Sarah Geronimo wants to prove her range as serious actress; hopes for more dramatic roles in film projects

Sarah Geronimo is more interested in the opportunity to learn more from working with various directors than in the choice of her next leading man.


Sa edad na 26, naniniwala si Sarah Geronimo na panahon na para siya ay mabigyan ng isang seryosong pelikula kung saan maipapakita niya talaga ang kanyang talento bilang isang tunay na aktres.

Bukod sa pagiging isang singer, nakilala si Sarah sa romantic-comedy movies kung saan halos lahat ay pampakilig lang sa tagahanga ang kanyang mga ginawa.

At kung meron mang seryosong acting ay hindi pa raw ito sapat para masabing isa na siyang ganap na alagad ng sining.

Sabi ni Sarah sa PEP.ph ( Philippine Entertainment Portal), "Oo naman.

"Kung bibigyan ako ng management ng Viva o ng kung sino man ang gagawa ng pelikula ko ay may mutual agreement, yun po.

"Gusto ko rin kasi mag-grow as an actress.

"Yung mapansin na may impovement, masaya na po ako.

"Yung acting awards? Malayo pa po yun sa isip ko.

"Basta, masabi lang na may na-improve sa akin, okay na po ako dun, happy na ako."

Nakapanayam ng PEP si Sarah pagkatapos ng presscon proper ng Maybe This Time, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN noong Huwebes, May 15.

Katambal ni Sarah si Coco Martin sa pelikulang ito ng Star Cnema at Viva Films na ipalalabas na sa May 28.

EXPERIENCE. Ayon sa ilang beteranang aktres, para maging mahusay sa pag-arte, kailangang malawak ang karanasan sa buhay para mas malawak ang paghuhugutan ng emosyon.

Hindi naman kaila sa publiko na malawak na rin ang emosyon na maaaring magamit ni Sarah para sa paglinang ng kakayahan niya sa pag-arte.

Aniya, "A, oo naman, bilang isang actor, humuhugot tayo doon sa ating mga personal na experience.

"Yung mga heartaches, happiness, lahat-lahat ng yun.

"Iga-gather mo yun sa isip at puso mo para mai-connect mo yun sa sitwasyon ng character mo na pinu-portray mo.

"Pero ang pinakaimportante sa lahat ay buo rin ang puso mo sa paniniwala na ikaw rin yung character na pinu-portray mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ay para rin masabi na totoo ang emotions na ipinapakita mo."

Hindi rin ipinagkaila ni Sarah ang hangaring sana ay makita na ng madla ang pagiging aktres niya sa Maybe This Time at magtuluy-tuloy na ito.

Sabi pa ng Pop Princess, "Dito sa film na ito, parang unti-unti namang naibibigay siya.

"Kasi may mga bagong eksena tayong ginawa, may mga bagong linya tayong ginawa.

"Although sa past movies naman na ginawa ko, lagi naman may bago.

"At yun naman ang mini-make sure at guarantee sa mga Star Cinema movies na ginawa ko.

"So, sana ay makita nila yung pagbabago na yun.

"Sana, sumabay din siya sa pag-age na 26 tapos magiging 27 ako, sana lahat ng roles na gagawin ko ay bagay din sa age ko, ’di ba?

"At ang maganda dito din ay meron kaming flashback scene na ’di naman nalalayo sa edad ko."

VIVA ARTIST. Bilang isa pinakamalaking contract artists ng Viva Entertainment, hindi ba niya hiniling sa management na sana ay bigyan siya ng isang seryoso at heavy drama na pelikula?

Ayon kay Sarah, "Napag-uusapan din naman ng manager ko, si Boss Vic [del Rosario], ako, at ng pamilya ko na nakikita nila yung need na kailangang may maipakitang bago.

"Makita yung range ko rin as an actress.

"Kasi ayaw naman nating ma-stuck tayo sa isang genre o ma-typecast tayo sa isang role.

"So, yun po."

NEW LOVETEAM. Samantala, napag-usapan din namin ang tungkol sa unang tambalan nila ni Coco sa pelikula.

May pressure ba o na-challenge ba siya sa pagsasama nila bilang bagong magka-loveteam at wala pang napapatunayan sa takilya?

Marami kasi ang umaasang magiging isang malaking hit ito ’tulad ng mga nakaraan niyang movies.

Saad ng singer-actress, "Honestly, when we do a movie, pangarap natin na maging blockbuster hit.

"Pero heto po, towards na end of our journey sa pelikulang ito, mas nagiging positive kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas kumakapit kami dun sa ganda ng pelikula regardless kung gaano ang kikitain namin.

"Ang importante ay kung gaano karami ang mata-touch naming mga puso, ’di ba?"

Sa puntong ito, inalam namin sa kanya kung sino pa ba ang gusto niyang maging leading man sa mga susunod niyang movies na gagawin.

Matagal na nag-isip si Sarah at saka sinabi niyang: "Yun sa akin, sana mas marami pa akong makatrabaho na direktor.

"It’s from our directors na mas marami tayong matututunan talaga.

"Kung paano sila magtrabaho, how they would bring out the best in you as an actress.

"Yun ang aabangan ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN