Claudine Barretto camp issues rebuttal to Raymart Santiago camp’s statements about "fake marriage" issue

Claudine Barretto’s legal counsel, Atty. Ferdinand Topacio, explains Claudine’s motive for revealing "fake marriage": “Ang point ni Claudine sa interview niya is she was deceived and the public was also deceived. According to her, she was led to believe na walang problema. Ang issue dito ay yung act of deceit.”


Marami ang nagulat sa naging rebelasyon ni Claudine Barretto sa huling guesting niya sa sa Buzz ng Bayan noong nakaraang Linggo, May 11, kunsaan isiniwalat niyang peke ang kasal nila ni Raymart Santago.

Kung tutuusin ay dalawang beses kinasal sina Claudine at Raymart: ang grand wedding nila noong 2004 sa Tagaytay at isang ceremonial wedding naman noong 2007. Kaya naman, marami ang nagtaka kung bakit nasabi ng aktres na walang bisa ang kasal nila ng aktor.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ng aktres, noong Miyerkules, May 14, inilahad nito ang mga basehan ni Claudine.

Ayon kay Atty. Topacio, “Parang nag-i-imbento lamang daw si Claudine Barretto...

“These sources, these documents are from open sources, hindi namin bina-violate yung gag orders because these are public documents and these documents are from the VAWC [Violence Against Women and their Children Act, R.A. 9262] case, ’di dun sa TPO [Temporary Protection Order] case.

“Sinabi ni Ms. Claudine Barretto na fake yung marriage as a layman.

“What I’m saying is that may basehan yung sinasabi ni Ms. Claudine Barretto because there are two marriages now and there is reason to believe that one is not valid kasi ’di naman puwedeng dalawang beses mong pakasalanan ang isang tao.

“Yung sinasabi nilang marriage noong 2004, may marriage contract nga, yes, but there are certain things na suspicious about it.

“For instance, ’di ba sinabi nila huling ipinasok, pinasok ito very late, only right before yung second marriage in 2006?

“Ngayon, kung kumbinsido sila Mr. Santiago—and Mr. Santiago has always control about these documents, siya ang nangangasiwa ng dokumento na ito—kung sigurado siya na walang problema itong 2004 marriage na naipasok lamang nung 2006, bakit para magsiguro, mayroon na namang certificate of marriage na 2006 na kumpleto?

“Isa dito ay ay hindi puwedeng maging valid. On that point may base ang sinasabi ni Ms. Claudine Barretto.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang usapin ay tungkol sa adoption ni Sabina, ang panganay nilang anak.

“Number two, ayon sa batas, husband and wife must adopt jointly.

“Bakit nung inadopt si Sabina—and I have Claudine’s permission to say this—bakit si Claudine lamang ang nag-adopt when the adoption was done after the supposed marriage in 2004?

“Why did Raymart only adopt Sabina in 2007? So there were two separate adoptions?

“Samantalang kung kasal kayo, ’di puwedeng mag-adopt ang isa lamang spouse, dapat both of you.

“These are the circumstances na naging kahina-hinala yung validity ng 2004 na mismong si Mr. Raymart, this is not a point I have a liberty to say kung saang proceedings, because there’s a gag order, but even Mr. Santiago is not sure kung kailan siya kinasal.

“Sa ibang papeles na pina-file niya sa court, sinasabi niya na kinasal siya in 2004, yung ibang papeles, sinasabi niya na kinasal siya ng 2006, so paano yun?

“Sinasabi ng abugado ni Raymart kung ito daw ay talagang fake, bakit pa daw magba-bother sa annulment?

“Unang-una, there is no such annulment, walang annulment.

“Secondly, nasa batas ‘yan kahit ang marriage ay void, you need to go to court to have it to declared void, ’di puwedeng ikaw mismo ang magsasabi na, ’Uy, void ang marriage na ‘yan. Magpapakasal uli ako sa ibang tao.’

“Hindi ibig sabihin na walang annulment or may annulment man, walang bearing yun sa validity nung marriage.”

Ayon naman kay Atty. Ruth Castelo, legal counsel ni Raymart, nakarehistro sa NSO (National Statistics Office) ang kasal nina Raymart at Claudine. Patunay lamang daw ito na balido ang namagitan sa kasal ng dalawa.

Sagot naman ni Atty. Topacio, “As the name implies, National Statistics Office, binibilang lang nun kung ilan ang kinakasal pati mga death certificates, but that is not conclusive proof na ang marriage ay valid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You may still contest that kahit nasa NSO na ‘yan, you can still contest that kung walang lisensiya.”

CLAUDINE’S MOTIVE. Tinanong namin si Atty. Topacio kung ano ba ang tunay na motibo kung bakit kinakailangang palabasin ni Claudine na fake at walang bisa ang kasal nila ni Raymart.

Ito raw ba ay may kinalaman sa mga properties nila kung saan isa raw sa nirereklamo ng aktres ay kinukuha na asawa ang mga naipundar niya kahit noong dalaga pa siya?

“Ang point ni Claudine sa interview niya is she was deceived and the public was also deceived.

“According to her, she was led to believe na walang problema. Ang issue dito ay yung act of deceit. Ito kasi tell-all ni Claudine ito.

“She was forced to be interviewed coz ang dami-daming piecemeal na nilalabas na issues ng kabila.

“Sabi namin once and for all let us answer all the allegations without violating any order of the court.

“One of these allegations nga because she felt very strongly na yung ginawang wedding na yun is not the dream wedding that was supposed to be.

“Kasi nga, from the start, may deceit and it’s legally demonstrable yung doubt as to the validity of the marriage certificate and the marriage itself.”

Muli, idiniin ni Atty. Topacio ang motibo ng kanyang kliyente.

“Covered tayo ng gag order niyan, hindi ’yan ang reason, ang primary reason talaga ni Claudine ay deceit, she feels na she was deceived and sa dream wedding, she felt that the public was deceived.

“All of these nag-sink in lang sa kanya last year nung nagkaroon ng several cases na ito.

“No, it’s making a clean breast of all the issues kasi nagiging putul-putol. Nandiyan na naman yung mga demolition jobs sa kanya, blind items, mga patutsada. She felt that she had to clarify a lot of these things,” depensa ni Atty. Topacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MURDER ATTEMPTS. Isa sa sinabi ni Claudine sa interview niya sa Buzz ng Bayan ay may nagtatangka sa buhay nilang mag-ina kung saan ilang beses daw silang pinaputukan sa mismong bahay nila.

Sa panayam naman kay Atty. Castelo, sinabi nitong nagpunta siya sa nasabing lugar at ipinagkaila ng mga nakausap niyang mga guards na may nangyaring ganitong insidente.

Bagamat salungat sa imbestigasyon ni Atty. Castelo, pinanindigan pa rin ni Atty. Topacio ang naging pahayag ng aktres.

Patuloy pa ng abugado ni Claudine, “Yung sinasabi nila na wala raw katotohanan yung threats sa buhay ni Ms. Claudine Barretto at sabi nila tsinek daw nila, pumunta daw sila sa LGV[Loyola Grand Villas], nag-imbestiga daw sila at ’di raw totoo.

“Kausap ko yung mga security personnel ng LGV ng 7:45 p.m. yesterday [May 13, Tuesday].

“Ito ang sabi nila sa akin, sinabi nila lahat ng several incidents na may gun shots na nangyari in the vicinity of the resident of Ms. Claudine Barretto ay nireport sa security office.

“Secondly, since yung configuration nung bahay ni Ms. Claudine Barretto ay yung beyond their wall dun sa likod, hindi na village, e. Marikina City na yun, ’di na sakop ng village.

“Since dun nangyari yung pamamaril, ni-report nila sa Malanday Police station.

“They also said na imposibleng pumunta yung abugado ni Raymart dun para magtanong sapagkat kung hindi residente ay hindi nila ini-entertain at hindi nila binibigyan ng impormasyon tungkol sa entries ng kanilang logbooks at saka mga reports.

“Pangatlo, yung two incidents na someone went inside the residence of Claudine na walang pahintulot and separate incident na someone tried to go inside, pareho yun na reported and duly documented sa security office.

“Pang-apat, ’di naman puwede na mismong si Mr. Raymart Santiago ang mismong nagtanong dun because banned siya from entering the village because of the temporary restraining order.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Di ko sinasabing nagsisinungaling sila, baka nalilito lang sila. There is no such investigation.”

Pagkatapos ng interview ni Claudine sa Buzz ng Bayan, kung saan kinuwento nito ang ginawang pagpunta daw ng mga kapatid kasama ang ambulansiya at walong katao na may dalang straitjackets para kunin siya, ay nagpadala agad ng statement si Marjorie na ang ginawa nila ni Gretchen ay pakiusap ng kanilang mga magulang dahil na-overdose si Claudine nang ubusin nito ang anit-anxiety medicines.

Isang statement naman through Atty. Topacio ang pinadala ni Mommy Inday Barretto na idine-deny ang sinabi ni Marjorie.

Dagdag pa ni Atty. Topacio, “Idini-deny ni Mommy Inday, sinabi niya on that day, they were in Subic. They only knew na may ambulance dun nung humihingi na ng saklolo si Claudine.

“I’m just doing this to set the record straight and maybe next time bago magbigay ng statement mag-prepare muna nang husto nang ’di nami-mislead ang publiko sa mga sinasabi nila.”

FINANCIAL SUPPORT ISSUE. Sa interview ni Atty. Ruth Castelo, binaggit nito na walang financial support na pinapadala si Raymart sa mga anak habang hinihintay ang desisyon ng korte tungkol dito.

Nagbigay reaksyon naman si Atty. Topacio sa naging pahayag ng kampo ni Raymart.

Patuloy pa ni Atty. Topacio, “Since July, walang pinapadalang ni singkong suporta si Mr. Santiago.

“Si Claudine naman has done very well for herself. Ang pagsuporta sa mga anak mo ay isang moral obligation, it’s not purely legal obligation.

“So kung wala palang sinasabi ang hukuman na bigyan mo, ’di mo bibigyan? Bakit?

“’Di mo ba anak ’yan? Kailangan pa bang sabihin ng korte na anak mo ’yan at bigyan mo?

“’Di mo ba nakikita na may pangangailangan ang mga anak mo? Sorry ha, pero parang mababaw. Moral ’yan, ’di lang purely legal.”

UNBURDENING FOR HER SOUL.” Ayon kay Atty. Topacio ang gusto lang ng kliyente ay isiwalat ang nasa loob nito na mabigat niyang dinadala sa matagal na panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay nasa out of town ang aktres kasama ang mga anak na nato-trauma umano sa nangyari.

Aniya, “Gusto lang niyang ma-unburden for her soul.

“Tayo namang lahat pag may binibitbit tayo e maganda hanggang nahihinga natin.

“Nahihinga na niya. Well, she’s on vacation, out of town now, she’s been through a lot of emotional stress.

“Naisiwalat na niya, magaan na ang pakiramdam niya. Now she’s uplifting the kids kasi medyo na-traumatize yung kids sa nangyari lalo na nung binabato yung pool."

At press time, sa pinakahuling text message ni Atty. Topacio sa PEP staffwriter na si Arniel Serato, pabalik daw mula sa Cebu ang aktres at ang kanyang mga anak sa araw na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN