Coco Martin says DNA test proves he’s not the father of Katherine Luna’s baby

In her interviews, Katherine Luna claimed Coco Martin (in photo) was the father of her baby. So the actor took a DNA test. The result? "Negative. Hindi ko anak ang bata,” Coco says.


Nagsimula si Coco Martin sa mga indie films at dito siya unang nakilala bilang isang actor at tinaguriang Prince of Indie films hanggang sa makapag-cross-over siya sa telebisyon at ngayon, kilala na bilang ABS-CBN’s Teleserye King.
In-interview ni Boy Abunda si Coco Martin sa The Buzz noong Linggo, Mayo 18. Ito ang ilan sa mga pinag-usapan nila:
Tanong ni Boy si Coco: Kung isang uri ng pelikula ang kanyang buhay—comedy, drama, action, fantasy, ano kaya ito?
Natawa ang aktor at saka sinabing, “Action-drama!”
Kung pelikula raw ang buhay niya, makulay ito, maaksiyon at madrama.
Yung tungkol sa Superstar na si Nora Aunor, ano nga ba ang totoong kuwento sa kanila?
Ayon kay Coco, “Dati pa ‘yan, mga two or three years ago, noong nasa Amerika pa siya, gusto ko na siyang maka-trabaho.
“Sabi ni Direk Adolf kung gusto ko raw siyang makasama. Ito yung Padre de Familia. Napakaganda ng pagsasama namin, tapos, hanggang sa natapos ang pelikula.
“Nagtatawagan pa kami, nagte-textan pa kami. Tapos, siguro I think, ito lang, mga three weeks ago, biglang tumawag sa akin ang manager ko na may isyu nga raw about Ate Guy.”
Ang isyu ay may utang daw na pera ang Superstar sa kanya.
“’Yon nga, Tito Boy, parang ang sakit. Parang, kilala niyo ba ang taong sinasabihan niyo ng ganun? Kilala niyo ba? Kasi, hindi maganda.”
Para iklaro ang isyu, sinabi ni Coco na wala nga raw katotohana na may utang sa kanya si Nora.
Sabi pa ni Coco, “Nag-text ako kay Ate Guy, humihingi ako ng sorry. Ang haba ng text ko.
“Tapos, hindi ko alam na nag-text pala siya sa akin ng tatlong beses. Kaso, ang problema, hindi ko natanggap. Unang-una, may utang na loob ako sa tao. Para pumayag siya na makasama ko sa pelikula at pumayag siya, napakalaking utang na loob na sa akin yun.
“Hindi ko magagawa ’yon, yung hindi siya pansinin.”
Kung nanonood si Nora ngayon sa kanya, ano ang puwede niyang sabihin?
“Alam ko, nagtatampo siya sa akin. Hindi ako papayag hangga’t hindi ko naka-klaro at hindi ko nalilinis. Kung sinuman ang taong sumulat na ’yon para siraan siya.”
KATHERINE LUNA. Ilang taon na ang nakararaan, may pinag-uusapan na may ka-live-in siya, may anak siya.
Ano nga ba ang totoo?
“Open naman ako Tito Boy,” mabilis niyang sabi.
Si Katherine Luna?
“Nagsimula ’yon, nagkamali ako, bata. Mapusok, ito pala ang showbiz. Masaya, puno ng temptasyon.
“May nangyaring isang bagay na hindi maganda, tapos, nag-start na lahat dun.”
Nagsama ba sila ng tirahan ni Katherine?
“Hindi, wala,” saad niya.
“Magkasama lang kami sa movie. Hindi ko siya girlfriend. Labas-labas, dala ng kabataan. May nangyari na hindi namin inaasahan pareho.”
Nagkaroon siya ng anak kay Katherine?
“Noong time na sinabi niya sa akin na nagdadalang-tao siya, hindi ako nagtanong na parang akin ba ‘to? Ang sabi ko sa kanya, ’Ano ang gagawin natin? Ano ang maitutulong ko sa ‘yo?’ Kasi, wala kaming relasyon.
“Ano pa ko non, college. Ang sabi ko pa, ano unang maitutulong ko, vitamins? Anong vitamins sa buntis? Kasi, ’yon ang unang naisip ko, pagkain.
“Na kailangan niya ng pagkain. Wala pa kong trabaho nun, paraket-raket lang ako sa mga pelikula, pa-indie-indie. Tapos ’yon, tutulungan ko siya sa abot ng makakaya ko.
“Noong akala ko, ganoon ang set-up namin, tutulungan ko siya sa abot ng makakaya ko kahit wala kaming relasyon. Pero kailangan kong panindigan kasi, sabi ko nga, ayokong maranasan ng magiging anak ko ang naranasan ko na walang nagga-guide sa akin kung hindi ang lola ko dahil separated ang parents ko.”
Sinabi ni Katherine sa kanya na ang dinadala nitong bata sa sinapupunan ay anak niya?
“Opo,” pag-amin naman ni Coco.
“Sabi niya sa akin na buntis siya, alam kong akin. Sinabi niya sa lahat ng interview niya na ’Ang ama ng anak ko, si Coco Martin.’
“That time, hindi pa ko kilala. Lahat ng panlalait, lahat ng masasakit na salita, inabot ko.
“Sabi ko nga, nagsisimula pa lang ako, ang dumi-dumi na ng pangalan ko. Hindi pa ko nakikita ng mga tao kung sino talaga ko, sira na ko. Siyempre, kapag lalabas ako sa bahay, nakabuntis ka raw? Hindi mo pinapanindigan?
“Hindi alam ng mga tao, kaakibat nun, inakusahan ako ng ganun, ginagawan ako ng responsibilidad ko.”
Dugtong pa ni Coco, “Ilang beses akong nag-try mula ng pagka-buntis niya. Hanggang ilang buwan yung dinadala niya sa tiyan. Hanggang sa nanganak siya, nandoon ako.
“Pero sa interview niya sa TV, wala ako,” natawang sagot ni Coco.
Sabi pa niya, “Ako naman, bilang lalaki, ayokong patulan. Ayokong i-defend ang sarili ko. Kasi, para sa akin, hindi ako ganoon, e. Hindi ko dapat i-defend ang sarili ko kasi, alam ko ang totoo.
“Hanggang sa dumating ang time na nanganak na siya. Nag-try ako, every time na ginagawa ko ang part ko, masasakit na salita ang sinasabi niya sa TV.
“Hanggang sa dumating ang time na nagsu-shooting ako ng Born To Love You sa Luneta, dinala niya yung bata at saka yung lola.
“Ang ginawa ko, kinausap ko sila. Ang gusto kong mangyari, kumbaga, ibigay ko ang pinaka-best ko sa magiging anak ko. Hanggang sa kinausap ko na ang lola na parang kung maaari, kung ibibigay nila sa akin para kahit paano, mabigay ko ang tamang guidance, mabigay ko ang pangangailangan niya.
“And then, sa sobrang excited ko, tinawagan ko ang manager ko, si Maderbibs (Biboy Arboleda) na Mader, sabi ko, kausap ko ang bata, puwede ko nang makuha ang bata.
“Sabi ni Maderbibs, parang teka lang, hindi ganoon kadali ‘yan. Kailangang idaan natin sa legal na situwasyon.
“Kung talagang gusto mo, kausapin natin. Ipa-DNA natin.”
Ano na ang nangyari?
COCO IS NOT THE FATHER. “Hayun, kinausap namin ang lola tapos pumayag siya na ipa-DNA. Ang result, negative. Hindi ko anak ang bata.”
Ayon pa kay Coco, nasaktan din daw siya nang malaman ang resulta.
Sabi nga niya, “Honestly, nasaktan ako dahil bumalik sa akin ang lahat ng nakaraan. Sabi ko nga, lahat ng salita na nakuha ko sa iba’t-ibang tao.
“Pati lola ko, nahihiyang lumabas dahil napaka-iresponsable kong tao. ’Yon ang tingin sa akin ng mga tao.
“At sana, naisip din niya ang bata. I’m sure, lahat ng kalaro niya, kapag napapanood niya ko sa TV, ‘yan ang Daddy ko. Parang hindi lang ako. Kumpara, ang laking damage ng nang nangyari.
“On my part, gusto kong akuin ang bata. Siyempre, wala siyang kasalanan. Hindi ko rin alam kung ano ang puwedeng puntahan. Paano na ngayon, yung pinaka-inaasahan niyang hope, wala pala.”
LOLA MATILDA. Nagbalik-tanaw rin si Coco sa kanyang kabataan. Ayon dito, naging masaya ang childhood niya.
“Masaya kami noon, compound kami, sama-sama kami ng mga pinsan ko, mga kapatid ko. Hanggang sa dumating ang point na naghiwalay ang parents ko, ang lola ko talaga ang nagpalaki sa akin.”
At ang lola Matilda niya ang nagpalaki at humubog sa kanya.
Ano ang pinaka-importanteng aral ang natutunan niya sa lola niya?
“Isipin ang future. Kasi, ang future ko ngayon, hindi ako. Pamilya ko, mga kapatid ko, mga magulang ko at magiging pamilya ko balang-araw.”
Madalas, kapag naghiwalay ang mga magulang, may nagre-rebelde, nagagalit sa mga magulang.
Hindi siya dumating sa puntong yun?
“Dumating ang point, mga magulang ko nag-rebelde, nagkahiwa-hiwalay kami. Tapos, di okay ang parents ko.
“Parang sinabi ko sa sarili ko, kung bibitaw ako at magiging isa ako sa kanila, mahirap. Paano na ang pangarap ko? Kumbaga, yun ang naging ano ko, balang-araw, kapag ako na ang may kakayahan na ayusin ko ang pamilya ko, yun ang gagawin ko.
“Kaya noong dumating ang time na kumikita na ko kahit papaano, nakakapagpatayo na ko ng bahay, yun ang ginawa ko talaga.”
Ang set-up daw ng bahay ni Coco ay isang compound. May bahay rin daw doon ang Nanay, Tatay niya na magkakahiwalay, pero, kapag kumakain sila, magkakasama?
“Opo,” nakangiti niyang sabi.
“Sinet-up ko talaga, naka-plano siya sa akin kasi nga, alam ko na never naman na magbabalikan magulang ko.”
Hindi na siya umaasang magkakabalikan ang mga ito?
“Oo, ayoko na. Kasi, na-trauma ko noong bata. Nag-aaway palagi. Mas maganda na yung magkaibigan, casual kayo.
“’Yon ang gusto ko, kapag weekend, sabay-sabay kami kung nandoon ako. Gusto ko, may kanya-kanya silang buhay, pero, nakikita ko silang lahat. Gusto ko, supervised ko silang lahat.”
LOVELIFE. Pagdating sa lovelife, wala raw talaga siya nito ngayon.
Ayon kay Coco, “Wala, by choice ko ‘to. Kasi, alam ko, lahat ng ito, mawawala ‘to. Pero, hangga’t nandito ko, mag-iipon ako sa pinaka-sagad na makakaya ko. Tapos, ‘pag wala na ‘to, doon ko haharapin ang ibang parte ng buhay ko.”
Natawa si Coco sa tanong kung gaano siya kayaman ngayon.
Matagal bago ito nakasagot nang, “Malayong-malayo sa dati ko noon. Siguro ang galing kong mag-ipon, eh.”
Kung mawawalan ka ng trabaho bukas, okay ka na?
“Puwede,” nakangiting sabi ni Coco.
Meron na siya ng lahat?
“Opo,” saad niya.
“Honestly, kasi sabi ko nga, hindi naman ako sobra-sobra. Mataas ang pangarap ko, pero, para sa akin ngayon, puwede kong sabihin na lahat nasa akin na.”
Sa pelikula ni Coco ngayon, ang Maybe This Time na ipapalabas na sa May 28 kunsaan, kasama niya si Sarah Geronimo, sobrang excited daw si Coco rito.
“Sabi ko nga, ganoon pala ‘no, puwede pala na nararamdaman mo, naaamoy mo kapag maganda ang ginawa mo, maganda ang produktong ginawa mo.
“Proud ako, kasi, yung dream ko na makasama si Sarah sa pelikula, nagkatotoo na.”
Kumusta si Sarah?
“Si Sarah, mapi-feel mo ang pagiging matured niya, ang galing niya. Siguro nga dahil mas babaeng-babae na siya ngayon.

“May pundasyon, mga pinagdadaanan niya sa buhay. Mas may hugot.”
Sa huli, bilang deboto siya ng Poong Nazareno, ano ang dasal niya?
“Sa kuwarto ko, meron akong maliit na ano ng nazareno. Every time na umuuwi ako, isa lang ang pinagpapasalamat ko sa mga oras na ‘to, kapag umuuwi ako ng ligtas, kapag naabutan ko na maayos yung pamilya ko, salamat.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN