Willie Revillame happy about ex-wife Liz Almoro’s wedding to actor Victor Aliwalas

Willie Revillame on marrying again: "Magpapakasal ka lang kapag sa tingin mo, heto na ang babae para sa buhay mo. I have two failed marriages, ‘no? Hindi naging successful. So, siguro yung pangatlo, ’di ba?"


Sa Startalk kahapon, May 18, first time na ipinakita ni Willie Revillame ang video ng kanyang ipinapagawang hotel sa Tagaytay. Ito raw ang kanyang pinagkakaabalahan nitong mga nakalipas na buwan.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, “Maganda yung hotel, talagang world-class.

“Mula sa kinatatayuan nito, makikita mo ang full view ng Taal Volcano pati na yung buong Taal Lake.”

Tiyak na mahal ang halaga ng accommodation sa kanyang hotel na ‘yon. Pangmayaman talaga ang presyo.

“Hindi naman! Open naman sa lahat ‘yon. Siyempre hindi naman pinipili ang tao.”

WEDDING FOR WILLIE. Perfect daw ang nasabing hotel para maging wedding venue. Siya ba kapag ikinasal ulit, doon gaganapin?

“Hindi ako ikakasal, e. Bakit ba marunong ka pa sa akin?” napahalakhak na biro ni Willie.

Siyempre, kailangan din niya ng partner sa buhay. At may karapan din naman siyang maging maligaya sa kung sinumang sunod na mamahalin niya at magmamahal din sa kanya.

Sabi ng TV host, “Magpapakasal ka lang kapag sa tingin mo, heto na ang babae para sa buhay mo.

“I have two failed marriages, ‘no? Hindi naging successful.”

Ang tinutukoy ni Willie ay ang pagsasama nila ng first wife niyang si Princess Punzalan at ng ikalawa niyang napangasawa na si Liz Almoro.

“So, siguro yung pangatlo, ’di ba?

“Si Manay Lolit [Solis] ba, may boyfriend?” biro na naman niya bago muling natawa.

“Si Manay Lolit, saradong-sarado ‘yan! Bubuksan natin ang puso niyan!”

Ikinasal na kamakailan ang ex-wife niyang si Liz Almoro sa actor-model na si Victor Aliwalas. Masaya ba siya na nakatagpo na ito ng bagong makakatuwang sa buhay?

Sagot ni Willie, “Actually, hindi ko nga alam na ikinasal siya, e. Nalaman ko lang sa balita.

“Happy ako sa kanya at saka natutuwa ako sa magandang pagpapalaki niya sa anak namin.

“Minsan nagkakausap nga kami ng anak ko. Ingglisero!” sabay tawa ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang anak nina Willie at Liz ay si Juamee Revilla.

Dagdag niya, “Sabi ko sa kanya, ‘Huwag mo akong Ingglesin! Tinatanong ko halimbawa, ’Where do you study?’

“Sagot niya, ’In La Salle-Zobel.’ Nakakatuwa.

“Okey naman kami. Okey naman.”

WILLIE’S CHILDREN. Meron ba silang time na mag-bonding together? Regular ba silang nagkikita?

“Of course, may time naman para sa kanya.

“Kaya lang naging busy ako. At siyempre I think they went to the States.

“Pagbalik naman, makikita ko rin ulit yung anak ko.”

Kumusta naman sila ni Meryll Soriano, ang anak niya sa dating girlfriend na si Bec-Bec Soriano?

Sagot ni Willie, “Okey naman. Hindi lang kami nagkikita masyado lately.

“Kasi alam ko, paalis-alis siya, e.”

Happy ba ang puso niya ngayon?

“Happy pati bird!” sabay halakhak na biro ni Willie.

“Wala akong lovelife ngayon. Alam mo naman ang katawan ko, pang-serbisyo lang ‘to.

“Serbisyong totoo! 24 Oras! O, ‘di ba?” tawa na naman niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN