TJ Trinidad to undergo 14th knee operation due to rare joint disorder

TJ Trinidad on his rare knee joint disorder: “I’ve been playing soccer since I was five-years old. Alam niyo naman ang sport na iyon, ang legs ang talagang ginagamit. Every part of your leg is being used at importante na matibay ang tuhod mo. That may be the reason kung bakit nakuha ko itong OCD. I’ve been having this surgery for at least 14 times na.”


Sasailalim si TJ Trinidad sa isang knee operation na matagal na raw niyang dapat inasikaso.

Pero minabuti niyang tapusin muna ang taping para sa teleseryeng The Borrowed Wife dahil ayaw daw niyang maging cause of delay.

Pina-schedule niya ang operasyon after ng kanilang last taping day.

“One month kasi ang downtime after the surgery. I can’t have it scheduled habang ongoing ang taping ng teleserye namin.

“I don’t want my character na biglang mawawala dahil I went through the surgery.

“Kaya tiniis ko na lang muna until matapos kami. Tutal sanay naman na ako and tolerable na yung pain. I’ve been through this surgery for many times already since I was teenager.

“That’s why noong sinabing magla-last taping day na kami, nagpa-schedule na ako agad for my knee surgery para matapos na at maging ready na ako for the next project,” pahayag pa ni TJ nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng The Borrowed Wife last May 16, sa Sct. Fernandez Street sa Quezon City.

Ayon sa aktor, ito raw ang kanyang 14th knee surgery dahil sa joint disorder na kung tawagin ay Osteochondritis dissecans.

Ayon sa Wikipedia: “Osteochondritis dissecans, often abbreviated to OCD or OD, is a joint disorder in which cracks form in the articular cartilage and the underlying subchondral bone.

“OCD is caused by blood deprivation in the subchondral bone. This loss of blood flow causes the subchondral bone to die in a process called avascular necrosis.

“The bone is then reabsorbed by the body, leaving the articular cartilage it supported prone to damage.

“The result is fragmentation [dissection] of both cartilage and bone, and the free movement of these osteochondral fragments within the joint space, causing pain and further damage."

Bihira raw ang sakit na ito na tumatama sa 15 to 30 katao sa bawat 100,000 na populasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KNEE INJURY HISTORY. Noong bata raw si TJ ay overly active siya sa sports, lalo na sa larong soccer, kaya na-acquire niya ang OCD.

Panimula niyang kuwento, “I’ve been playing soccer since I was five years old. Alam niyo naman ang sport na iyon, ang legs ang talagang ginagamit.

“Every part of your leg is being used at importante na matibay ang tuhod mo.

“Aside from soccer, I also do other strenuous sports that involve running, jumping—all leg work.

“That may be the reason kung bakit nakuha ko itong OCD. I’ve been having this surgery for at least 14 times na.

“It’s always the same procedure and the doctors can’t give an explanation why it comes back.

“Kapag sumasakit na ulit ang tuhod ko, it means na ayan na naman. It gets uncomfortable but I have found a way to tolerate the pain.

“Kasi minsan sasakit siya kapag nasa gitna na ako ng trabaho. I try my best not to show the pain especially when there are people around.

“Kapag mag-isa na lang ako, doon ko na lang isisigaw yung sakit.

“It’s really painful but I learned how to deal with it properly,” diin pa niya.

Kaya tinigil na raw ni TJ ang paglaro ng sports na nakakadagdag ng stress sa kanyang tuhod.

Sabi pa niya, “I can still do sports pero hindi na yung masyadong mabubugbog ang mga tuhod ko.

“I definitely cannot do soccer or do running. Even sa workout ko, iniiwasan ko na ang mabigatan ang mga tuhod ko.

“It’s a big change for me kasi yung mga nakasanayan ko ay kailangang ibahin ko na.

“But it’s okay because if it means that it will lessen any pain on my knees in the future, then I will have to take that sacrifice.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat nga si TJ na hindi genetic ang OCD. Nagkaroon kasi siya ng takot na baka mamana ng kanyang anak ang naturang joint disorder.

“I made my own research and hindi naman mai-inherit ng anak ko itong OCD.

“Gusto ko namang maging active sa sports ang anak ko at ang mga magiging anak ko pa.

“Pero kailangan maging careful na rin sila because I don’t want them to go through what I’ve been through—surgery and all.”

PLANS ONLINE-SUPPORT GROUP. Gusto nga ni TJ na makilala ang ibang mga tao na may katulad ng joint disorder niyang OCD. Iilan lang daw sila na may ganitong sakit at nais niyang makipag-usap sa mga ito para malaman ang kanilang kuwento.

“Yun ang gusto ko ding gawin during my downtime. I want to get to know itong mga tao na may OCD na tulad ko.

“I want to know their stories—how they cope with the pain and how their lives have changed because of this rare disorder.

“Hopefully may ganitong community online para magkakilala kami and share each other’s stories.

“It will make someone feel good na hindi siya nag-iisa sa ganitong klaseng sakit.”

VACATION. Kaya nga after ng The Borrowed Wife, bakasyon muna si TJ dahil magpapagaling siya mula sa kanyang knee operation at gusto rin niyang maka-bonding nang matagal ang kanyang pamilya.

“I want to take the opportunity to also bond with my family.

“Since we started kasi with The Borrowed Wife, tuluy-tuloy ang taping. ’Tapos may mga regional shows pa kami almost every week.

“Kaya yung time ko with my own family, nabawasan, and my daughter is getting big na kaya gusto kong makasama sila sa magiging bakasyon ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN