng isang buhay ang character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakita ko naman sa kanya at siguro masaya siya ngayon.

“And for me, siguro sa lahat ng hirap, pagod, pagsasakripisyo para sa pamilya niya at paghahanda para sa future niya, siguro kung anuman ang meron si Sarah ngayon, deserve niya yun para sa akin.”

Paano niya nasabing parang masaya si Sarah ngayon?

Pambubuko kasi ng co-star nilang si Ruffa Gutierrez, madalas daw niyang nakikita si Sarah na nagti-text.

Sabi naman ni Coco, “Actually, yung pagti-text, hindi ko nakikita. Pero, masaya siya.

“Sobrang bait niya sa mga staff namin at kapag may dumadalaw sa kanyang mga fans, alam mo na kahit pagod siya, hinaharap niya.”

Mukha bang in love, inspired ang kapareha?

“Basta alam ko masaya siya,” nakangiting sagot ni Coco.

Nagsi-share din ba si Sarah sa kanya ng ilang nangyayari sa buhay nito?

“Personal, e. Basta ang alam ko, kapag nag-uusap kami, future ang pinag-uusapan namin.

“Hindi kami masyadong nag-uusap nang personal.”

Sa kaso naman ni Coco, kailan siya huling na-in love o nagkagusto talaga sa isang babae?

“Matagal na,” sagot niya.

“Siguro simula ng maging busy ako. Choice ko yun, e.

“Sabi ko nga, this time siguro, mas gusto kong isipin ang future ko, mas gusto kong paghandaan.

“Kasi, alam ko na lahat ng ito mawawala.

“And after that, yun na siguro ang time para intindihin ko naman ang sarili ko at ang puso ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN