Bea Binene keeps mum about Jake Vargas to avoid intrigues: "Hindi ko alam kung bakit hindi na lang maging masaya yung iba sa aming dalawa."

It’s all a matter of time, says Bea Binene about not having a regular project since her last teleserye a year ago: "Time lang din naman ’yan. Bukas ako, the next day sila naman... naghahanap lang ng magandang project ang GMA-7 na babagay sa akin.”


Gulat na gulat si Bea Binene sa karangalang natanggap bilang Most Promising Singer-Performer sa 45th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. na ginanap noong Linggo, May 18, sa Solaire Resort & Casino.

Saad ng Kapuso young actress, “Hindi po ako makapaniwala.

"Unang-una po, e, singer award po yung ibinigay sa akin. For me, hindi naman ako singer.

"So, nagpapasalamat po ako dahil late ko rin nalaman, unexpected po.

"Bigla ko na lang nalaman sa Twitter na may award ako.

"Sabi ko, ’Talaga? May award ako?’

“Sobrang happy and thankful ako.”

Pahayag pa ni Bea sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Weeks ago lang po, mga first week of May.

"Kaya nga nagulat ako at sobrang saya lang po kasi sabi nila, marami raw akong nilagpasan na ibang mga artists.

"Hindi naman po ako aware sa ganun.

“Nagpapasalamat din po ako sa mga sumusuporta sa akin.”

JAKE VARGAS.Tungkol naman sa kanilang dalawa ni Jake Vargas, tumanggi nang magsalita si Bea sa estado ng relasyon nila ngayon.

Paliwanag niya, “Kasi po na-realize ko na hindi po kami tinantanan na gawan ng mga issues ng iba.

“Mula nung maumpisahang intrigahin kaming dalawa, hindi na kami tinantanan, marami na rin yung mga nadadamay.

“Kung kami ni Jake, okey naman kami, e.

"Pero hindi ko lang alam kung bakit hindi na lang maging masaya yung iba sa aming dalawa.

“So, para na lang matahimik na, huwag na lang po natin pag-usapan si Jake.”

Hindi na madalas magkita sina Bea at Jake dahil abala raw ang young actor sa mga ginagawa nito ngayon.

Sa tanong ng PEP kung sila pa rin ba ni Jake, umiwas nang magsalita si Bea.

“Ayaw ko na po talaga siyang pag-usapan. Iba na lang po.”



NO REGULAR SHOW. Sa ngayon ay wala pang nababalitang bagong project na gagawin si Bea sa kanyang home network, ang GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang huli niyang pinagbidahang serye ay ang Cielo De Angelina noong nakaraang taon pa.

Regular naman siyang lumalabas sa ilang programa ng GMA—gaya ng Vampire Ang Daddy Ko, Pepito Manaloto, at Sunday All Stars—ngunit pasulput-sulpot lang ang kanyang appearances dito.

Naiinip na ba siya sa tagal ng kanyang paghihintay?

Sabi ni Bea, “Siguro nami-miss ko lang po yung paggawa ng soap.

"Naiintindihan ko naman po na marami naman pong artista diyan.

"Time lang yun, e. Saka marami naman po akong trabaho.”

Nagtatampo na ba siya sa GMA?

Pag-amin ni Bea, “Minsan po napapaisip po ako, kasi medyo mag-iisang taon na.

"Pero nung time naman na naging visible po ako, sunud-sunod talaga yung mga projects ko.

“Siguro lang po marami pang mga bagong shows na kailangan pang tapusin at ilabas.

"Siguro po doon sa mga shows na yun, hindi pa nila nakikita na bagay ako sa mga iyon.

“Maghihintay lang po ako kung ano naman ang ipagawa sa akin, basta trabaho, okey lang po ako."

May usap-usapang pinalampas daw kasi ni Bea ang lead role sa teleseryeng Paraiso Ko’y Ikaw na napunta kay Kim Rodriguez.

Paglilinaw ni Bea, “Hindi naman po, siguro na-feel po ng GMA Artist Center na hindi pa po panahon para gumawa ako ng ganung role na naka-kamison or nagma-mature na ng konti.

“Alam ko naman po na lahat ng bagay, may kanya-kanyang time.

"Feel ko po, hindi po para sa akin yung project."

Dati ay si Bea ang kaliwa’t kanan ang projects. Ano ang masasabi niyang panahon ngayon ni Barbie Forteza dahil bida ito sa upcoming soap ng Kapuso network na Half Sisters?

Tugon niya, “Okey lang po yun.

"Time lang din naman ’yan. Bukas ako, the next day sila naman.

"Wala naman pong problema. Alam ko naman pong naghahanap lang ng magandang project ang GMA-7 na babagay sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



CARMELA. Paano sinusulit ni Bea ang panahon ngayong mas marami siyang libreng oras?

Aniya, “Nagwu-workout po ako, may ginagawa kaming… ’yan, yung indie film.

“Excited po ako kasi na-miss ko talaga yung umarte.

"Hindi ko lang po muna masabi yung detalye hangga’t hindi pa nagsisimula. ’Pag nandiyan na po."

Masaya raw si Bea sa guest role niya sa Carmela, na malapit nang magwakas, dahil sa lahat ng nakasama niya rito.

“Masaya po kasi si Direk Dom [Dominic Zapata].

"Ang dami ko nang ginawa na si Direk Dom yung direktor namin. Fun lang sa set.

“Yung staff, nakasama ko na, yung EP [executive producer], love ko.

"Fun lahat, sobrang saya na parang hindi nga po ako nagte-taping dahil kahit before take, nagtatawanan pa rin kami.

“Three taping days lang, pero umere ako ng two weeks.

“Guest lang naman ako sa show. Saka patapos na rin kasi.”

Ginampanan ni Bea rito ang papel na nagkagusto sa karakter ni Alden Richards. Ginamit siya ni Alden para pasakitan ang karakter ni Marian Rivera.

Aminadong nabitin si Bea sa maikling stint niya sa soap.

“Kasi siyempre ang tagal kong... parang almost a year, ngayon lang uli ako nag-taping ng soap.

"Kahit paano nabitin kasi na-miss ko yung magtrabaho sa soap. Saka yung bonding rin kasi.

“’Eto, hindi ka lang nagtatrabaho, sobrang love ko talaga yung crew and staff. So, yun.”



SUNDAY ALL STARS. Tungkol naman sa pagbabagong naganap sa Sunday All Stars, maging si Bea ay nasorpresa rin dito.

Nagbawas at tinanggal na ang competition ng production numbers sa weekly musical-variety show ng Kapuso network.

Saad niya, “Kasi po nung nag-meeting silang lahat, nandun po kami sa Asian cruise.

"May Sunday na hindi ako naka-attend, so dun na rin sinabi na babaguhin na yung concept.

“Pero happy ako kasi kasama pa rin ako sa bagong format.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo effort lang ngayon.

"Ang maganda kasi sa ngayon, siksik from beginning to end.

"Ang daming production numbers, bigay talaga yung performances."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN