Bela Padilla on rumored breakup of cousin Kylie Padilla and Aljur Abrenica: "I don’t know, ha, I don’t think so. I mean kung ako yun, no na ako."

Bela Padilla on recent problem of cousin Kylie and boyfriend Aljur Abrenica: “Siguro kahit sinong girl na, kahit hindi totoo, hindi confirmed, kahit wala ka pang nakikitang evidence or whatever, if you’re away, if you’re far away, ’tapos may naririnig ka, siguro malulungkot ako, kung ako yun.”


Kaarawan ni Bela Padilla noong nakaraang May 3.

At magkakaroon daw ito ng post-birthday celebration sa PAWS o Philippine Animal Welfare Society sa may Katipunan Valley, Loyola Heights, Quezon City.

Aniya, “...may ginawa sila, may sinet-up sila [GMA Artist Center] sa May 21, magpi-feed kami ng animals, mga ganyan.

“Hindi naman ako PAWS advocate, pero kasi meron akong pets sa bahay.

“Actually, dalawa lang—meron akong dalawang Persian cat. Maawain ako sa animals.

“Magdu-donate kami ng mga dog food, cat food, ganyan, ’tapos kahit one day lang na mag-spend with them."

Kung ang iba ay sa mga bahay-ampunan nagdaraos ng birthday activity, naiiba si Bela.

“Kasi ayoko na masyado akong naa-attach pag orphanage, parang nakakalungkot. Yung pag umuwi ka parang ang bigat, na nakatulong ka ng one day lang.

"Hindi ka naman everyday makapunta so nahihirapan akong umalis pag orphanage kaya naisip ko iba naman,” paliwanag niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela nitong May 16, sa pocket presscon niya sa GMA Network Center.

LOLA PASSED AWAY. Noong araw ng mismong kaarawan niya ay nasa ospital si Bela.

Aniya, “Kasi yung lola ko nasa hospital so ako yung bantay.”

Nakatatandang kapatid ni Mommy Eva Cariño-Padilla ang tinutukoy na lola ni Bela, si Lola Anita Cariño.

“Yung mommy ng mommy ko," pagklaro pa niya.

“Kaya lang, unfortunately, she passed away two days after, May 5,” malungkot niyang balita.

Inilibing raw ito sa Nueva Ecija.

“Kasama rin namin sila Tito Robin [Padilla], sila Mama Eva so medyo naging malungkot ang birthday ko,” dagdag pa niya.

Nasa ospital rin daw ngayon si Mommy Eva.

“Kasi na-high blood siya dun sa nangyari sa lola ko,” kuwento pa niya.

HORROR MOVIE REMAKE. Samantala, excited si Bela sa Barbara, ang indie movie na pinagkakaabalahan niya ngayon.

“Ano siya, Barbara, the re-imagination of Patayin sa Sindak si Barbara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So concept lang pero yung lines pati yung relationship, lahat different na so mas maraming twists and ginawa nilang parang modernized.

“Mas makaka-relate yung new generation kasi nga meron na dating 1970s version, may version sila Ms. LT [Lorna Tolentino], so ito yung kumbaga 2014 version.”

Ilang percent ang pagkakapareho?

“Siguro pag fan ka talaga ng Patayin sa Sindak si Barbara, kung napanood mo yung unang dalawa, makikita mo lang na, ‘Ah okay, magkapatid kasi sila, ’eto si Barbara…’

“So makikita mo lang yung mga ganun, may konti kang maaalala dun sa una pero totally different pati yung set-up, yung mga bahay, ibang-iba yung hitsura nang ginamit.

“Iba yung naging ending, so iyon po.

“Nakaka-three shooting days na kami. International yung producers e so yung script niya is nice kasi English.

"Si Direk Chris Ad Castillo yung magdidirek.”

Anak si Chris ng batikang direktor na si Celso Ad Castillo.

“Kinuha niya yung script ng Daddy niya ’tapos iniba niya, English na.

“It was supposed to be made sa States yung movie kaya lang parang na-feel niya nga na mas siguro better kung dito, kasi talaga namang yung original niya, Tagalog.”

Ang unang bersiyon ng Patayin sa Sindak si Barbara ay pinagbidahan ni Ms. Susan Roces (with Rosanna Ortiz and Dante Rivero) noong 1974 at ang remake nito noong 1995 ay pinagbidahan naman ni Lorna Tolentino kasama sina Dawn Zulueta at Tonton Gutierrez.

Sa 2014 version, ang mga makakasama ni Bela ay sina Guji Lorenzana at Max Eigenmann.

“Medyo parang indie yung shots—yung kung gaano sila kabilis. Pero alaga kami, parang mainstream so ma-indie siguro,” at tumawa si Bela.

Pinanood daw niya sa YouTube ang dalawang naunang bersyon ng nabanggit na horror movie.

“Medyo nagkamali ako kasi pinanood ko siya ng 3 a.m., so wrong decision,” at muling natawa si Bela.

“Akala ko kasi dahil baka luma, hindi ganun nakakatakot, iba yung effects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talaga namang nagkamali po ako na pinanood ko siya ng 3:00 a.m.

“Nakakatakot!

“Actually niyaya ko yung PA ko, natulog siya, so talagang ako lang ang nanood.

“Ang pinanood ko muna yung kay Ms. Susan Roces.

“So natulog ako sa kuwarto ng Mommy ko nung gabing yun kasi nakakatakot talaga.”

Pinanood rin daw niya ang version na si LT ang bida.

“Naumpisahan ko pero hindi ko na tinapos kasi natakot na ako. Scary yung doll, e.”



NEW TV SHOW. Sa telebisyon naman ay magbibida sina Bela at Dennis Trillo sa Sa Puso ni Dok na eere sa GMA News TV sa July.

“Storycon ko ngayon, after ko nito, didiretso na ako ng storycon so ngayon ko pa lang malalaman yung role ko, ganyan.

“Alam ko lang tungkol sa mga doktor, kumbaga parang bagong advocacy show, parang that type of show.

“Kasi ang GMA News TV dati, meron na silang Titser, merong Bayan Ko, so very ano siya, very socially relevant.

“Parang it gives people awareness, so I think it’s that type of show kasi it’s the same team who did Titser and Bayan Ko.”

Nagkasama na raw sila dati ni Dennis sa Endless Love.

“Pero wala kaming eksena together, e.

“First time, I’m so excited,” masaya niyang sabi.

Loveless si Dennis.

“Talaga? Sige irereto ko siya sa friends ko,” at tumawa ulit si Bela.

“Joke lang! Baka sabihin naman ni Dennis…”



CAIN AT ABEL. Ginagawa rin ni Bela ang pelikulang Cain at Abel na pinagbibidahan naman nina Aljur Abrenica at Alden Richards.

“Ang alam ko, ang role ko, girlfriend po ako ni Aljur. May twist kasi siya e, parang I’m gonna end up with Alden, I think.

“I haven’t started yet pero they told me pa lang parang a synopsis of the story. I haven’t received my script yet pero so far what they said is si Aljur yung partner ko,” detalye niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam na ba ng pinsan niyang si Kylie Padilla na magkakapareha sila ni Aljur sa pelikula?

Aniya, “Hindi pa, actually kakakuwi niya pa lang. Siguro sasabihin ko rin sa kanya.”



ON KYLIE-ALJUR RELATIONSHIP. Ayon pa kay Bela, less than a week ago pa lang mula noong umuwi si Kylie mula sa pagbabakasyon nito sa Australia.

Saka namin siya tinanong tinanong tungkol kina Kylie at Aljur. Sila pa ba?

“I don’t think so! I don’t know, ha, I don’t think so.

“I mean kung ako yun, no na ako,” ang sabi ni Bela nang nakatawa.

Dahil sa sinabi niya ay inusisa agad si Bela ng mga kausap niyang members of the press kung bakit niya nasabi iyon. Ano ba ang alam niya sa intrigang hiwalayan umano nina Kylie at Aljur?

“Wait lang, inom lang ako ng tubig! Wait lang, parang hindi na raw ako kasali sa Cain at Abel,” natatawa niyang sagot na tila gustong bawiin ang naunang sabi niya.

Bakit niya nasabing kung siya iyon ay ayaw na niya?

Ayon kay Bela, “Hindi, parang ang gulo lang masyado, parang feeling ko, ang dami nilang napagdaanan.

“Pero it’s up to her, Kylie’s very strong. So may sarili siyang ano, e.”

So alam niya ang mga pinagdaanan ni Kylie?

Pahayag pa niya, “E, kung ano lang din yung alam ninyo. Hindi naman masyadong makuwento yun, pag may problema siya, sinasarili niya lang.

“So kung ano lang din yung alam niyo, nababasa niyo, yun lang din nababasa ko.”

Paano kapag nag-shoot na sila ng pelikula ni Aljur, ano ang sasabihin niya dito? Tatarayan ba niya ito? Magiging cold ba siya dito?

“Hindi, hindi, actually kaibigan ko si Aljur kasi nung Machete nagka-partner kami. Ever since, naging good friends naman kami.”

Pero ngayon? Mas may simpatiya siya siyempre sa pinsan niyang si Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis niyang sagot, “Oo naman, oo! Blood is thicker than water.”

Hihingan ba niya ng paliwanag si Aljur?

“Hindi ’noh. Hindi naman niya kailangang magpaliwanag sa akin or kahit sino—kay Kylie siya magpaliwanag."

Dugtong niya habang nakatawa, “Wow! Sa presinto siya magpaliwanag.

“Hindi, joke lang! Uy, joke lang, baka magalit si Aljur sa akin.”

Sa pagkakaalam ba niya ay niloko ni Aljur si Kylie?

“Hindi! Wala akong alam, wala akong alam! Nakakaloka,” ang tumatawang sinabi pa rin ni Bela.

“Wala talaga kong alam, actually ganito na lang.

“Ganito na lang po, magpa-pocket presscon ulit ako after ng first shooting day namin, ikukuwento ko sa inyo yung sinabi niya sa akin,” at muling tumawa si Bela.

“Uy, joke lang! Hindi, hindi. Wala.

“Parehas naman na matanda yun, ilang taon na si Kylie?”

Hindi pa raw sila nagkakausap ni Kylie.

“Hindi pa pero nag-message siya sa amin sa Instagram two weeks ago, wala lang, parang, ‘I miss you, guys,’ ganyan-ganyan.”

Sa palagay ba niya ay malungkot si Kylie na tila may pinagdadanan ito?

Pag-aanalisa niya, “Siguro kahit sinong girl na, kahit hindi totoo, hindi confirmed, kahit wala ka pang nakikitang evidence or whatever, if you’re away, if you’re far away, ’tapos may naririnig ka, siguro malulungkot ako, kung ako yun.

“Kasi wala ka dito para ayusin, e.”

Kahit walang ebidensiya?

“Oo ’di ba? Kung may nababalitaan ka? Well hindi ko alam kung may evidence. Pero hindi, malulungkot ka, ’di ba?

“Hindi, malulungkot lang siguro ako kung may naririnig-rinig ako kasi wala ako, e. Pero siguro…

“Hindi ko alam kung nag-usap na sila e kung okay na.

“Iyon, hindi ko alam, tingnan natin.”

LOVELIFE. Going strong ang relasyon ni Bela sa young businessman na si Neil Arce.

Napag-uusapan na ba nila ni Neil ang tungkol sa kasal?

Pag-amin niya, “Hindi naman, parang wala naman. Siguro pa-joke-joke lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang bata ko pa naman. Baka magalit yung Mommy ko pag ganun.

“Hindi pa talaga.”

Twenty-three si Bela at si Neil ay thirty-one years old.

Willing ba si Neil na maghintay?

“Oo, alam naman niya yun.

“Feeling ko willing naman siya kasi hindi naman siya nagrereklamo,” lahad niya.

Dalawang taon na ang relasyon nina Bela at Neil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN