Janine Gutierrez enjoys being sweet to Elmo Magalona; flattered he talks openly about their growing romance

Janine Gutierrez says she is grateful to fans who "are open-minded about our fresh pairing" in reference to being teamed up with Elmo Magalona in Villa Quintana.


Matamis ang pagkakangiti ni Janine Gutierrez nang tanungin siya kung nag-level up na ba ang pagkakamabutihan nila ni Elmo Magalona.

Kapansin-pansin kasing mas matindi ang sweetness sa pagitan ng dalawa kumpara noong nakaraang buwan.

Matatandaang niregaluhan ni Janine, 24, si Elmo ng rubber shoes at jacket para sa 20th birthday ng young actor-rapper noong April 27.

“Like he said, we’re going out. Siyempre, we’re still getting to know each other,” pahayag ni Janine.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine nang bumisita ito sa Summit Media office noong Huwebes, May 15.

Marami ang nagsasabing mas naging bukas si Elmo pagdating sa kanyang lovelife simula nang magkadebelopan sila ni Janine.

Ano’ng masasabi niyang bukas si Elmo sa pagsasabing masaya ito sa piling niya?

Sagot ni Janine, “Natutuwa ako kasi I didn’t expect it. Wala lang. Masaya lang.”

Ayon pa sa Kapuso actress-TV host, natutunan niyang huwag masyadong isipin ang sasabihin ng ibang tao pagdating sa kung paano niya i-handle ang mas lumalim nilang pagkakaigihan ni Elmo.

“Parang hindi mo masyado kailangan isipin kung ano yung magiging opinion ng ibang tao.

“As long as you’re happy at wala kayong nasasaktan na ibang tao, you should just enjoy.”

LOVETEAM. Samantala, nagpasalamat si Janine sa fans na tumanggap sa loveteam nila ni Elmo sa afternoon soap na Villa Quintana.

Lalo na dahil marami sa fans ng dating tambalan nina Elmo at Julie Ann San Jose ang tutol kay Janine para sa aktor noong nagsisimula pa lang ang naturang TV series.

“Nagpapasalamat ako na people are open-minded about our fresh pairing.

“Thankful lang talaga ako sa lahat ng support na natanggap ng Villa Quintana kasi parang baby namin yun.

“We really wanted the best for it.”

Ilang linggo na lang at malapit nang magtapos ang Villa Quintana.

Ngunit sa ngayon ay hindi pa alam ni Janine kung ano ang kasunod na proyektong gagawin niya sa Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung bibigyan siya ng pagkakataon, gusto raw niyang si Elmo ang muli niyang makatambal sa susunod niyang proyekto.

Sabi pa ni Janine, “I know we still have a lot to learn from each other, work-wise.

“And I really like working with him kasi he’s a good actor.

“Nakakadala ‘pag kaeksena mo siya. Sana I’ll still get to work with him.”

Sa huli, inimbitahan ni Janine ang mga Kapuso viewers na patuloy na subaybayan ang exciting revelations sa pagtatapos ng Villa Quintana.

“Abangan nila kung paano magkatagpo ulit sina Isagani [played by Elmo] at Linet [played by Janine].

"Dapat ding abangan kung paano malalaman ni Linet na si Aling Marie [played by Sunshine Dizon] ang totoo niyang nanay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN