Claudine Barretto camp refutes Raymart Santiago’s claim of rejected financial support

Kung totoo raw na gustong magbigay ng suporta ni Raymart Santiago sa mga anak nito, hihilingin daw ng kampo ni Claudine Barretto ang naturang suporta simula Agosto ng nakaraang taon.


Sa panayam kay Raymart Santiago sa Startalk ng GMA kahapon, May 18, sinabi nitong makailang beses siyang nag-offer na magbigay ng sustento sa kanyang mga anak, ngunit tinanggihan daw ito ng estranged wife ng aktor na si Claudine Barretto.

Kaya ipinaubaya na lang daw ni Raymart sa korte ang kung ano ang iuutos nito tungkol sa suporta sa kanyang mga anak na sina Sabina at Santino.

Read: Raymart Santiago speaks up about "fake marriage," "lack of financial support," and other allegations of Claudine Barretto



“PUT UP OR SHUT UP.” Ngayong araw, May 19, nagpadala ng pahayag sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang kampo ni Claudine sa pamamagitan ng kanyang abugadong si Atty. Ferdinand Topacio.

Sa maiksing pahayag nito, sinabi niyang walang alok ng suporta mula sa kampo ni Raymart, mula noong umalis ang aktor sa kanilang bahay ni Claudine sa Loyola Grand Villas.

Sinabi rin ng abugado ni Claudine nang kung seryoso talaga si Raymart na magbigay ng sustento, hihilingin nila ang naturang suporta mula pa noong Agosto ng nakaraang taon.

Narito ang buong pahayag ni Atty. Topacio:

“The statement of the camp of Mr. Raymart Santiago that they offered support but it was rejected, is pure unadulterated BS.

“There were no such offers at any time.

“If they are indeed serious, then we now demand support starting August 2013 up to the present at the rate which Mr. Santiago used to give before he left the conjugal abode, until such time that the court orders a different amount.

“We dare Mr. Santiago to put his money where his mouth is. In other words, put up or shut up.”

Bukas ang PEP sa maaaring maging tugon ng kampo ni Raymart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN