Freddie Aguilar keeps mum about daughter Maegan’s allegations: "My daughter, her partner, and all the other people living in my house know the truth."

Freddie Aguilar reacts to daughter Maegan’s accusation that he is a bad man and a negligent father: “I have been supporting my 35-year-old daughter and her family for many years now and have no intention of dragging her through the mud for entertainment’s sake," says Ka Freddie in a text message sent to PEP.ph.


Pinabulaanan ng legendary singer na si Freddie Aguilar ang akusasyong pinalayas niya ang anak na si Maegan dahil sa away sa pera.

Pahayag ni Freddie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong tanghali, May 19: “I have been supporting my 35-year-old daughter and her family for many years now and have no intention of dragging her through the mud for entertainment’s sake.

“My daughter, her partner, and all the other people living in my house know the truth.”

Kaugnay ito ng artikulong lumabas sa column ni Dolly Anne Carvajal sa Philippine Daily Inquirer.

Dito ay naglabas ng hinanakit si Megan tungkol sa pagtatalo nilang mag-ama noong May 12.

THE ALLEGATION. Tila naging mitsa ng pagtatalo nila noong araw na iyon ang nabulok na gulay sa loob ng refrigerator na nakalaan sana para kay Freddie.

Inahayag din ni Maegan na nagalit sa kanya si Ka Freddie dahil hindi pa siya nakakabayad ng utang na nagkakahalaga ng P1,500.

Ayon pa kay Megan, ipinambili niya ang perang iyon ng diapers at gatas para sa six-month-old niyang anak.

Kaya naman daw siya gipit sa pera ay dahil “P4,000” lang ang suweldo niya mula sa pagiging empleyado sa bar na pag-aari ng kanyang ama.

Sabi pa ni Maegan sa panayam ng PDI: “It’s his fault. I’m underpaid.”

Kaugnay nito, dinadamdam nang husto ni Maegan ang desisyon ni Ka Freddie na palayasin siya matapos ng kanilang matinding pagtatalo.

Lahad niya, “My family and I are now staying with a bandmate until we find a place of our own.

"Knowing my dad, he will claim that I ran away.

“But why would I endanger the lives of my kids, just because of my pride?

“He just threw us out, his daughter and grandkids, to live in the streets.”

DAMAGED. Inakusahan din ni Maegan si Ka Freddie na simula’t sapul ay hindi ito naging mabuting ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumaki raw si Maegan na “mentally and emotionally damaged” dahil panay masasakit na salita ang natatanggap nilang magkakapatid mula sa ama.

Kasabay nito ay inihayag ni Maegan na nasaktan siya nang husto nang bigla na lang magpakasal si Ka Freddie sa menor de edad nitong girlfriend.

Ang totoo ay hindi man lang daw kumonsulta si Ka Freddie kay Maegan at pati na rin sa mga kapatid niyang sina Jonan at Jeriko.

Ngunit napilitan lang daw si Maegan na suportahan at ipaglaban noon si Ka Freddie “out of blind loyalty.”

Read: Maegan Aguilar lashes back at critics of dad Freddie Aguilar’s relationship with 16-year-old girlfriend

Ngunit ngayon ay itinatakwil na raw ni Maegan si Ka Freddie bilang ama dahil sa pagpapabaya nito sa kanilang pamilya.

Sabi pa ni Maegan sa panayam ng PDI: "He is a bad man and a negligent father. I had an awful childhood...

“I always defended him … even if I got harassed by DOMs [dirty old men] because my father married a minor.

"I took everything in, out of blind loyalty.

“And he threw us out of the house just because of rotten vegetables.

"What kind of a father and grandfather is he? Ibang klase siya."

HIDDEN HALF-SIBLING? Sa huli, ibinunyag ni Maegan na mayroong naanakan si Ka Freddie na babaeng taga-Pangasinan.

Mag-iisang taong gulang na raw ang anak ni Ka Freddie ngayong taon.

Ngunit naaawa raw si Maegan dahil hindi makapagdiwang ng kaarawan ang bata dahil diumano’y hinahadlangan ito ng menor de edad na asawa ni Ka Freddie.

Bunsod nito, pinaniniwalaan ni Maegan na pera lang ang habol at nilalason ang isip ni Ka Freddie ng asawa nito.

Sa kabilang banda, ikinalungkot ni Ka Freddie na kinailangan pang umabot sa media ang away-pamilya nila ni Maegan.

Tumangging magbigay ng detalye ang legendary OPM singer, na pinasikat ang kantang “Anak,” upang huwag nang lumaki pa ang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang kabuuang pahayag ni Ka Freddie sa isang text message na ipinadala nito sa PEP kaninang tanghali:

“It is unfortunate that my daughter Maegan decided to take a private matter to the press.

“I have been supporting my 35-year-old daughter and her family for many years now and have no intention of dragging her through the mud for entertainment’s sake.

“My daughter, her partner, and all the other people living in my house know the truth. I wish Maegan all the best as she moves on and takes responsibility of her own life.

“It is because I love my daughter that I choose to say nothing more on this matter.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN