Kris Aquino on the new man in her life: "Itatago ko na lang siya sa loob ng puso ko.”

Kris Aquino settles the James Yap issue for those still hoping against hope that they will reconcile: "Let’s all move on... we are in a good place. He’s happy, I am happy and the most important thing, Bimb is happy.”



Nagbalik bilang hosts ng The Buzz 15 sina Kris Aquino at Toni Gonzaga simula kahapon, May 18.

Kasama ng dalawa ang na-retain sa showbiz talk show ng ABS-CBN na si Boy Abunda.

Sa "POV" segment ng programa ang paksa ng mga host ay tungkol sa “label ng isang relasyon.”

Ayon kay Toni, naniniwala siyang dapat may label ang isang relasyon. Kung wala raw kasi itong label, walang karapatan ang bawat isa na pagsabihan ang ka-partner o magselos.

Sabi naman ni Kris, hindi lamang label ang kailangan, dapat daw ay may title din.

Pahayag ng TV host-actress, “I just don’t want a label, I want a title, sa totoo lang.”

Anong title ang ibig niyang sabihin?

Sabi ni Kris, “E, kasi, nabasa ko rin yun. ‘Di ba, ang lupa, hindi sa ‘yo kung walang titulo?

“So, kung ang lalaki, hindi ibinibigay ang last name sa ‘yo, wala ka pa rin karapatan.”

Natatawang dagdag niya, “Gusto ko ibigay mo sa akin ang last name mo, ha...”

SHUSH. Sinubukan naman ni Boy na ibahin ang topic, pero natatawang sabi ni Kris, "Inaawat ako ni Boy! He suddenly changed the topic, natatakot siya sa sasabihin ko.”

Natatawang pag-amin ni Boy, “Kinabahan ako dun.”

Dugtong pa ni Kris, “Naku, ‘wag kang mag-claim kasi ang boyfriend-girlfriend, puwede pang mag-break.

“Take it from me, ang hirap magpa-annul.

"So, once na may titulo ka, once na you’re Mrs. So and So, yun na yun.”

Sabi naman ni Toni, “So, sa kung sinuman ang nanonood, alam niyo na yun.”



ENOUGH ALREADY. Nang mapag-usapan naman ang tungkol sa relasyong Piolo Pascual at Shaina Magdayao, nagbigay ng komento si Boy na sa industriya raw kasi, ang magkasama, pinaghihiwalay at kapag magkahiwalay, pinagsasama.

Pagsang-ayon ni Kris: “Totoo! Dyusko! Naman!”

Patuloy niya, “Okay, ito lang, para once and for all lang, kasi, I feel uncomfortable every time they post about James Yap and me, saying na ’sana magkabalikan kayo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even today, Mother Lily [Monteverde] called me and said, ’Kris, hindi tuloy yung Derek [Ramsay], ‘di ba, hindi ka pinayagan. Kayo na lang ni James ang mag-movie.’

“Sabi ko, ’OMG, Mother, huwag naman! We’re all happy.’

“You know, honestly, kung ang anak namin, si Bimby, tanggap yung girlfriend ni James...

"Tinatawag si James at ang girlfriend niya ng ’Hey, the lovebirds,’ ginaganun.

"Let’s all be happy and let’s all move on.

“Yun lang yun, we are in a good place.

"He’s happy, I am happy and the most important thing, Bimb is happy.”



AMININ. Tawa naman nang tawa si Kris nang sumundot si Toni na ang importanteng tanong daw ay sino ang nagpapasaya sa kanya.

Nilinaw pa ni Boy na hindi raw sina Josh at Bimby ang ibig nilang sabihin kung hindi romantically.

Sabi naman ni Kris, “Sinabi ko rin kagabi, ‘di ba?

"Bumabalik ako dito [The Buzz] na mas matalino na, mas marami ng pinagdaanan, mas mature na.

"So, kung sino man ang nagpapaligaya sa akin, itatago ko na lang siya sa loob ng puso ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN