Lino Cayetano and wife Fille Cainglet welcome baby boy

Couple Lino Cayetano and Fille Cainglet share a photo of their first child on Instagram.


Isinilang na ni Fille Cainglet, 24, ang panganay na anak nila ng mister niyang si Taguig Representative at film/TV director Lino Cayetano, 36.

Pinangalanan nilang Ino Philip ang malusog na baby boy na isinilang ni Fille noong May 13, Martes.

Ibinahagi ni Lino sa kanyang Instagram account ang larawan ni baby Philip noon ding araw na iyon.

Kalakip nito ang caption na nagsasabing: “Welcome to the world little one!”

Kasama rin sa mga tinag ni Lino sa naturang photo ang mga kapatid niyang sina Pia, Alan Peter, at Ren Ren Cayetano.

Sumunod naman si Fille na nag-post sa Instagram ng larawan ng kanilang anak ni Direk Lino kahapon, May 15.

Pahayag ng dating volleyball player ng Ateneo De Manila University sa kalakip na caption ng larawan: “Our baby boy, Ino Philip C. Cayetano. Thank you everyone for the love and support ❤️❤️ photo by papa @linocayetano”

Ikinasal sina Lino at Fille sa isang private ceremony sa Mactan, Cebu, noong December 27, 2013.

Marami ang nagtaka kung bakit biglaang nagpakasal ang dalawa, gayong tatlong buwan pa lamang silang magkasintahan.

Bunsod nito, lumabas ang iba’t ibang espekulasyon kung bakit tumagal lang ng isang buwan ang engagement nina Lino at Fille.

Isa na rito ay ang posibilidad na nagdadalantao si Fille.

Ngunit nanatiling tikom ang bibig ni Lino hinggil dito.

Read: A possible explanation on Lino Cayetano and Fille Cainglet whirlwind wedding


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN