Pauleen Luna figures in mistaken identity controversy involving Malaysian political aspirant

Pauleen Luna has been inadvertently dragged into a mistaken identity controversy involving Malaysian political aspirant Dyana Sofya Mohd Daud, whose detractors have allegedly used Pauleen’s bikini-clad photo to embark on an online smear campaign to discredit Daud.


Sa nalalapit na pagtatapos ng afternoon teleserye ng GMA Network na The Borrowed Wife, sobrang mami-miss daw ni Pauleen Luna ang bonding nilang mga babaeng cast sa set tuwing may taping sila.

Naging very close daw si Pauleen sa co-stars niyang sina Camille Prats, Sherilyn Reyes, at Yayo Aguila.

Hindi raw kumpleto ang taping nila kung hindi sila nagsasama-sama at mag-girl talk kapag break time nila sa set.

Kuwento ni Pauleen, “Dahil sa sobrang close nga naming apat, may mga activities kaming ginagawa parati.

“One of them is taking Zumba classes. Sabay-sabay kaming nagsu-Zumba kapag okey ang schedule naming apat.

“Ang nakakatawa pa ay after Zumba classes, sabay din kaming kakain nang marami!

“Ayun! Balewala rin ang Zumba namin kasi ang lakas naming kumain!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa last taping day ng The Borrowed Wife noong Biyernes, May 16, sa Sct. Fernandez St., Quezon City.



THANKFUL FOR SUCCESSFUL SERIES. Nagpapasalamat si Pauleen sa mga sumubaybay ng The Borrowed Wife dahil naging consistent toprater sila sa afternoon block ng GMA.

Nabigyan pa nga sila ng extension dahil sa magandang feedback ng naturang teleserye.

“Since we started last January, naging maganda ang takbo ng show namin.

“We are consistently getting good feedback from televiewers. Kapag may regional shows kami, kilala nila ang characters namin at kung ano ang nangyayari sa story.

“Kaya sa pagtatapos ng The Borrowed Wife, marami ang mangyayari.

“May mangyayaring pagbabago sa katauhan ng character kong si Tessa. May inakala kaming namatay pero buhay pala.

“At abangan nila ang mangyayari kay Sophia at kay Maricar,” saad niya.



NEXT PROJECT. Wala pa raw alam si Pauleen na susunod niyang project pagkatapos ng The Borrowed Wife.

Gusto niyang medyo light naman ang gawin niya dahil napagod daw siya nang husto sa ginawa niya sa matatapos ng teleserye.

“Gusto ko rin naman na tuluy-tuloy ang trabaho. Pero wala pa naman sinasabi si ‘Nay Lolit [Solis, Pauleen’s manager] sa akin kung ano ang susunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung meron man, yun nga, ang gusto ko sana ay yung magaan naman. Sobra na ang pagda-drama ko sa The Borrowed Wife, e. Napagod kaming lahat.

“Feel ko sana next ay light drama or romantic-comedy. Okey naman na kontrabida pa rin, pero yung magaan-gaan naman,” asam niya.

MORE TIME WITH VIC? Dahil wala pa ngang kasunod na project si Pauleen, biniro tuloy siyang magkakaroon na siya ng time para planuhin ang magiging “kasal” nila ng kanyang boyfriend na si Vic Sotto.

Natawa na lang si Pauleen dahil panay ang tanong sa kanya tungkol sa kasal, bagamat wala pa naman daw ganoong okasyon na magaganap.

“Paano naman ako ikakasal, e, wala pa namang proposal,” tawa pa niya.

“Kita niyo naman, wala pa akong singsing na suot.

“Kung meron na, siyempre isusuot ko yun, ’di ba? Kaso wala pa nga kaya wala pang kasalan na magaganap.”

Ayaw raw munang isipin ni Pauleen ang tungkol sa pagpapakasal dahil masaya naman siya sa katayuan niya ngayon kasama si Vic.

“Ang masasabi ko lang na sigurado ako ay masaya ako—I’m happy with my life now kasi masaya ang lahat ng tao na nasa paligid ko.

“I’m especially happy with my relationship with Vic. It all came at the right time and I thank God for making it all right for both of us.

“Wala na siguro akong mairereklamo pa. I just want to live this moment—make the most out of it.

“Nandiyan na kasi, e. Kaya happy lang tayo parati sa lahat,” nakangiting sabi ni Pauleen.

ONLINE CONTROVERSY. Hindi namin naitanong kay Pauleen ang mga detalye tungkol sa kumalat na photo niyang naka-pink bikini na naging kontrobersiyal sa Malaysia kamakailan.

Gabi na kasi pumutok ang balita at nai-feature ito sa news program ng GMA na 24 Oras.

Ayon sa balita, nagkaroon ng “mistaken identity” sa pagitan ni Pauleen at ng isang kilalang babaeng mambabatas sa Malaysia, si Dyana Sofya Mohd Daud, isang 27-year old political secretary ng Gelang Patah Member of Parliament Lim Kit Siang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pagkakadawit ni Pauleen sa nasabing kontrobersiya ay bunga diumano ng isang “smear campaign” na malamang ay kagagawan ng mga partido o taong nais sumira sa kredibilidad ni Dyana, na posibleng patakbuhin bilang kandidato sa darating na Teluk Intan by-election sa May 19.

Pero mukhang wala naman daw balak kumandidato si Dyana.

Hindi naman idinetalye kung paano at saan nakuha ang litrato ni Pauleen at kung bakit siya ang napagdiskitahang ihambing kay Dyana.

Mabilis na itinaggi ni Dyana na siya ang babaeng naka-pink bikini na kumalat sa social media.

Ipinagtanggol si Dyana ng kanyang supporters at sinabing ang babaeng naka-bikini sa photo ay ang Pinay actress na si Pauleen Luna.

Bilang paliwanag, nagsalita si Dyana sa isang interview na inilabas ng Malaysian publication na The Star Online:

“I am disappointed that people will act so low to tarnish my image for political reasons after rumors of me contesting spread. But I accept that good people will always be victimized. I am in politics to serve the people.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN