Jennylyn Mercado says she’s taking a long break from love

Like a typical mom, Jennylyn Mercado fusses over the school needs of her son Jazz, a preschooler.


Ano ang update sa love life ni Jennylyn Mercado?

“Wala, wala,” nangiti at matipid na sagot ng Kapuso actress-TV host.

Pero nali-link pa rin siya kay Luis Alandy?

Sabi niya, “Wala talaga, wala pa. Matatagalan pa, trabaho na lang muna."

Ang nakakapagpasaya raw kay Jennylyn ay ang anak nito kay Patrick Garcia na Alex Jazz at ang pamilya niya.

Sabi niya, "At saka nandiyan naman si Jazz, e.

"Siya ang nagpapasaya sa akin at saka ang pamilya ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, May 18.

SCHOOL OPENING. Samantala, malapit na ang school opening at tulad ng karamihan sa mga mommy, maaga ring namili ng school supplies si Jennylyn para sa anak na si Jazz.

Sabi niya, “Nai-enroll ko na rin siya, sa pre-school pa rin."

Bagama’t busy sa trabaho, sinisiguro niyang nagagampanan pa rin ang pagiging ina kay Jazz.

Minsan, pati pagkain nito ay siya mismo ang nag-aasikaso dahil may diet daw silang sinusunod para rito.

“Meron specific food na inihahanda lang for him, hindi yung pagkain namin, pagkain din niya.

“Iba yung pagkain para sa kanya, pati lutuan, iba.

"Para sa kanya lang talaga.

“Apat na taon na naming ginagawa sa kanya ‘yon, apat na taon nang effort namin iyon.

“Dati, hindi ko siya nasusundo sa school, pero this coming school year, pipilitin ko na magkaroon ng time.”

QUIET CELEBRATION. Noong May 15 ay nagdiwang ng kanyang 27th birthday si Jennylyn, pero hindi siya nagkaroon ng party dahil nataon na may taping ng Rhodora X.

Saad nito, "Ayoko namang magpa-cancel ng taping kasi marami kaming hahabulin.”

Na-touch nga raw siya kay Jazz dahil nag-effort itong gumawa ng personalized birthday card para sa kanya.

“Galing ako ng taping. Pagdating ko, nasa kama, ginawa niya lang.

“Nasa bondpaper. Kinulay-kulayan niya.”

Kuntento rin naman daw si Jennylyn sa takbo ng kanyang career sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Sunday All Stars at sa Rhodora X ay host din siya ng cooking show sa GMA News TV 11 na Sarap With Family na nasa ika-second season na.

Aniya, “’Tapos yung album ko, lalabas na.

"Pero inilabas na naming yung carrier single nito na ’Basta’t Nandito Ka’ composed by Vehnee Saturno."

Any concert coming up?

“Wala pa. Wala pa.”

Pelikula?

“Wala pa rin. Tapusin ko muna itong Rhodora X,” sabi ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN