Julie Anne San Jose transforms into "something fierce" as she turns 20

Julie Anne San Jose spends her vacation from school reading, "May pagka-bookworm kasi ako, e, mahilig talaga akong magbasa."


Ipinagdiwang ni Julie Anne San Jose ang kanyang 20th birthday noong Sabado, May 17.

Wala siyang party dahil mas pinili na lang niyang ilaan ang buong araw sa trabaho.

Technical rehearsal daw kasi ng production number niya sa Sunday All Stars (SAS) noong araw na iyon.

At panggulat ngang maituturing ang ginawa niyang production number kaugnay ng kanyang birthday celebration sa Sunday musical-variety show ng GMA.

Isang daring na Julie Anne San Jose ang bumulaga sa viewers.

Senyales ba ito na kakalas na siya sa innocent at wholesome niyang image sasabak na sa medyo mature na imahe?

Sagot ng Kapuso singer-actress, "Hindi naman po yung talagang mature, like yung magiging revealing o something.

"Pero siguro, transformation into something na fierce.

"Siguro dahil twenty na ako!"

Pati sa mga role na tatanggapin at ipu-portray niya ay ganun na rin ba?

Sagot ni Julie Anne, "I don’t know, I still don’t know.

"Pero depende rin po sa management."



BACK TO SCHOOL. Malapit na ang pasukan at excited si Julie Anne dahil ngayong school year ay graduating na siya sa kursong Communication Arts sa Angelicum College.

"Sana, hopefully.

"Hindi pa ako nakakapag-enroll, baka mag-enroll ako this week before I leave for the States."

Treat daw niya sa sarili ang bakasyong ito sa U.S.

"Mga ten days lang ako doon. I’ll be back bago magpasukan."

Ngayong graduating student na siya, mas kailangan niya ng sapat na oras para sa kanyang pag-aaral.

"Medyo mas may pressure nga po sa akin ngayon, e.

"Kasi, ayun nga, hindi ko sure kung ngayong taon na talaga ako ga-graduate.

"Feeling ko baka sa susunod na taon pa, pero I’m hoping for the best naman.

"At saka ang importante, makatapos ng pag-aaral, ‘yon talaga!

"And ngayon, habang hindi pa pasukan, nagbabasa ako ng books kapag wala akong ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May pagka-bookworm kasi ako, e, mahilig talaga akong magbasa."

May bago na ba siyang soap na gagawin sa GMA?

"I think sa third quarter ng taon na ito, inaayos pa kaya hindi ako makapagbigay ng details.

"Naka-focus ako ngayon sa second album ko at sana maging kasing successful ng aking first," pagtukoy niya sa kanyang debut album na umabot ng 9x Platinum.

Concert?

Sabi ni Julie Anne, "Magkakaroon ako this year, excited ako for this.

"We’re working on it. Nasa working process na ang tungkol dito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN