Chef Boy Logro says being conned by a rich man is the only sad part in his happy life

Chef Boy Logro does not believe in retribution, “Hindi po kasi namin ugali yun, bine-blessed naman kami ng Panginoon. Nabigyan naman ako ng pagkakataon na mabawi naman. Sa kanila na po yun, sila na ang may kargo, hindi ako.”


Ayon kay Chef Boy Logro na araw-araw raw ay masaya siyang talaga.

"Since birth!" bulalas niya.

Hindi nawawala sa morning show ng Kapuso network si Chef Boy. At kahit namaalam na sa ere ang kanyang Kusina Master, kasama pa rin siya sa ipinalit ditong Basta Every Day Happy na nag-pilot na noong Lunes, May 12.

Tatlo ang mga bagong kasamang hosts ni Chef Boy ngayon—sina Gladys Reyes, Donita Rose, at Alessandra de Rossi.

Wala siyang mga moment na malungkot siya?

Sabi ng celebrity chef, “Well, dapat naman hindi malungkot as long as binigyan ako ng maraming biyaya ng Panginoon, dapat lalong masaya.

“Wala naman tayong karapatang malungkot, tao lang tayo.

"Malungkot ka pa, e, buhay ka pa.

“Anumang problema, hindi natin problema ‘yan. May dahilan.

"Ang Panginoon ang may gawa, hindi tayo."

GYPPED. Kung may ikinalulungkot man daw si Chef Boy, ito ay ang nangyaring panloloko sa kanya ng isang kanegosyo sa isang building na pinagkatiwalaan niya ng P3 million.

Himutok nito, “Yun nga po ang ikinalulungkot ko… kung sino ang taong nagsisikap, yun pa ang niloloko ng taong mayayaman."

Kuwento niya, “Noong una, maganda naman ang building, usapan namin, ’Sige, Chef, magsimula ka na.’

"Noong time na yun, nagbigay ako ng earnest money na P3 million na hanggang ngayon, hindi ko na nakuha.

“Well, mayaman naman ang may-ari, ako mahirap, kaya sabi ko, kayo na po ang bahala riyan.”

Hindi na niya idinemanda ang taong nanloko sa kanya?

“Hindi ko na idinemanda, kasi ang tao, alam niya ang ginagawa niya.

"Kung talagang manloloko ang kanyang kalooban, pinabayaan ko na lang.

“Tutal kikitain ko pa naman yun, kesa magwawala ka, magagalit ka, apektado ang pamilya mo.

“Sabi ko, ’God, bless them na lang.

"Tutal naman ang Panginoon, nagbibigay naman sa akin ng maraming biyaya.”

Hindi naman daw kaibigan ni Chef Boy ang nanloko sa kanya.
Sa mga broker-broker daw niya ito nakilala. Nandito lang daw sa bansa ito at minsan ay tumatawag pa raw sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng chef, “Kung minsan nagkakasakit kasi idinadasal namin sa aming simbahan na sana po maliwanagan.

“At sana po, ibigay na lang sa amin.

“Hindi naman kailangang magdemandahan, tao ‘yan, e.

“Hindi po kasi namin ugali yun, bine-blessed naman kami ng Panginoon.

"Sabi ko nga po, pera lang ‘yan, marami namang kikitain, marami naman akong endorsements.

“Nabigyan naman ako ng pagkakataong mabawi naman.

"Ang pera naman, sa lupa lang ‘yan, hindi naman sa langit.

"Sa kanila na po yun, sila na ang may kargo, hindi ako."




BLESSINGS. Nabanggit ni Chef Boy na noong nasa ere pa ang Kusina Master, may ibang network din ang nagtangkang alukin siya, pero nanaig ang loyalty niya sa GMA Network.

Aniya, “Nakakalungkot isipin kasi ang mga kasama mo, maraming nawala, pero masaya naman sa side ko.

“Unang-una, nakakaumay na rin. Dapat din naman talaga dahil matagal na, three years.

“At saka, yung last airing naman namin, e, napakataas naman ng rating.

"So, meaning, meron pang karapatan ang another show.”

Noong sinabi sa kanyang papalitan na ng ibang show ang Kusina Master, bagamat kasama pa rin naman siya, ano ang naging reaksiyon niya?

“Natuwa ako, tinatanong ko nga sila kung kailan kami matatapos.

"Sabi niya, ’Bakit Chef, pagod ka na ba?’

“Hindi naman, pero siyempre pinaghahandaan ko rin ang school ko.

"May business ako, e, yung school ko, first priority ko.

"Mas malaki ang kinikita ko dun kesa rito, kaya lang mas malaki ang aking mileage rito.

"Kapag artista ka, nakikita, marami ang nagpapa-enroll.”

CO-HOSTS. Sa tatlong niyang co-hosts, sino ang pinakapaborito niya?

“Lahat sila, kasi lahat sila may iba-ibang katangian.

"Si Gladys iba. Si Alessandra, iba rin. Si Donita, iba rin.

“Masaya sila, wala akong mapili, puro sila magagaling.”

Nakilala raw niya ang tatlong aktres noong naggi-guest ang mga ito sa Kusina Master, pero ngayon pa lang daw talaga niya makakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahat daw sila ay nagluluto at para kay Chef Boy, iba-ibang style sila.

Kahit daw nagsisimula pa lang sa show, nakita na agad ni Chef Boy ang magandang chemistry nilang apat.

“Maganda ang chemistry naming apat, salang-sala rin po.

"E, ako naman, hindi naman po ako nag-workshop, wala naman akong rehearsal or ano.

“Noong may team-building kami, natural ako, e, sinasabi ko ang totoo.

"Salamat sa mga katiwala ng GMA-7."

Samantala, may ipinapatayong simbahan si Chef Boy sa kanilang probinsiya sa Davao at may kooperatiba rin siyang ipinundar para sa mga kababayan niya roon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN