Raymart Santiago speaks up about "fake marriage," "lack of financial support," and other allegations of Claudine Barretto

Raymart Santiago on lack of financial support claim of Claudine Barretto: “May nangyaring insidente na ipinarating ko sa kanila ang tulong, wala rin, e. Na-reject din. So, hintayin ko na lang kung ano ang utos ng korte."


Ang abugado lang ni Raymart Santiago na si Atty. Ruth Castelo ang madalas na humaharap sa media para sagutin ang mga paratang na ibinabato ni Claudine Barretto laban sa aktor.

Ilang beses nang tinangka ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kapanayamin si Raymart pero ayaw na raw niyang magsalita.

Sabi nga ng abugado niyang si Atty. Castelo, “Pagod na pagod na si Raymart, actually, kaya ayaw na niyang magsalita.

“Paulit-ulit na lang, and he will not go low anymore sa mga sinasabi ni Claudine. Ayaw niyang patulan, hindi siya bababa, kaya ako tuloy ang napipilitang sumagot para sa kanya.”

Pero kahapon ng hapon ay nagkaroon ng pagkakataon ang Startalk na pakiusapan uli si Raymart.

Sa kabutihang palad ay pumayag na rin itong humarap kay Lolit Solis para sagutin na ang mga isyung naglabasan.

FAKE MARRIAGE” ISSUE. Sumabay ang PEP sa pakikipanayam kay Raymart kasama ang abugado niyang si Atty. Castelo.

“Kasi marami nang binibintang na naman po sa akin, at it’s about time na magsalita na ako dun para klaruhin yung mga sinasabi nilang nangyari at ginawa ko raw.

“Gusto kong malaman ng tao kung ano talagang nangyayari,” unang pahayag ni Raymart.

Una niyang sinagot ang isyung pekeng kasal na sinasabi ni Claudine.

Sa Isabela una silang nagpakasal nung 2004 pero naparehistro lamang ito isang buwan bago sila nagpakasal uli sa Tagaytay nung 2006.

Paglilinaw ng aktor, “Siyempre nabigla at wala namang masasabi. All I have is parang documents na nagpapatunay na totoo yung kasal namin.

“Meron siguro na late registration pero hindi naman ibig sabihin na fake ang kasal, ’di ba?

“May mga sinasabi pa siya sa nakita ko yung interview na kasalanan daw yung nagsama kami dahil hindi naman kami kasal.

“Sa akin, yung pinakasalan ko siya, malinis ang konsensiya ko nung hinarap ko siya sa harap ng mayor at paglabas namin dun sa kuwarto e alam kong kasal kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung anuman ang nangyaring late registration, hindi ko na po alam yun. Yung sa akin, ang pinakasalan ko si Claudine,” saad ng Kapuso aktor.

Pero iginiit ng abugado ni Claudine na si Atty. Topacio, bakit sa korte daw, sinasabi ni Raymart na kasal sila nung 2006?

Ani Atty. Topacio, “There are certain things na suspicious about this. For instance, ’di ba sinabi nila huling ipinasok. Pinasok ito very late, from only right before yung second marriage in 2006.”

Ang pahayag ni Atty. Castelo, meron daw silang hawak na dokumento kung saan ipinaliwanag ng dating alkalde ng Isabela na si Mayor Cesar Dy ang rason kung bakit na-delay ang registration.

“Ang pagrehistro ng kasal nila, hindi naman obligasyon yun ni Raymart. Siyempre, sa opisina ng solemnizing officer yun, ang mayor, at that time.

“Kaya meron kaming nakuhang document, nung 2006 document pa na sinasabi na siya ang naging dahilan dahil sa dami ng trabaho niya, hindi niya naasikaso agad ang pagrehistro,” pahayag ni Atty. Castelo.

DEATH THREATS ISSUE. Sa isyu namang may mga threats sa buhay ni Claudine at sa mga anak nito, kumpleto ang mga hawak na dokumento ng kampo ni Raymart na nagsasabing walang nangyaring putukan sa tahanan nila sa Loyola Grand Villas (LGV), pati na rin ang tangkang paglason.

“Siyempre natakot din ako sa mga anak ko dahil kahit papaano hindi rin sila safe,” pakli ni Raymart.

“Hindi ko alam kasi, anong gimik na naman ’yan.

“Kung anu-ano na lang sinasabi niya na hindi niya sinabi siguro na ako gumawa pero sa tingin ng tao, may naglalason.

“Siyempre sino ang sasabihan e ’di ako. Ako ang pagbibintangan.”

Sa insidenteng putukan na narinig daw mismo ni Claudine nung nasa balkonahe siya ng kanilang bahay, ay inimbestigahan mismo ito ni Raymart at ng kampo nito.

Saad ng aktor, “Yung huling interview nga niya, nakita ko, napanuod ko, sinabi nga niya na may nagbarilan daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun sa katabing lote, bakanteng lote. Binabaril ang bahay at siyempre natakot ako para sa mga anak ko.”

Sabi pa niya, “Gumawa kami ng sarili naming imbestigasyon at nalaman-laman namin na wala naman din talagang nangyari. Walang ganung pangyayari.

“Hindi ko alam anong balak niyang gawin sa akin. Kung siraan niya ako in public, hindi ko alam, e.

“Pero all I have again are the documents na nagpapatunay na walang ganung nangyari.

“Kaya rin po ako nagpa-interview po sa inyo dahil gusto ko lang din klaruhin kung anong sinasabi na mamamatay-tao naman ako ngayon.

“Gusto ko rin klaruhin sa inyo, sa mga tao na walang ganung nangyayari at meron kaming papeles na hawak.”

Pero sinabi ni Atty. Topacio na nag-imbestiga rin sila sa security office ng naturang subdivision at pati sa barangay sa Malanday, Marikina, at meron daw naka-report na ganung insidente.

Sabi ni Atty. Topacio, “Sinabi nila, tsinek daw nila. Pumunta raw sila sa LGV, nag-imbestiga daw sila at hindi daw totoo.

“Kausap ko yung mga security personnel ng LGV at 7:45 p.m. yesterday [May 13, Tuesday], sabi nila, lahat ng several incidents na may gunshots na nangyari in the vicinity of the residence of Ms. Barretto ay ni-report sa security office.

“Secondly, since ang configuration ng bahay ni Ms. Claudine Barretto ay yung beyond their wall nung uwang nila sa likod, hindi na village. e.

“Marikina City na yun e hindi na sakop ng village. Since doon nangyari yung pamamaril, ni-report nila sa Malanday police station.”

Sinadya ng Startalk ang security office ng LGV at sinabi nilang walang ganung naka-report. Ang pagkakaalam daw nila ay may nangyaring putukan sa may Malanday.

Kinunan din ng Startalk ng pahayag ang Malanday police headquarters at sa barangay nito, at pareho nilang sinabing walang nakatala sa kanilang logbook na may ganung pangyayari sa tahanan ni Claudine at sa vicinity ng naturang subdivision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAMILY AFFECTED BY ISSUES. Ayaw na sanang magpaapekto ni Raymart sa mga huling pasabog ni Claudine laban sa kanya, pero ang isa sa apektado ay ang pamilya raw niya, lalo na ang Mommy nito.

“Nandiyan naman sila palagi sa tabi ko. Pero ako pa rin ang huling say,” pahayag ni Raymart.

“Sasabihin nila, ’Ang dami nang sinasabi tungkol sa ‘yo.’ Sabi ko huwag na muna, ayoko na munang magsalita. Magsasalita ako kung kailan na kailangan ko nang magsalita.

“Siyempre iisipin ko rin na Nanay siya ng mga anak ko. Babae siya, anuman ang tingin ng mga tao sa...pag ako ang magsasalita sinasabi nila may ibang nagsasabi na huwag mo na patulan. ’Bakit mo pinapatulan yung asawa mo?’

“Hindi naman sa pinapatulan. Gusto ko lang klaruhin yung sa akin, side ko, na kung anong pinagsasabi niya sa akin, meron akong documents.

“Meron akong dokumento na patunay na lahat yun, kasinungalingan,” seryosong pahayag ng 40-anyos na aktor.

Gusto na lang daw niyang mag-focus sa custody ng mga anak nila na patuloy raw niyang ipinaglalaban.

Ang gusto raw niya sana, bilang ama ay maging bahagi siya sa pagpapalaki kina Sabina at Santino.

“Kaya nga po, pinaglalaban ko yung custody ng mga anak ko dahil sa siyempre, gusto ko lumaki ang mga anak ko na may takot sa Diyos, marunong sumunod sa mga magulang, yung values, kaya iyon ang pinaglalaban ko,” tugon ng aktor.

REACHING OUT TO HIS KIDS. Ilang beses din daw siyang nagtangkang makita ang mga bata pero nabigo lang ito.

Magmula nung magdemanda si Claudine hanggang sa ngayon, halos isang oras lang daw niyang nakita ang mga anak niya kung susumahin.

Nagparating din daw siya ng tulong pero niri-reject, kaya ipinapaubaya na lang daw niya lahat sa korte at susundin daw niya kung ano ang iuutos ng korte.

“May nangyaring insidente na ipinarating ko sa kanila ang tulong, wala rin, e. Na-reject din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hintayin ko na lang kung ano ang utos ng korte. I tried, pero wala, e,” malungkot niyang pahayag.

Nagkuwento si Raymart ng isang insidenteng sinubukan niyang makita ang mga bata sa pinag-aaralan nila, pero wala rin daw nangyari.

Aniya, “Ewan ko kung puwedeng sabihin ito...

“May incident na sinubukan ko rin bisitahin yung mga anak ko. Birthday [ni Sabina], nagpadala ako ng regalo sa school. Hanggang sa nalaman niya [Claudine], hindi niya pinapasok ng isang araw, the next day.

“Meron naman, Valentine’s Day, pumunta ako, dinalhan ko ng regalo para sa anak ko. Bulaklak para sa kanila at sa kasamaang palad hindi ko rin nakita ang mga anak ko dahil nasa loob ng school. So nagbigay na lang ako ng bulaklak.

“Nalaman niya, siyempre, natural nalalaman ng Nanay, hindi niya pinapasok ng dalawang linggo, pagkatapos ng insidenteng iyon, yung dalawang anak.”

Kaya lahat daw na mga papeles, mga pagpapatunay na meron siyang effort na tulungan at makita ang mga bata ay itinago raw niya dahil paglaki daw ng mga bata, ipapakita raw niya ito sa kanila para maunawaan daw nila kung ano talaga ang totoong nangyari.

SABINA’S DANCE RECITAL. Kaya pinag-iisipan pa raw niya kung dadaluhan ba niya ang imbitasyon nina Claudine na panoorin ang dance recital ni Sabina sa Araneta Coliseum sa May 29.

Aniya, “Maraming pagkakataon na binigay na magkita kami ng anak ko pero hindi natutuloy, marami ang dahilan.

“Biglang merong concert or show ang anak ko sa Araneta. Iimbitahin niya ako?

“Ayokong mag-isip ng masama na kung ano ang gagawin niya, narinig ko, puwede ako manood pero hindi ko puwede lapitan.

“Papaano yun? E, di hihingi na lang ako ng kuha ng Startalk ’tapos panoorin ko na lang nang panoorin.

“Gusto kong iparating sa anak ko, ’Sabina I love you and congratulations in advance.’ Alam kong magaling magsayaw ’yan, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO POSSIBILITY FOR RECONCILIATION? Tinanong namin si Raymart kung meron pa ba siyang natitirang pagmamahal kay Claudine at may pag-asa pa ba silang magkaayos?

“Mahal ko yung mga anak ko. At sa akin e siya ang Nanay ng mga anak ko,” seryoso niyang sagot.

Tinanong siya uli ni Lolit Solis kung open ba siya sa pakikipag-ayos at posibleng magkabalikan.

“Sa ngayon po, magsisinungaling naman po ako sa inyo kung sasabihin kung meron, wala na talaga.

“Kung ang tatanungin niyo, wala na po akong nararamdaman. Siguro sa dami ng sakit na binabato sa akin. Marami na siyang masyadong nasaktang tao,” malungkot na sagot ng aktor.

Sa ngayon ay naka-focus daw siya sa mga bata, at wala raw sa plano niya munang maghanap ng kapalit.

“Kung may darating, ’di ba? Pero hindi ako naghahanap. Kung ano ang ibibigay ng Diyos,” pakli nito.

Sa napabalitang annulment na isasampa na raw ni Raymart, gusto raw muna niyang harapin ang mga nakabinbing kaso.

“Sa ngayon, ito muna ang focus ko, kasi marami pang kaso. Ayoko munang lagi na lang ako sa korte. Pagkatapos nito, saka natin harapin ang annulment,” sagot nito.

Ang tanging hiling lang naman ni Raymart sa nalalapit na Father’s Day, “Siyempre gusto ko makita ang mga anak ko especially sa Father’s Day, Araw ng mga Tatay.

“Sana naman po mapagbigyan akong makasama, makapiling ko yung anak ko,” tugon ni Raymart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN