Deniece Cornejo’s grandmother accuses Vhong Navarro’s lawyer of confronting her

Inakusahan ng lola ni Deniece Cornejo na si Florencia Cornejo (nasa larawan) ang abugado ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga ng pagkumpronta nang magkita sila sa comfort room ng Pasig Regional Trial Court.


Nagkaroon diumano ng kumprontasyon sa pagitan ng lola ni Deniece Cornejo na si Florencia Cornejo at ang abugado ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga nang magkita sila Pasig Regional Trial Court noong Biyernes, May 16.

Nagpunta roon ang magkabilang partido para sa pagdinig sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong laban sa kampo nina Deniece at Cedric Lee.

Ayon sa report ng The Buzz 15 kahapon, May 18, nangyari ang kumprontasyon diumano ng lola ni Deniece at ng abugado ni Vhong sa comfort room.

Kuwento ng lola ni Deniece sa media, nagalit daw si Atty. Mallonga nang makita nito ang suot niyang t-shirt na puti na may nakasulat na ganito: “Justice for Denice, JAIL THE RAPIST!”

“Itinuro niya ito, ‘Ano ‘yan?! Ano ‘yan?!’

“Sabi ko, ‘Freedom of expression lang naman ito, e.’ Sabi kong ganun.

“Ako, wala akong masamang sinasabi sa kanya dahil ninenerbiyos lang ako, e.

“Kasi, matapang ang dating niya.

“Ako naman, cool lang ako dahil ayokong magkaroon kami ng problema dito sa korte dahil gusto ko na ngang maging mapayapa ang lahat.”

Dagdag pa ni Lola Florencia, “Sinalya niya akong ganun…”

At saka nito ipinakita sa mga nag-i-interview na TV crew ang ginawa raw sa kanya ng abugado ni Vhong.

Sabi pa ng lola ni Deniece, “Hanggang ngayon, nahihilo ako.

“Hindi ako makapagpa-blotter dahil hilung-hilo ako.”

Si Vhong ba ang pinatutungkulan niya sa nakalagay na statement sa t-shirt niya.

Sagot niya, “Wala itong ibig sabihin. Yung damdamin ko lang ang inilalabas ko.”

Habang kinakapanayam siya ng mga TV reporter, ipinakita pa nitong tila matutumba siya at nahihilo raw siya.

“Ako’y matutumba. Tama na, tama na... nahihilo na ako. Tama na mga bata, tama na mga anak.”

Sa huli ay ipina-blotter din ni Lola Florencia ang insidente sa Taguig Police.

Nakausap din ng The Buzz 15 si Atty. Mallonga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “I will confirm that we did have some concerns about certain things that happened with respect to that.”

Pero mariing itinanggi ng abugado ni Vhong ang sinabi ni Lola Florencia na sinalya niya ito.

Saad ni Atty. Mallonga, “I deny that that happened.

“There are witnesses and if that is her version, let her say it.

“But remember, I keep on saying, when you do something under oath, and you state falsehoods, there are consequences.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN