Ogie Diaz says Maybe This Time is his biggest break because "full contract ako rito at hindi per day"

Ogie Diaz is happy doing supporting roles but if a producer would insist on a launching movie for him, his asking price is P5 million net of taxes: "Kasi magse-share din ako sa mga kasama sa panulat para tulungan akong bugbugin sa publicity ang launching movie ko."


Masaya at proud ang comedian-radio/TV host na si Ogie Diaz sa pagiging bahagi niya ng pelikulang Maybe This Time, na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo at Coco Martin.

Smooth daw ang trabaho nila dahil okay ang mga kasama niya rito.

Kabisado na raw ni Ogie si Coco dahil bukod sa nagkasama na sila sa isang teleserye ay kumpare niya ang aktor na kilala bilang "Teleserye King."

Si Sarah naman ay first time niyang nagkasama kaya noong unang araw nila sa shooting ay kinausap niya ang singer-actress para maging kumportable sila sa isa't isa.

Kuwento ni Ogie, ??Si Coco kasi, bukod sa kumpare ko dahil inaanak niya ang four-year-old kong bunso, nagkasama na kami ng one year din sa Walang Hanggan.

"Kaya kabisado na namin ang isa't isa.

"Kami lagi ang magkasama sa dressing room, pero wala namang malisya.

??Pagdating naman kay Sarah, first time ever kaming nagtrabaho kaya first day namin sa shooting, kinausap ko agad siya na huwag ma-conscious sa akin or ma-tense.

"Dahil ??pag artista ako, artista ako, hindi ako reporter kaya naging kumportable na sa akin si Sarah.

??Mabait na bata si Sarah, bungisngis, at tahimik lang.

"Walang kaangal-angal kahit madaling-araw na."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa Dolphy Theater ng ABS-CBN noong Huwebes, May 15.

PRAISE FOR DIRECTOR. Nagpasalamat din si Ogie sa direktor ng Maybe This Time na si Jerry Sineneng dahil sa pagiging open nito sa suggestions ng cast para sa ikagaganda ng kanilang pelikula.

??Enjoy ako kasi walang terror na direktor, lahat masasaya, walang prima donna sa set at lahat cooperative.

"Kaya kami nakabuo ng isang napakaganda, nakakakilig, at nakakatuwang romance movie.

??Nakakatuwa kasi hindi lahat ng direktor tumatanggap ng inputs o ideas mula sa ibang tao.

??Si Direk, talagang, ??Paano ba natin pagagandahin ang pelikula, Ogs? Paano ba natin babaliin si Coco? Paano ba natin papaanuhin si Sarah???

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya natutuwa ako na yung mga naiisip kong dialogue o eksena ay panalo naman sa taste ni Direk.

"Para talaga siya sa ikagaganda ng movie,."

Pabirong saad pa niya, ??So, yung mga pinag-uusapan namin [ni Direk] para doon sa dalawa at saka siyempre para mag-shine din ako rito, charot!

"Ang role ko rito ay katiwala na parang sidekick na rin, all-around maid ni Tonio played by Coco.

"Ako lang ang kanyang konsiyensiya kapag may mali siyang desisyon o ??pag hindi siya nakakapag-isip ng dapat gawin.

"Epal lang na katu!?? nakatawang wika niya.

Ang naturang pelikula na palabas na sa May 28 ay handog ng Star Cinema at Viva Films.

BIGGEST BREAK. Ito raw ang biggest break ni Ogie sa 40-plus movies na nagawa nito dahil, ayon sa kanya, "Full contract ako rito at hindi per day."

Bukod sa Maybe This Time, anong pelikula pa ang masasabi nitong nagmarka talaga ang character niya?

??Hindi ko makakalimutang movie na nagawa ay yung Hiling na idinirek ni Joey Reyes, kung saan naging si Via Veloso ako dahil tumatak 'yon sa public.

"Kahit saan ata ako magpunta, pinaparinggan ako ng, ??I want to be a mother!?? Sana nga gawing teleserye ito ng ABS-CBN.

??Saka yung May Minamahal with Aiko [Melendez] and Aga [Muhlach] kasi kahit konti lang ang labas ko rito, tumatak sa audience.

"At dito ako unang nakatikim na bonus na mas malaki pa sa bonus ni John Estrada!

??At dito na rin nagsimulang tumaas ang TF [talent fee] ko,?? pabungisngis na pahabol pa niya.

Inusisa ng PEP kung pumapasok din ba sa isip niyang magbida o magkaroon ng launching movie someday.

??Kuntento na ako sa ganito, parang alalay o sidekick o pa-support-support,?? nakangiting sagot ni Ogie.

NO KIDDING. Pero kung may producer daw na talagang "matigas ang ulo" at pipilitin siyang mag-launching movie, sisingilin daw niya ito ng "P5 million net of all taxes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo?

"Kasi magse-share din ako sa mga kasama sa panulat. Para tulungan akong bugbugin sa publicity ang launching movie ko!?? nakatawang esplika pa ng Kapamilya aktor/TV host.

Mayroon ba siyang dream role?

??Dream role ko ay maging tatay na bading ng isang bidang lalaki sa teleserye.

"Kasi feeling ko, yun ang effective kong maipu-portray. Alam mo na kung bakit, 'di ba???

Sa tunay na buhay kasi ay may asawa't apat na anak si Ogie sa kabila ng kanyang pagiging gay.

Parang tipong Ang Nanay Kong Tatay nina Dolphy at Niño Muhlach?

??Oo, fave movie ko ??yon, e, pero yung hindi magbibihis-babae for a change.??

LOYAL. May nagsasabing siya raw ang counterpart ni German Moreno pagdating sa loyalty sa kanilang respective TV networks.

Gaano ba siya talaga ka-loyal sa ABS-CBN?

"Loyal ako and forever indebted sa kanila, masarap maging Kapamilya!" bulalas ni Ogie.

Napapanood si Ogie sa Dos via Dyesebel na pinagbibidahan ni Anne Curtis. Isa rin siyang co-anchor sa programang OMJ ng dzMM kasama si MJ Felipe.

Nasabi rin ni Ogie na may mga offer din siyang natanggap mula sa ibang TV network na milyones ang figure, pero talagang loyal daw siya sa ABS-CBN.

??May nag-offer na sa akin noon na super close sa isang bossing ng isang network.

"Siya raw ang bahalang makipag-deal, millions ang pinag-uusapan namin.

"I thanked him for believing in me, 'tapos sabi ko, ??Wala naman akong problema sa ABS, walang dahilan para mag-isip akong umalis.??

??And he understood when I told him, ??Mahalaga ang pera, pero I don't burn bridges, e.'

"'Saka masaya pa ako, ??pag hindi na ako siguro happy, baka magpaalam ako nang maayos sa management.

"Pero ipinapanalangin kong 'wag mangyari ??yon.

"Pero kapag nangyari ??yon ay wala naman akong choice but to find a new home.

"So, sa bandang huli, makikita mo talagang mas mahalaga pa rin kung saan ka masaya at hindi dun sa pera lang talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INDEBTED. Bukod sa Kapamilya Network, binanggit din ni Ogie ang mga taong pinagkakautangan niya ng loob kung anuman ang narating niya ngayon sa showbiz, mula sa pagiging tindero ng banana cue noong Grade 5 siya.

Aniya, ??Twenty-two years na ako sa ABS-CBN, I still believe that loyalty pays.

??Ang ganda ng relasyon ko sa ABS-CBN, super-forever indebted ako sa kanila kasi nire-renew pa rin nila lagi ang contract ko.

??Pero hindi naman lahat magpu-fall into place kung hindi dahil sa taong nagpasok talaga sa akin ABS.

"Si Ate Cristy Fermin para doon sa Showbiz Lingó as field reporter, at kay Tito Douglas Quijano at Joey Reyes dahil pinag-tripan nila akong isali bilang si Pekto sa Palibhasa Lalake.

??Pero ako ay naniniwala na kahit sino pang backer mo, kung hindi ka marunong makipagkapwa-tao, kung hindi mo hinuhusayan ang talento mo, ay mahihirapan ka rin,?? pagtatapos ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN