Sarah Geronimo on keeping mum about relationship with Matteo Guidicelli: "Sana respect lang sa bawat isa..."

Sarah Geronimo on receiving three awards from the 45th Box Office Entertainment Awards: “Kasi, akala mo lilipas lang yung mga naging trabaho mo in the past. Papalakpakan ka, papanoorin yung pelikula. Pero yung mga ganitong klaseng parangal, napakasarap, nakakataba ng puso. Kasi, award-giving body na talagang respected, kinikilala.”


Apat ang natanggap na parangal ng Pop Star Princess na si Sarah Geronimo sa 45th Box Office Entertainment Awards na ginanap sa Solaire Resort & Casino Grand Ballroom kagabi, May 18.

Si Sarah ang nanalong Box Office Queen, Female Concert Performer of the Year, at Female Recording Artist of the Year.

Bukod dito, siya rin ang itinanghal na Female Star of the Night, habang si Enchong Dee naman ang napiling Male Star of the Night.

Saglit na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah bago siya umalis ng Solaire. Biniro namin siyang “hinakot” niya ang awards noong gabing iyon.

Nakangiting pahayag niya, “Overwhelming siyempre yung recognition na ibinigay sa akin tonight. Meron pang bonus na Star of the Night.

"Napakalaki ng pasasalamat ko sa Guillermo Mendoza Foundation dahil hindi ito ang first time na na-recognize ang aking kakayahan.”

Yun nga lang, si Sarah lang ang nakarating sa awards night dahil nasa Hong Kong ang Box Office King na si John Lloyd Cruz

Sabi ni Sarah, “Opo nga, nasa Hong Kong po siya.”

PERFECT SUNDAY. Masasabi ba ni Sarah na “perfect Sunday” sa kanya ang araw na yun?

Sagot niya, “Perfect Sunday? Opo naman, kasi napaka-rewarding ng nangyari sa akin ngayong gabi.

“Kasi, akala mo lilipas lang yung mga naging trabaho mo in the past. Papalakpakan ka, papanoorin yung pelikula.

“Pero yung mga ganitong klaseng parangal, napakasarap, nakakataba ng puso.

“Kasi, award-giving body na talagang respected, kinikilala.”

Masaya siya ngayon kaya matatawag na “perfect Sunday” talaga?

“Masaya naman po, dapat maging masaya tayo dahil napakaraming blessing na ibinibigay ng Panginoon,” ani Sarah.



INSTAGRAM PHOTO. Kahapon din ay may ipinost na larawan si Ryan Agoncillo sa Instagram kung saan kasama niya ang misis na si Judy Ann Santos at sina Sarah at Matteo Guidicelli.

Si Matteo ang napapabalitang boyfriend ni Sarah.

Nilinaw naman ni Sarah na ang larawan ay hindi kuha sa isang car drifting exhibition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, ano po yun, personal na lakad namin,” sabi niya.

Halatang pagdating kay Matteo, napakatipid ng mga sagot ni Sarah o iwas siyang ito ang maging sentro ng usapan.

Kaya sabi namin sa kanya, mukhang sa pagkakataong ito ay nagagawa niyang ihiwalay ang personal niyang buhay sa kanyang career.

Madali ba ito o mahirap sa estadong meron siya sa industriya?

Sabi ni Sarah, “Siyempre mahirap kasi a lot of people don’t understand.

“‘Di ba po, sinasabi nila, si Sarah arte-arte, ganyan-ganyan...

“Pero yun, sana respect lang sa bawat isa at ito ang desisyon ng bawat isa. Yun lang po.

“Kasi, kahit naman hindi kami artista, everyone deserves respect, ‘di ba po, sa bawat desisyon nila sa buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN