Daniel Padilla on status of relationship with Kathryn Bernardo: "Doon pa rin sa ligawan stage."

Daniel Padilla is said to be the first to be hailed as "Teen King" in local entertainment and he is grateful: "Thankful po ako na yung mga nakapaligid sa akin ay mabubuting tao.”


Si Daniel Padilla ang kinikilala ngayong "Teen King."

Paano naha-handle ni Daniel ang pagkilalang ito at ano ang pumapasok sa isipan niya kapag sinasabing "Teen King" siya?

Sabi ng Kapamilya young actor sa The Buzz 15 noong Linggo, May 18, “Parang naaano ako... nakakatuwa naman kapag sinasabi nila.

"Pero hindi ko naman kinukuha na parang... “

Aware ba siya sa laki ng pangalan na meron siya ngayon at paano niya naha-handle ang ganitong kasikatan niya?

“Siyempre, sa tulong din po ng maraming tao.

"Yung mga tao sa paligid ko na ginagabayan po ako at lahat.

“At masaya po ako at thankful po ako na yung mga nakapaligid sa akin ay mabubuting tao.”

Sa puntong ito ng career niya, mayroon ba siyang takot na posible pang mangyari?

“Siyempre po, may mga pagkakataon sa artista na bigla na lang mawawala, ‘di ba?

"Yun po ang medyo nakakatakot.”

FAMILY TIME. Kagagaling lang ni Daniel sa Boracay kunsaan ilang araw siyang nagbakasyon doon.

Kasama ni Daniel ang kanyang pamilya, ilang mga kaibigan, kabanda, at ilang kasamahan sa trabaho.

Lahat invited niya pero bakit si Kathryn Bernardo ay hindi?

“E, kasi may work siya,” paliwanag ni Daniel.

Kung walang work, kasama si Kathryn?

“Opo naman, siyempre,” nakangiti niyang sabi.

Kalilipat lang din daw ni Daniel sa bagong bahay nito.

“Kalilipat lang namin noong isang araw.

"Hindi pa tapos, puwede nang tulugan, pero yung mga exterior, hindi pa tapos.”



Masaya raw ang ina ni Daniel na si Karla Estrada sa achievements niya lalo’t nakapagpagawa na siya ng bahay.

“Masaya, actually hindi pa kami dapat lilipat noong isang araw, pero si Mama, doon na natulog.

“Sobrang excited, sabi ko, ’Ma, ‘di ba, Friday?’

"Wednesday, nandoon na siya.

"Sabi niya, ’Nandito na ang aircon, inilagay na namin.’

"Sarap ng tulog niya."

Pero sabi ni Daniel, “Ako, hindi ko pa nga napi-feel na bahay ko yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakabisita na si Kathryn sa bago niyang bahay?

“Yeah, noong may party, may dinner sa bahay.”

MUTUAL UNDERSTANDING. Ano nga ba ang totoong estado ng relasyon nila ni Kathryn? Nagliligawan, mag-MU (mutual understanding), o sila na?

Nakangiting sabi ni Daniel, “Doon pa rin sa ligawan stage.

"Ligawan na alam... yung ganun, na alam niyang nililigawan ko siya.”

Ligawan na parang sila na?

“Hindi naman po, ligawan na parang MU. Parang last time na sinabi ko.”

Nag-"I love you" na siya kay Kathryn?

“A, wala pa!” natawang sabi ni Daniel.

Palagi niyang hinahawakan ang kamay ni Kathryn, ibig bang sabihin nito hinahawakan na rin ni Daniel ang puso ng kapareha?

Totoo bang madalas din silang mag-HHUT o holding hands under the table?

“Ay, walang ganyan!” tanggi ni Daniel.

Nahalikan na ba ni Daniel si Kathryn sa lips?

“Ay, hindi, hindi puwede,” mabilis niyang sagot.

Kung sakali, gusto ba niyang siya ang maging first kiss ni Kathryn sa telebisyon?

“Bakit hindi po?” sagot niya.

“Pero matagal pa ‘yun.”

May ginagawa sila ngayong pelikula ni Kathryn, ang I’m Dating a Gangster. May kissing scene ba?

“Tingnan po natin, kaya lang baka masyado pang maaga,” sagot ng binata.

NO OTHER. Sa isang banda, na-link din si Daniel kay Julia Barretto dahil may ginawa silang project.

Kumunot ang noo ni Daniel, pero sagot niya, “Magkasama kami sa commercial ni Julia and trabaho po yun, ganun po.”

Hindi ba nila napag-usapan ni Julia na may mga isyu sa fans na nagseselos?

“Hindi rin naman po kami nagkakausap ni Julia, e.”

Sila ni Kathryn, napag-usapan ba nila yung isyu?

“Hindi naman po namin napag-uusapan.”

Ano ang pinag-uusapan nila, at okay lang ba kay Kathryn na ma-link siya sa iba?

“Hindi naman po ako nali-link sa iba,” giit ni Daniel.

Paano kung si Kathryn ang ma-link sa iba, ’tulad nang ma-link ito kay Enrique Gil?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nakapagsalita si Daniel at natatawang iniba nito ang usapan.

Pero sabi rin niya, “Hindi namin iniisip ‘yan. Ang importante, masaya kami.”

Gaano kaimportante sa kanya si Kathryn?

“Sobrang importante po,” pag-amin ni Daniel.

Nasaan si Kathryn sa puso niya?

“Sa pinakagitna,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN