Billy Crawford to Coleen Garcia: “You make me happy! Happier than you think!”

Via Instagram, Billy Crawford thanked rumored girlfriend Coleen Garcia for her surprise birthday present. Coleen, in return, thanked "the crazy man who turns every single day into a beautiful adventure."


Ipinagdiriwang ng singer at It’s Showtime host Billy Crawford ang kanyang ika-32 kaarawan ngayong araw, May 16.

Kaya naman nagpaabot ng kanilang pagbati, via social media, ang kanyang mga kaibigan at co-hosts sa daily noontime show ng ABS-CBN.

Pero sa kanyang Instagram, labis-labis ang pasasalamat ni Billy sa co-host at napapabalitang girlfriend niyang si Coleen Garcia dahil sa espesyal na regalo nito para sa kanya.

Ipinost ni Billy ang larawan nilang dalawa ni Coleen at pinasalamatan ito dahil sa malaking kasiyahang ibinibigay ng napapabalitang girlfriend niya.

Hindi naman idinetalye ni Billy kung ano ang sorpresa sa kanya ni Coleen.

Ayon sa caption ng larawang ipinost ni Billy: “Thank you for making my birthday more memorable than others! @coleengarcia you’ve been awake since 4 am but you managed to surprise me for my birthday. You make me happy! Happier than you think! Thanks you for sacrificing and putting up with all my crap. Red eyes and all. Happy birthday to me. Thanks for the surprise!!! Wow, I got to figure out how to do it to you!!! Damnit.”

Sa Instagram account naman ni Coleen, sinabi ng dalaga na mas naging masaya siya sa pagdating ni Billy sa kanyang buhay.

Ayon sa caption ni Coleen: “Happy birthday to the crazy man who turns every single day into a beautiful adventure. Thank you for all the smiles! They’re always bigger when you’re around. :)”

CO-HOSTS. Binati rin si Billy ng kaibigan niyang si Vhong Navarro via Instagram.

Sabi ni Vhong sa caption ng larawan nila ni Billy: “Maligayang kaarawan sa katandem ko sa sayawan at aking kaibigang kasangga sa hirap at ginhawa! Iloveyou kuys @billyjoecrawford

Sa Twitter naman bumati si Vice Ganda kay Billy na itinuturing niyang best friend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN