Kapuso talent Jeric Gonzales feels honored to be in two Nora Aunor films

Ayon kay Jeric Gonzales, kakaiba ang kanyang naging karanasan sa pag-arte kasama ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Sabi ng Kapuso talent, "obrang amo niya kahit Superstar na siya."


Isa raw sa gustong gawin ng Protégé winner na si Jeric Gonzales ay ang mapabilang sa 69 bachelors ng Cosmopolitan Magazine.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m doing workshop also para to improve yung skills [sa acting], and then I’m preparing for the audition of Cosmo [Bachelor] Bash.”

Ang Cosmo Bachelor Bash ay ang taunang rampahan ng mga nagseseksihan at nagaguwapuhang lalaki sa entablado na hatid ng Cosmopolitan.

Dagdag pa ni Jeric, confident naman na siyang ipakita ang kanyang katawan.

Pero hanggang topless lang daw muna siya at hindi pa niya kayang magsuot ng underwear sa stage.

Nakausap ng PEP si Jeric sa opisina ng PEP, sa Summit Media, noong May 15.

INDIE WITH NORA. Hindi man visible sa telebisyon, abala ngayon si Jeric sa dalawang indie films na pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor—ang Dementia at Hustisya.

Bakit nga ba tila paborito siya ni Ate Guy?

Tugon ni Jeric, “Kasi parang anak-anakan niya ako dun sa set.

"Kasi, sabi niya, lahat ng mabait anak niya, so mabait naman ako tapos mabait rin siya.

“Sobrang amo niya kahit Superstar na siya.

"Talagang down-to-earth ’tapos pag mag-eeksena kami, niyayakap ko siya.

"Humihingi ako ng support, ang bait niya talaga.”

Unang nakasama ni Jeric si Nora sa Dementia. Pagkatapos nito ay muli siyang na-cast sa Hustisya na bida pa rin si Nora.

Balitang inirekomenda ni Ate Guy si Jeric sa producers ng pelikula.

Sabi naman ng Kapuso young actor, “So, parang ganun na nga, thankful na mabait siya sa akin, na sana marami pa kaming pagsamahan.

"Kasi sabi ko sa kanya, akala ko after Dementia, hindi na kami magkakasama.

"I think siguro marami pa siyang gagawin na puwede niya akong kasama."

HAPPY FOR THEA. Dalawa silang winners ni Thea Tolentino sa dating reality-based artista search ng GMA na Protégé, pero parang naungusan na siya nito pagdating sa mga proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagseselos ba si Jeric sa dami ng projects ni Thea?

Nakangiti niyang sagot, “Hindi, I’m happy for her kasi sabay kaming nagsimula, ngayon parang mas malayo na yung narating niya sa akin.

"Pero hindi ako nagseselos, ganun.

“Ginagawa ko na lang mas i-improve ko yung sa tingin kong kulang.

"Kasi siya, magaling siya umarte kaya nabibigyan siya ng chance."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN