Jennylyn Mercado revives singing career with new album Never Alone

Jennylyn Mercado on why she chose to revive her singing career: “Sayang, e! Habang may boses pa, ’di ba? Baka mamaya biglang mawala, e.”


“Good health lang, kasi pag iyon ang ibinigay sa iyo magagawa mo nang mabuti ang lahat, hindi ka magkakasakit, ’di ba?

“So para sa akin, yun lang.

“Okay na yun, good health lang,” ang sagot ni Jennylyn Mercado nang tanungin namin kung ano ang hiniling niyang regalo nitong nakaraang kaarawan niya noong May 15.

Kung materyal na bagay naman?

“Wala, e.”

Pero sa kakukulit namin sa kanya…

“Ano ba?

Kotse, bahay, tour?

“Ayan tour, gusto ko yan! Gusto ko Greece. Gusto ko talaga, gusto ko talagang makapunta dun.

“Kasi hindi pa rin ako nakkapunta sa area na yun, e. Tapos kahit yung Europe side, hindi ko pa talaga napupuntahan,” dagdag pa niya.

Sino ang isasama niya?

Ani Jen, “Mama ko. Dream niya yun e, makapunta dun.

“Dadalhin ko siya sa July kasi pupunta kami ng UK sa July. May show ako dun.

“Show lang na ano, parang opening ng isang store tapos kailangan kong mag-appear.

“Sa London.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn nitong nakaraang Biyernes, May 16, sa pocket presscon ng Rhodora X sa GMA Network Center.

B-DAY GIFT. Ano ang best gift na natanggap ni Jennylyn sa kaarawan niya?

“Basta,” at tumawa ang actress/singer/host.

“Galing sa kaibigan ko.”

Mamahalin?

Tanggi niya, “Hindi naman, gusto ko lang na ma-receive. Nakuha ko siya.”

Alahas?

Muli niyang tanggi, “Hindi, hindi.

“Basta ano, ginagamit ko siya, basta ginagamit ko lang siya.”

Hindi raw taga-showbiz ang friend na nagregalo sa kanya, na ayaw ring i-reveal ni Jennylyn kung babae o lalaki.

Manliligaw ba ito?

Natatawa niyang sagot, “Hindi, hindi.”

B-DAY BASH FOR FRIENDS. Bahagi ng selebrasyon ng kaarawan ni Jennylyn ay ang panlilibre niya sa mga kaibigang ka-teammate niya sa triathlon sa Spiral sa Sofitel Hotel.

Hindi nakasama doon si Benjamin Alves na nali-link kay Jennylyn at ka-teammate rin niya. Nasa Amerika si Benjamin noong araw na iyon para sa isang Kapuso show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya tungkol kay Benjamin, “Ka-teammate ko siya, oo. Pero wala siya dun.

“Basta lahat sila in-invite ko siguro mga fifteen.”

May regalo na ba sa kanya si Benjamin?

Sagot niya, “Meron, silang lahat may gift sila sa akin.

“Hindi ko pa binubuksan, e. Wala pa akong binubuksan na mga gift kasi marami pa dun, e. Yung mga binuksan ko yung mga puwede nang buksan.”

Wala pa raw regalo si Luis Alandy na balitang nanliligaw kay Jennylyn.

Wala pa rin daw regalo sa kanya si Mark Herras.

“Sabihan niyo nga,” pagbibiro pa ni Jennylyn tungkol sa leading man niya.

Kay Jennylyn rin namin napag-alaman na hindi natuloy ang binyag ni Ada nitong May 14. Sa halip ay sa katapusan na raw ng Mayo itutuloy ang binyag ng anak ni Mark kunsaan si Jennylyn ay isa sa mga ninang.

“Next week pa, [May] 28.”

RHODORA X DRAWS TO A CLOSE. Sa nalalapit na pagtatapos ng Rhodora X ilang linggo mula ngayon, si Yasmien Kurdi raw ang mami-miss ni Jennylyn nang husto.

Paliwanag niya, “Kasi kami yung parang, yung magtitinginan lang kami, alam na namin, mami-miss ko yun, yung tinginan lang namin alam na namin yung sinasabi ng utak namin.

“Ganun kami, kaya naming basahin yung isa’t isa.”

Sa direktor naman nilang si Albert Langitan, may mga natutunan daw si Jennylyn.

“Three years straight ko siyang nakatrabaho; Protégé 1, Protégé 2 at Anak Ko ‘Yan.

“Siguro ano... yung sa attitude, yung pagiging patient ’tsaka kasi si direk very calm, hindi nagagalit, never nagalit yun sa set. And yung patience niya talaga napakahaba.

“Ang haba ng pisi, hindi ko alam kung paano siya magalit kasi napakabait.

“Kahit anong stress, kahit anong problema yung pinagdadaanan namin sa set, ganun pa rin siya, very patient,” pagmamalaki niya.

Kay Mark Herras na leading man sa Rhodora X, ano ang mami-miss niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung ano, yung kulit niya. Kasi pag gumagawa kami ng eksena wala kaming ibang ginawa kundi magharutan. Harutan nang harutan.

“Mahilig kaming maglaro sa set. Yung nilalaro namin yung scene lalo na pag nire-rehearse pa lang, ang kulit, nagkukulitan,” masaya niyang kuwento.

STUDIES FIRST FOR ALEX JAZZ. Napag-alaman naman namin na hindi muna papayagan ni Jennylyn na mag-artista ang anak niyang si Alex Jazz.

“Hindi! Kailangan niya talaga tapusin yung school niya. Wala siyang choice. Kailangan niyang tapusin ang studies niya.” diin niya.

Kahit raw kakitaan ng pagkahilig sa showbiz ang anak niya ay hindi niya ito papayagan agad.

Dagdag pa niya, “Sa ngayon hindi muna. Pagkatapos niyang mag-aral, sige papabayaan ko na siya. Tapusin niya muna ang college.

“Importante yun, e.”

WISHES FOR LIGHTER ROLES. Sa tanong naman kung ano pang role o project ang nais niya, isang romcom (romantic-comedy) raw ang gustong gawin ni Jennylyn in the future.

“Gusto kong mag-light-light naman ng konti. kasi sobrang heavy ng Rhodora X.

Tatlo kasi ang karakter ni Jennylyn sa nabanggit na drama-series ng GMA: ang mabait na si Rhodora, ang salbaheng si Roxanne at ang isip-batang si Rowena.

Naging cover girl na si Jennylyn para sa FHM Philippines pero hindi raw niya alam kung ano na ang ranking niya sa kasalukuyan sa list ng 100 Sexiest Pinays ng naturang men’s magazine.

Pakli niya, “Hindi ako updated, e.”

Kapag in-offer-an raw siya ulit na maging cover girl ng FHM ay papayag siya.

“Oo naman! Ano naman ako e, pag nagpu-pose naman ako sa mga ganun, alam ko naman ang mga limitations kaya hindi rin ako puwedeng yung lalagpas sa, hanggang konting back lang.”

ALBUM LAUNCH. Samantala, ngayong Linggo, May 18 ang launching ng bagong album ni Jennylyn sa Sunday All Stars, ang Never Alone sa ilalim ng GMA Records.

Laman nito ang carrier single na “Basta’t Nandito Ka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nasabing carrier single ay maaari nang i-download sa iTunes ngayong Linggo kasabay ng launch nito.

Isinulat ito ni Vehnee Saturno, ang kompositor ng unang single ni Jennylyn na “Kahit Sandali” na nagbigay sa kanya ng Gold Record award para sa kauna-unahang album niya na Living the Dream noong 2004.

Ang pinakabagong album ni Jennylyn ay magmamarka sa kanyang pagbabalik sa GMA Records at sa kanyang ika-10 anniversary sa entertainment industry.

Binubuo ito ng sampung OPM songs katulad ng “Kahit Sandali,” “Sa Hatinggabi” na theme song ng Rhodora X, at “Abot Langit,” ang love theme naman ng nalalapit na rerun ng hit Koreanovela na Jewel in the Palace.

Kasali rin sa album ang revival ni Jennylyn ng Ella Mae Saison hit na “’Til My Heartaches End.”

Nakatakda ring magkaroon ng isang major concert si Jennylyn sa October 10 na gaganapin sa Araneta Coliseum.

REVIVING SINGING CAREER. Bakit siya nagdesisyon na i-revive muli ang singing career niya?

“Sayang, e! Habang may boses pa, ’di ba? Baka mamaya biglang mawala, e.

“Kami ng GMA Records ang nag-decide.”

Sa tanong kung para kanino ang revival niyang “’Til My Heartaches End,” tumawa si Jennylyn.

“Basta iyon na yun!” bulalas niya.

Paborito naman raw niya sa album ang “Basta’t Nandito Ka.”

“Kasi ang ganda ng lyrics, maganda yung meaning tapos yung melody ang ganda e, parang in between masa and ano,” rason niya.

Sino ang sasabihan niya ng “basta’t nandito ka?”

Ang anak niyang si Jazz?

“Kasi ano siya e, kasi hindi siya para sa pamilya, para siya talaga sa lover.

“Wala pa, e! Update ko kayo pag meron na,” at muling tumawa si Jennylyn.

RELATIONSHIP WITH POLITICIAN? Natanong namin si Jennylyn kung naligawan na ba siya ng politician.

Aniya, “Hindi, hindi pa.”

Kahit noon raw ay never siyang naligawan ng politician.

“Wala talaga,” giit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may manliligaw sa kanyang pulitiko?

“Depende. Basta ano... as long as siguro, unang-una, walang asawa. Single.

“Tapos, siyempre importante yung mamahalin ako at yung anak ko, si Jazz, yung family ko.

“Iyon okay ako dun,” pahabol pa ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN