Nora Aunor wants Coco Martin to clear her name over debt rumor

Gusto raw ni Nora Aunor na linawin ni Coco Martin ang mga isyung naglabasan sa media na diumano’y ang aktor ang nagbayad ng condo ng Superstar at naubos daw ang bank book nito dahil sa kakahingi niya ng pera.


May mga usap-usapang lumabas na diumano ay nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ni Nora Aunor at ng co-star nito sa indie film na Padre de Familia na si Coco Martin.

Diumano, nag-ugat ito sa paulit-ulit na hiling na tulong-pinansiyal ng Superstar mula sa Kapamilya actor.

Read: Governor Vilma Santos dragged into Nora Aunor-Coco Martin debt controversy

Ayon sa ulat ni MJ Marfori para sa Showbiz Police ng TV5, nakaramdam daw ng pagkainsulto si Nora sa naturang intriga, na inaasahan naman daw niyang itatanggi ni Coco.

Pag-amin ng aktres, nagpadala na siya ng text messages kay Coco upang linawin ang isyu sa media.

Saad pa niya, “Ayoko na sanang sagutin ’yan kasi ayoko nang lumala ang isyu na ‘yan.

“Pero totoo po yun na may nangyari na nag-text ako sa kanya dahil nga dun sa nabalitaan kong kesyo siya raw ang nagbabayad ng condo ko.

“’Tapos naubos daw yung kanyang bank book dahil sa kahihingi ko ng pera sa kanya na siguro naman ay hindi totoo.”

Hinihintay raw ngayon ni Nora na magsalita ang aktor para malinis ang kanyang pangalan.

Dagdag pa nito, “Ang gusto ko lang naman sa kanya ay ilinaw na mali naman yung sinasabi ng iba.

"Hinihintay ko sanang siya ay tumawag kasi hindi ko naman alam kung natatanggap niya ang texts ko, kasi nagtawagan na kami minsan, e.”

Hindi naman daw big deal sa kanya ang gusot nila ni Coco.

Saad ni Nora, “Tampo? A, noon, noong umpisa.

"Ako naman kasi, hindi nagtatanim ng galit o tampo sa kapwa.”

Itinuturing pa rin daw niyang anak si Coco at naniniwala siyang maaayos ang lahat sa pagitan nila.

Sabi pa nito, “Anak ko pa rin siya.”



NATIONAL ARTIST FOR FILM. Noong nakaraang buwan, inanunsiyo ng National Commission for Culture and the Arts na inirekomenda na nila ang pangalan ni Nora sa Office of the President para tanghalin itong National Artist for Film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng Superstar tungkol dito, “Alam niyo po, kung ibibigay sa atin, laking pasasalamat ko po talaga.

"Kung hindi naman, laking pasasalamat ko pa din.

"Kasi yung kinukunsidera lang nila ako bilang National Artist, isang malaking bagay na po sa akin bilang isang artista.”

Noong May 10, pinangunahan naman ni Ate Guy ang unveiling ng statue ni Elsa, ang kanyang classic character sa pelikulang Himala, sa sand dunes ng Paoay, Ilocos Norte.

Sa May 21 naman ipagdiriwang ng Superstar ang kanyang ika-61 kaarawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN