Jackie Rice prefers longevity in showbiz more than fame: "Ayoko ng limelight, ang gusto ko tumagal, maging credible na artista."

The slapping scene is part and parcel of Tagalog dramatic movies but after doing such a scene with Jean Garcia in Sitio Camcam, Jackie Rice says, "Grabe, totoo, parang after nun, ayoko nang manampal ng artista!”


Natawa si Jackie Rice nang tanungin ito at sabihing nag-bold daw siya sa indie film na Sitio Camcam.

Aniya, “Hindi naman nag-bold. Daring siya, pero hindi naman nag-bold.

"At saka, tingnan na lang nila kung may makikita sila.”

Tinanggap daw niya ang pelikula kahit na marami nang young actress ang tumanggi rito dahil gusto raw niyang gumawa ng bago at kakaibang karakter.

Masaya naman si Jackie dahil hindi naman niya naranasang makagalitan man lang ng direktor nilang si Joel Lamangan.

“Actually, isa yun kung bakit tinanggap ko ang trabaho.

"Gusto ko kasi siyang maka-work.

"Parang hindi pa kasi ako kumpletong artista hangga’t hindi ko pa siya nakakatrabaho.

“Kasi, marami akong naririnig about him kaya alam kong marami akong matutunan.

"Goal ko na makatrabaho si Direk Joel at malaman ang kaya kong gawin bilang artista, yung ganun.”

KONTRABIDA. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jackie sa taping ng GMA afternoon soap na Innamorata sa Antipolo City.

Kung sa ibang mga serye niya ay siya raw ang palaging kontrabida, masaya si Jackie na sa Innamorata, nandiyan din si Gwen Zamora na kontrabida rin lalo na sa karakter ni Max Collins.

Sabi nga niya, “Yung character ko, hindi siya ganoon kasama.

"At least, may katulong ako na maging masama.”

Sa kanilang dalawa, mas masama raw ang karakter ni Gwen dahil nagawa nitong ibenta ang kaluluwa sa demonyo.

“Hindi pa naman ako umabot sa point na ganun!” natatawang sabi ni Jackie.

“Siguro ang masama ko lang ugali rito, kahit kapatid ko siya [Max], hindi ko siya tanggap na kapatid.

"E, ‘di ba, grabe rin yun in real life, kung may kapatid ka ’tapos hindi mo kayang tanggapin, napakasama mo naman.”

Ginagawa na siyang bida ng Kapuso network sa ilang teleserye, pero heto’t kontrabida roles naman ang ginagawa niya ngayon.

Hindi ba niya nami-miss na mag-bida?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng StarStruck alumna, "Mami-miss ko ang taping kesa ang maging bida."

Mas gusto ba niyang kontrabida siya dahil parang mas less naman ang pressure sa kanya?

“Wala akong pinipili talaga. Basta may work ako.”



SLAPPING SCENES. Sa Sitio Camcam naman ay may mga eksena siyang pinagsasampal siya nina Jean Garcia, Sunshine Dizon, at Elizabeth Oropesa.

Natatawang paglalahad ni Jackie, “Yun lang ang masakit na part dun.

"Grabe, ang sakit nilang manampal!

“Si Ms. Jean, after niya akong sampalin, hindi ako makakain.

"Grabe, totoo, parang after nun, ayoko nang manampal ng artista!”

Patuloy niya, “After akong pagsasampalin, parang lahat ng tao naaawa na sa akin.

“Yung ibang tao, umaalis na sa tabi ni Direk Joel kasi hindi raw nila kaya.”

NO TO FAME. Iba ring klaseng artista si Jackie. Nandiyan siya ngayon, pero parang nawawala na lang bigla. Pero balewala lang daw ito sa kanya.

Aniya, “Hindi ko naman kasi gustong sumikat.

"Ayoko ng limelight, ang gusto ko tumagal.

“Gusto ko, kahit may baby na ako, nandito pa rin ako.

"Hindi ko rin naman gustong yumaman nang yumaman.

"Basta may trabaho ako, may pambayad ako sa mga dapat kong bayaran."

Sa ngayon daw, may nabili naman na siyang bahay para sa sarili niya, at pinapatayuan din niya ng bahay ang mommy niya sa Olongapo.

Ayon kay Jackie, ang mga ganoong bagay raw kasi ang inuna niyang ipundar.

“Yun talaga ang inuna ko, hindi ko inuna yung bumili ng mga mamahaling bag, hindi ganun.”

Natawa naman si Jackie nang tanungin namin kung ngayon ba ay gusto na niyang bumili ng mamahaling bag?

“Hindi, gusto ko mag-travel nang mag-travel.

"Sabi kasi nila, gawin ko yun habang bata pa.

"At saka, magkaroon ng business at saka ‘eto, gumaling pa sa craft ko.

“Hindi ko pinangarap sumikat pero pinangarap kong maging magaling. Maging credible na artista.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LONG ENGAGEMENT. Noong April ay nag-24 na si Jackie. Limang taon na raw sila ng kanyang boyfriend.

Mukhang sa pagpapakasal na sila papunta?

Sabi ni Jackie, “Hindi ko masasabi. Hindi naman namin napag-uusapan.”

Gusto raw niyang magka-baby kapag 29 na siya. Kung magpapakasal naman, kapag 27 na siya.

“Gusto kong two years muna kaming magsama bilang mag-asawa.

“At saka, gusto ko rin i-enjoy ko muna ang pagkadalaga ko bago ako mag-asawa.”

Sa limang taon nila, walang boring moments sa relasyon nila?

“Walang boring moments, masaya siyang kasama.

"Ganoon sigurong talaga kapag compatible kayo.”

Paano kung yayain na siyang magpakasal?

“Hindi pa ako ready,” nakangiti niyang sabi.

“Ayoko noong kapag mag-asawa na, saka ko hanapin ang pagkadalaga.”

Paano naman niya ini-enjoy ang kanyang sinasabi na pagiging dalaga niya?

“Minsan naman, gumigimik pa rin ako. Pero hindi na ako nagyo-yosi.

"Madalang na. Ini-enjoy ko ang buhay ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN