Ruffa Gutierrez on suitors: "Light-light lang pero wala pa talaga yung major."

One indication that Ruffa Gutierrez is getting serious with a guy is when she introduces him to daughters Lorin and Venice. She says, "My kids are sacred. Not anyone can meet them."


“Happy and very honored” ang deskripsiyon ni Ruffa Gutierrez sa ikalawang pelikulang ibinigay sa kanya ng Star Cinema.

Kabilang si Ruffa sa cast ng Maybe This Time, na pinagbibidahan nina Coco Martin at Sarah Geronimo. Idinirehe ito ni Jerry Sineneng at co-production rin ng Viva Films.

Ginagampanan ni Ruffa ang papel bilang kasintahan ni Coco sa movie.

Noong nakaraang Metro Manila Film Festival o MMFF 2013, napabilang din si Ruffa sa cast ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy na tinampukan nina Vice Ganda at Maricel Soriano.

Girlfriend naman ni Joey Marquez ang naging role dito ng dating beauty queen.

Back to her latest project, “I’m so happy with this film and honored to be able to be in a love triangle with Sarah and Coco."

Nakapanayam si Ruffa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng presscon proper ng Maybe This Time noong May 15, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City.

WORKING WITH SARAH. Nagkaroon ba sila ng pagkakataong magka-heart to heart talk ni Sarah? Binigyan ba niya si Sarah ng mga payo tungkol sa buhay?

Kuwento ni Ruffa, “Ay, hindi. Si Sarah naman isang level-headed girl.

“I don’t think you need to give advice to someone like her kasi she knows what she’s doing. She’s very smart, she loves her family, she’s focused in her career.

“And in terms of kung nagkaroon kami ng chance na makapag-usap nang heart-to-heart, no’ng time na ginagawa namin yung movie, lagi kaming kinukunan.

“So, lahat ng eksena—kunwari kaming dalawa ni Sarah ang magkasama sa shooting day—ang hahaba ng lines namin.

“What we do, instead of tsikahan sa set, nag-i-internalize na lang kami at nagmi-memorize.

“So, yung mga biruan namin, yung mga tanong, pasundut-sundot. Pero hindi yung three hours, four hours. Kasi we’re so busy preparing for the scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi naman siya rom-com [romantic-comedy] lang, e. Kailangan pagbutihin namin yung mga eksena.”

Gaano katindi nga ba ang pagiging kontrabida ni Ruffa sa pelikula? Hindi ba siya natatakot na ma-typecast? Sa movie ni Vice parang kontrabida rin kasi ang role niya.

Paglinaw ni Ruffa, “Hindi naman ako kontrabida dito, ’no? Yun lang na scene na nakita ninyo na nagtataray ako. Merong mga scenes naman na mabait ako.

“Yung sa Girl, Boy...mataray ba ako doon?

“Well, siguro I have a strong personality at nakikita naman ng mga manonood na aside from being strong and fierce, may puso rin ako at marunong rin naman akong mag-alaga.”

YOUNGER SCREEN PARTNERS. Ano naman ang pakiramdam ng pagkakaroon ng kapareha na mas bata sa kanya?

Sagot niya, “Well, yun naman ang uso, ’di ba? These days, in real life, nangyayari naman talaga yun.

“So, they wanted to tell the moviegoers na nangyayari ito sa totoong buhay na you may not have the same height pero nagkaka-in love-an kayo. And it works, and you’re happy.

“Nung in-offer nga sa akin ito, I asked, ’Sino ang kasama ko? Sino ang ka-love triangle ko?’

“Coco and Sarah raw. ’Really? Are you sure?’ Yung parang, ’Talaga? Okay, game!’

“Siyempre hindi na ako magrireklamo, right?"

At isa sa mga challenges ng ganitong roles...

“...parang you have to make the viewers understand and believe na talagang in love kami ni Coco sa isa’t isa.

“So, I guess para sa inyo ay, ’Mas maliit naman siya kaysa sa iyo? Ano ba ’yan, hindi bagay!’

“Oo, palagi akong naka-flats dito sa movie. Pero, you know, things happen in real life. Hindi mo masasagot ’yan.

“This is a unique kind of love story and pag napanood ninyo malalaman ninyo.”

FALLING FOR YOUNGER GUYS. Posible ba na ma-in love si Ruffa sa isang Coco Martin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Why not? I always fall in love with someone younger. I think it will be something different if I would fall in love with someone older.

“I mean, even my ex-husband Yilmaz [Bektas] is two years younger than me.

“So, it’ll be different if I would fall in love with someone older and wiser,” diin niya.

Open pa rin ba siyang ma-in love sa mas bata sa kanya?

Pag-aanalisa niya, “Well, alam n’yo, age is just a number. It doesn’t matter for as long as hindi naman siya 12, ’di ba?

“But you know pag magkasundo naman kayo and you get along, at compatible naman kayo and you feel each other as equal, it doesn’t matter anymore.

“For me as long as he’s not a teenager naman, ’di ba? Depende naman yun sa maturity ng isang tao, at least a few years younger or few years older. Yun lang naman yun.”

Pero not below twenty-five years old?

“Hindi ko pa naman naiisip yung gano’ng ka-bagets,” natatawa niyang pag-amin.

Hindi pa ba dumating sa point na ayaw na ni Ruffa na makipagrelasyon sa mas bata dahil hindi naman ito tumatagal?

“Ay, hindi naman. It’s not because of age kaya hindi nag-work. Specifically because of a certain personality disorder that my ex had, hindi naman sa age yun.

“You can be older na isip bata ka pa and you can be younger na mature mag-isip. So for me, like I said, age is only a number. Makikita mo naman yung experiences.

“If you say you’re 60, marami ka nang na-experience sa buhay mo. But if you’re only 20? Ay, konti pa lang ang experiences niya sa buhay.

“But it shouldn’t stop people from falling in love,” pahayag pa ni Ruffa.

LOVELIFE STATUS. May time ka na ba sa pag-ibig ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo, lahat naman tayo we should have time for love. You know, it gives you inspiration, makes you happy, make us laugh and smile. Importante naman na meron tayong inspirasyon sa buhay,” lahad niya.

Meron ba siyang inspirasyon bukod sa kanyang kids o career o family?

Napangiti si Ruffa at saka nagsalita, “Meron naman. Pero yung parang masasabi mo na igi-give up mo na lahat para sa guy? Naku, hindi na uso yun.

“Parang sa akin, time management is the key. Kailangan may career ka, may time sa family, may inspirasyon ka. Hindi lahat ibibigay mo para sa isang tao, hindi na uso yun.”

OFFICIALLY SINGLE.” For the record, in-love ba si Ruffa ngayon?

“No, I’m not in love. Marami lang akong admirers, grabe ka naman!” nakangiting bulalas ni Ruffa.

Dugtong niya, “Wala, inspired ako, marami akong textmates. Maraming nagpapakilig sa akin. Dalaga naman ako. I’m officially single.”

May na-meet ba si Ruffa sa Barcelona noong holiday vacation niya roon kamakailan?

“Marami naman akong nami-meet. Actually, kasama ko yung family ko doon. I was with my family. Kasi yung main part ng trip na yun, yung Holy Land talaga. That was a very unique and spiritual experience.

“At least nakita nung mga bata yung Holy Land and nakapaganda nung experience namin,” sabi pa niya.

Muli naming itinanong kay Ruffa kung handa na ba siyang ma-in love muli o magkaroon ng boyfriend.

“Light-light lang. Huwag naman masyadong heavy. Huwag naman yung parang Romeo and Juliet.

“Ayoko na nang gano’n. Yun bang holding hands while walking, kain-kain, puwede na yung mga gano’n.

“Parang friendly dates lang muna and let’s start it from there and then let’s see what happens,” dagdag pa niya.

Sa mga admirers niya, wala ba siyang napupusuan?

Saad niya, “Wala pa, e. Oo nga light-light lang pero wala pa talaga yung major. Wala pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinukunsidera pa rin ba niya yung sasabihin ng mga magulang niya pagdating sa pagpili ng susunod na mamahalin o makakarelasyon?

Tila dismayado niyang sagot, “Lahat naman ayaw ni Mommy [Annabelle Rama].

“Sometimes I don’t wanna even listen to her opinion anymore. Kumbaga, number one, matagal na akong hindi nagpapakilala ng anyone sa kanila.

“And yung mga anak ko, never pa silang nakakakilala na I was dating anyone else aside from their father. So, I’m very careful with that.

“Para sa akin family is family. Kailangang protektahan yung mga anak ko and I’d like to separate them from...”



ENTERTAINING SUITORS. Paano ba ini-entertain ni Ruffa ang mga admirers niya? Hanggang text lang ba? Nakikipag-date ba siya dito?

Pakli niya, “Wala, text-text lang.”

Hindi sila dumadalaw sa bahay?

“Hindi, grabe ka naman. Hindi sila dumadalaw sa bahay. I protect my kids.

“Hindi naman puwedeng kahit sinong manliligaw puwedeng makilala yung mga anak ko. My kids are sacred. Not anyone can meet them,” diin niya.

Ini-entertain mo ba sila?

“Nowadays naman kasi you start as friends, di ba? I don’t do random dates or like when someone picks you up in a club. Hello??? Magpakilala naman, mag-dinner naman kayo. ’O, my friend likes to meet you,’ mga ganun-ganon.

“Kumbaga vouch na yun ng kaibigan mo na hindi lang sa kalye. Kung na-vouch na siya ng friend mo and then you continue talking and start as friends,” patuloy pa niya.

Sina Lorin and Venice ba ay may sinasabi na ganitong klaseng lalake ang gusto nila para sa iyo?

Kuwento ni Ruffa, “Actually, ’etong Thursday Lorin wrote to me na sana tayong tatlo na lang forever.

“But I know one day you’ll fall in love again and we just hope that he’ll love us, he will love you, he won’t break your heart and he doesn’t smoke. May mga qualifications din sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi mga mature na sila, e. Mabuti na yung at least close kami ng mga anak ko, nasasabi nila lahat sa akin.”

Kailan sila tumigil sa pag-asang magkakabalikan pa kayo ng father nila?

Ayon sa kanya, “Ang mga bata namanm palagi pa ring nangangarap na, ’Ay, sana magkabalikan sila,’ you know. In their hearts gusto talaga nilang magsama kami ulit.

“Pero naiintindihan naman nila na they’re mature enough and realize na if it’s not gonna work, they will love me and they wish me all the happiness in the world.”

CANCELLED TRIP TO TURKEY. Tinanong din namin kay Ruffa kung bakit hindi na natuloy yung plano niyang magkita sina Yilmaz at ang mga anak niya dahil bibisita sana sila sa Turkey bilang bahagi ng shooting sa reality show na ginagawa ng pamilya nila ngayon

“Oo, kasi everytime we plan, biglang stressful na naman. Siguro in God’s perfect time magkikita naman sila. Anyway, they’re getting older and they’ll have their own mind soon,” aniya.

May pitong taon na raw hiwalay si Ruffa kay Yilmaz at may mga nakarelasyon rin siyang hindi rin umusbong at nagtagal.

Naisip ba ni Ruffa na baka hindi na dumating ang hinihintay niyang lalake para sa kanya? O ang pinapangarap niyang “perfect guy” para sa kanya?

“Ay, darating naman. Bakit hindi naman siya darating? Darating siya, ’no? Hindi ko lang alam kung kailan.

“Saka hindi ko siya kailangang hanapin. Bising-busy ako, wala akong time maghanap. Hayaan mong siya ang maghanap sa akin,” kampante niyang pahayag.

Naiisip din ba kaya ni Ruffa na baka tumanda na lang siyang nag-iisa?

“No, of course not. I will not grow old alone. I’ll grow old with a happy family, with my kids and with someone who’s gonna hold my hand. I believe in that,” deklara niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROJECTS. Pagdating naman sa posibilidad na muli itong makabalik sa ABS-CBN at makagawa muli ng mga serye, hindi pa raw matiyak ni Ruffa kung ano ang mangyayari.

Sabi niya, “Tignan natin. Now it’s just one step at a time. I’m doing this movie with Star Cinema and I’m also busy with It Takes Gutz to be a Gutierrez na ilu-launch na rin sa June 1st.

“So, busy ako ngayon. Hopefully tuluy-tuloy na.”

Open ba siyang makatrabahong muli si John Lloyd Cruz?

“Nag-work na kami, hello?” na ang tinutukoy niya ay ang guesting niya sa Home Sweetie Home sitcom na pinagbibidahan nina John Lloyd at Toni Gonzaga.

ON JOHN LLOYD’S BUFF BOD. Ano ang masasabi ni Ruffa sa leaner physique ni John Lloyd ngayon?

Sagot ni Ruffa, “Hindi ko pa nakikita. Wala pang nakakakita.”

Pero may ilang mga larawan si John Lyod na lumabas sa social media at may billboard ad na rin ito kasama si Anne Curtis para sa Century Tuna na makikita sa iba’t ibang panig sa Metro Manila.

Giit ni Ruffa, “Hindi ko pa nakikita. Kailangang makita ko muna.”

Curious ka bang makita yung pangangatawan ni John Lloyd ngayon?

“No, hindi ko nga naisip ’yan, e. Pero sige, ngayong nabanggit mo hahanapin ko siya sa PEP kung ano ang hitsura niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN