Willie Revillame denies selling properties due to gambling: "...kung naghihirap ako e alam n’yo, ako na nakakaalam ng buhay ko."

Willie Revillame sheds light on never-ending speculations about his losing millions over his "gambling habit": “Kung anuman ang kina-casino ko, ganito lang kasimple yun. Yung casino twenty-four hours na bukas ’yan. Parang drugs ’yan, e. Will take it or not. Nasa sa iyo ’yan, e. Nasa sa ’yo, walang problema ang casino, nasa sa tao ’yan kailangan marunong kang magkontrol.”


Sa pagkakataong ito, ang birthday girl na si Lolit Solis naman ang nagtanong sa special guest ng Startalk na si Willie Revillame kahapon, May 18.

Totoo ba ang balitang kahit naghihirap na si Willie ay pumunta pa rin ito sa Tacloban, Leyte, at gumastos ng sampung milyon para ibigay sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda?

Walang kasamang TV crew at halos walang nakaalam noong ginawa ito ni Willie nitong nakaraang Disyembre

“Hindi ko nga alam e,” at natawa si Willie.

Pahabol niya, “Hindi, alam mo, yung ten million na yun, nung pinapanood ko kasi yung news, si Anderson [Cooper, CNN], parang nahahabag ako dun sa mga kababayan natin.

“So yung ten million, hindi ko binigay sa Channel 2, sa Channel 5, o sa Channel 7, binigay ko yun mismo kay Secretary Dinky Soliman, yung perang yun.

“Para hindi naman ipakita pa ’yan sa anuman.”

Bukod sa pagbibigay ni Willie sa head ng Department of Social Welfare and Development, nagpunta pa rin siya sa Tacloban at namigay ulit ng tulong.

“E, pasasalamat ko yun. e. Iyon ang paraan ko kasi alam mo naman yung… I’m so blessed, Tita Lolit, so sobrang bait ng Panginoong Diyos sa akin.

“Sobrang bait ng mga tao sa akin, lalo na yung mahihirap, ’eto nagdadasal sa akin, e.

“So, kulang pa ’yan, e! Actually, yung pera, materyal lang ’yan, e. Balewala lahat ’yang perang ’yan. Ang importante sa atin yung pagmamahal mo sa kapwa mo.

“Ang importante sa atin, ibinabalik mo lahat kung anong binigay sa iyo ng mga mahihirap.

“Hangga’t nabubuhay ka at may kaya kang ibigay na maitutulong mo sa kapwa mo, gawin mo na ngayon kasi materyal na bagay lahat ’yan.

“Kita mo ang Tacloban, just like that, ano nangyari sa atin?

“Pero ang pinaka-importante, ang puso mo hindi materyoso, ang puso mo mapagbigay sa kapwa mo,” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GAMBLING ISSUE. Sumunod dito ay tinanong ni Manay Lolit si Willie tungkol sa hindi mamatay-matay na tsismis na lulong si Willie sa sugal.

Seryosong tugon nito, “Eto, once and for all, ngayon hindi ako nagsasalita for ilang buwan. Ayokong magsalita tungkol dito kasi sarili kong buhay ito, e.

“Saka yung perang inilalaro ko sa casino, pera pong pinaghirapan ko ’yan, hindi ’yan pera ng kahit na sino.

“Nag-e-enjoy lang ako sa buhay.

“Kung gusto niyong sagutin ko lahat ’yan, babalik ako sa Sunday dito, live, tanungin niyo lahat ng gusto niyong itanong sa akin, tungkol sa buhay ko, tungkol sa pagka-casino...

“Kung ano ang na-achieve ko, first time in history, ipapakita ko sa inyo yung bahay ko, yung pinapagawa kong hotel sa Tagaytay, yung eroplano, lahat ng na-achieve ko.

“Hindi ito pagmamayabang.”

So hindi totoong ibinibenta niya ang iba niyang ari-arian para ipambayad sa mga utang?

Dagdag paliwanag ni Willie, “Alam mo, ganito lang kasimple. Marami kang nabiling investments, hindi mo na napapakinabangan ang iba. Ano ang gagawin mo dun?

“Nagbabayad ka ng monthly dues, nagbabayad ka ng taxes.

“Ngayon, nagpapagawa po ako ng napakagandang hotel sa Tagaytay, malaki po ito at world-class, five-star hotel po ito.

“So ipapakita po namin sa inyo ’yan.”

At that point ay ipinalabas sa show ang video clips ng naturang hotel na ipinapagawa ni Willie sa Tagaytay, sa itaas raw ng bundok ng Taal.

Niyaya pa ni Willie ang Startalk host na si Heart Evangelista na doon sila magpakasal ng kasintahan ni Heart na si Senator Chiz Escudero.

“Dito ko inubos lahat yung aking pinaghirapan,” pagtukoy pa ni Willie sa naturang hotel.

POLITICAL PLANS. May plano ba itong tumakbo sa eleksyon sa 2016?

Ani Willie, “Alam niyo, napakahirap pong desisyunan sa buhay niyan, e.

“Kasi gumawa ka ng mabuti, gumawa ka ng masama, masama ka pa rin sa pulitika. Basta masira ka lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa nangyayari ngayon, papasok ka pa ba sa pulitika?

“Napakahirap, ’di ba?”

Pero may chance ba?

“Hindi, mahirap magsalita nang tapos. Kung tutulong ka, hindi mo kailangan na nakaupo,” diin niya.

Tinanong naman ni Willie si Heart kung nangangarap ba si Senator Chiz ng mas mataas na posisyon.

Sagot naman ni Heart, “May mga nagtatanong sa kanya pero at this point, may mga iba siyang, inu-open niya yung eyes niya to other things.

“But maybe, maybe daw, kung gustuhin nila.”

ON LIZ ALMORO. Hiningan naman si Willie ng reaksiyon sa pagpapakasal ng dati niyang karelasyon na si Liz Almoro.

Sagot ni Willie, “Actually, hindi ko alam na nagpakasal, e. Pero of course, all the best, congratulations to both of them.

“She’s very nice, si Liz naman, palagi niyang pinapahiram si Juamee anytime na puwede kong hiramin, pinapahiram, hindi pinagdadamot.

“’Tsaka ang ganda ng upbringing ni Juamee.”

TV COMEBACK. Ano naman ang mensahe ni Willie sa mga taga-suporta niya?

Ang kanyang pahayag: “Well, hindi lang sa fans, sa lahat. You don’t treat them [as] fans, you treat them like a family, pamilya.

“Kung nasaan man ako, inabot ko ito for nine years, everyday Wowowee, Willing Willie, Wowowillie, Will Time Big Time, alam n’yo eight months na akong walang ginagawa pero I took time for myself.”

Pero may mga negosasyon ba para sa pagbabalik niya sa TV?

Pangako ni Willie, “Basta babalik na po ako within three months. Sigurado po ’yan.

“Magbibigay na ako ng saya sa inyo ulit, magbibigay na po ako ng tulong.

“Nag-ipon lang ako, nag-ipon lang ako ng mas maraming ideas, it’s more of fun games, gusto ko yung masaya. Ayoko ng malungkot, gusto ko opening, nagsasayawan.

“Ang napapanood natin sa news ano, puro na lang tayo corruption, puro patayan, laging tandem.

“Sa totoo lang, dapat sa gabi, habang kumakain ang pamilya sa hapag-kainan ang pinapanood n’yo po e yung mga good news, not the bad news.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi during that time, naaalala ko ang GMA news, ten o’ clock ’yan, e. Wala namang news ng six thirty, e.

“Hindi, ang feeling ko siguro it’s about time na, hindi naman lahat gusto news ang pinapanood, e.

“Hindi naman lahat e lalo na yung mga lola, yung mga nanay.

“Ang gusto nilang pinapanood yung talagang pampamilya.

“Basta ang importante lang po sa pagbabalik ko, hindi po ito para may manalo ng one million, two million.

“Yung concern sa bawat Pilipino. Sa nangyari sa Tacloban, pumunta ako dun hindi para magpakita ng gilas o anuman, basta pumunta ako dun nang kusang loob ko.

“Kung anuman yung pinagkaloob ko dun, galing po sa puso ko dahil binabalik ko lang sa inyong lahat kung anong meron ako."

Muli, binanggit niya ang isyu tungkol sa pagkakalulong niya umano sa casino.

“Ngayon, kung naghihirap ako e alam n’yo, ako na nakakaalam ng buhay ko.

“Kung anuman ang kina-casino ko, ganito lang kasimple yun. Yung casino, twenty-four hours na bukas ’yan.

“Parang drugs ’yan, e. Will take it or not. Nasa sa iyo ’yan, e.

“Nasa sa ’yo, walang problema ang casino, nasa sa tao ’yan, kailangan marunong kang magkontrol.

“Nag-e-enjoy ako, I work so hard in my life, nagka-casino man ako, pag nanalo ako, marami pa akong natutulungan. Kung natatalo ako, tumutulong pa rin ako.

“Sa akin na lang po ’yan. Hindi totoong natatalo ako ng six hundred million, yung totoong natatalo ako, five hundred ninety five million lang ho ang talo, okay?” ang pagbibiro pa ni Willie.

At para patunayang hindi siya nagbebenta ng mga ari-arian...

“Ito lang ha, pag okay tayo, first time, yung bahay na binili ko sa Ayala Heights, kay Boss Gabby Lopez yun, papakita ko sa inyo.

“Ipapakita ko lahat po, yung nine years na pinaghirapan ko, sa inyong lahat. Yung Tagaytay. Wala akong pinagbili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung Wil Tower Mall, natsitsismis na binebenta ko.

“Yes, binebenta ko. Bakit?

“Alam mo kanino ko binebenta? Kay senator din.”

Si Senator Manny Villar ang tinutukoy ni Willie.

“Kasi hindi ko ho alam papaano patakbuhin ang isang mall.

“In a business side, ’no? So hindi ko alam ngayon, may mga bagay kang binebenta na hindi mo na kailangan, para ho yung five-star hotel sa Tagaytay, makita na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN