Vice Ganda named Phenomenal Box-Office Star third year in a row

Vice Ganda on being named Phenomenal Box-Office Star third year in a row: “Ang bongga ng Diyos... Unkabogable ang Diyos! Ibang-ibang saya, nakakatuwa kasi ang laking karangalan. Ito ang pinakamataas na karangalan na binibigay ng Guillermo Mendoza Awards. Pangatlong taon ko nang nakukuha kaya ang saya lang, sobrang saya.”


Sa ikatlong pagkakataon ay tinanghal bilang Phenomenal Box-Office Star si Vice Ganda sa nakaraang 45th Guillermo Mendoza Box Office Awards na ginanap sa Solaire Hotel noong nakaraang Linggo, May 18.

Ka-tie ni Vice si Vic Sotto bilang Phenomenal Box Office Star.

This honor is awarded to the performer whose film has exceeded the gross of the current biggest movie, and has set the biggest box-office record of all time.

Ayon kay Vice, ibang saya ang binigay sa kanya ng nasabing parangal.

“Ang bongga ng Diyos... Unkabogable ang Diyos! Ibang-ibang saya, nakakatuwa kasi ang laking karangalan. Ito ang pinakamataas na karangalan na binibigay ng Guillermo Mendoza Awards. Pangatlong taon ko nang nakukuha kaya ang saya lang, sobrang saya."

Samantala, mismong si Direk Wenn Deramas na ang nagkumpirma na ang Praybeyt Benjamin 2 ang magiging isa sa entry ng Star Cinema sa darating na 2014 Metro Manila Film Festival sa Disyembre.


Praybeyt Benjamin (2011) is the first Filipino film to break the P300 million mark in the box office.

Aminado si Vice na laging may kaba at pressure tuwing may gagawin siyang pelikula lalo’t di biro-biro ang record ng mga sine na nagawa na niya.

“Hayun, isang project na naman ang gagawin ko para sa film festival at sana tumabo uli para next year may dahilan para nandito ako," aniya.

"Totoo namang may pressure kasi malala yung records na sine-set at bine-break ng mga pelikula ko. Mayroong pressure pero patuloy lang akong nagdadasal. Ang bait ng Diyos sa akin. He never fails me and I never fail to trust Him.”

Sa panayam naman kay Kris Aquino, sinabi nito na pababantayan niya ang anak na si Bimby kay Vice na kasama sa Praybeyt Benjamin 2, bukod kay Richard Yap. Bagay na aprubado naman sa komedyante.

“Korek, kanina nga magka-usap kami. Babantayan niya raw pero may early cut-off si bagets na pabor na pabor naman sa akin para di ako magdamagan na mapuyat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa acceptance speech ni Vice ay inalay niya ang nakuhang karangalan sa mga katulad niyang beki.

Ayon kay Vice, sana daw ay magsilbi itong inspirasyon sa ibang katulad niyang kabilang sa third sex.

“Oo siyempre, di naman madalas na nakikita ng mga tao na may baklang tumatanggap ng parangal lalung-lalo na kung singtaas ng parangal na ’yon kaya di ko ’yon awards lang, award nating lahat na mga bakla. Na kung ako kayang-kaya ko, kayang-kaya nating lahat."

Kinumpirma din ni Kris na gagawin niya ang sequel ng Feng Shui kung saan kasama pala ito sa isa sa entry ng Star Cinema sa 2014 MMFF. Bukas naman ito kay Vice dahil alam niya na friendly competition ang mangyayari sa kanila ng matalik na kaibigan.

“Ganun naman talaga ’yon, e. Tatlo kaming magkakaibigan na magtatapat-tapat. Si Coco, ako at si Kris. Friendly competition. Masaya, masaya ito.

“Di ko iniisip ang kaba, ine-enjoy ko lang ang lahat. Kailangan ma-enjoy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN