Kris Aquino to compete against son Bimby in Metro Manila Film Festival 2014

Kapag nagkataon, magkakabangga sa takilya ang mag-inang Kris Aquino at Bimby Aquino Yap dahil pareho silang may entries sa Metro Manila Film Festival 2014.


Kinumpirma ni Kris Aquino na magkakaroon ng sequel ang blockbuster horror movie niyang Feng Shui at isa ito sa magiging entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014.

Sabi ni Kris, “Kasali din ako sa festival, I think I’m also allowed to reveal already.

“Balik-tambalan namin ni Direk Chito Roño, ten years after, magbabalik ang Feng Shui Part 2.

“Ang pinaka nakakakilig na part diyan, first time naming pagsasama sa movie ni Coco Martin.”

Kapag nagkataon, makakabangga ni Kris sa takilya ang kanyang anak na si Bimby dahil kasama naman ito sa sequel ng Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda, na ilalahok din sa MMFF

Saad ng Kapamilya TV host-actress, “Exciting ang festival na ito because hindi ko nga alam kung paano ko hahatiin ang katawan ko.

“Sinabi ko kay Vice, ‘Lagot, pagsu-shooting kayo, nagbabantay ako!’”

Ayon kay Kris ay excited na gawin ng anak ang Praybeyt Benjamin 2 dahil bukod sa makakasama nito sa Vice sa pelikula ay may action ang tema ng pelikula.

Kuwento niya, “Tinanong ko si Bim, sinabi ko ‘Honey, it’s your choice if you want to do a movie.’

“Nung nalaman ni Bimb na Praybeyt Benjamin at nalaman niyang sunda-sundalo, soldier-soldier, at sinabi kong ’Your dad there would be a general,’ so pumayag siya.

“Sabi niya, because si Tito Vice naman daw yun.

“And then, sinabi ko, ’You better be at your best, kasi wala ako diyan. Ikaw ito talaga and you’re not just playing yourself.’

“Sinabi niya na as long daw na mayroon siyang action scene.

“And, of course, buong-buo naman ang tiwala ko kay Vice na aalagaan niya ang anak ko and, of course, kay Direk Wenn Deramas.

“Masaya, excited na ako for this festival.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Kris sa 45th Box Office Entertainment Awards noong May 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PROUD MOM. Si Kris ang nagsilbing host, katuwang si Edu Manzano, sa awarding ceremony.

Habang si Bimby naman ay tumanggap ng Phenomenal Box Office Child Star award, katuwang si Ryzza Mae Dizon, dahil sa tagumpay ng first movie nitong My Little Bossings.

Bilang isang ina ay proud na proud si Kris sa achievement ng bunsong anak.

“Ay naku, I’m super-duper kilig!

"And I think, there was more kilig kasi backstage, yung pagpapa-cute ng dalawa [Bimby and Ryzza Mae], aliw na aliw lang ako sa kanila.

“As what I said dun sa speech, I think the biggest reward of this, ipinakita sa akin ni Ryzza kanina yung bago nilang bahay.

“So, talagang na-touch naman ako na mayroon kaming na-contribute doon sa pag-fulfill ng pangarap niya.”

Samantala, noong nakaraang Linggo ay nagbalik bilang host ng The Buzz si Kris, kasama si Toni Gonzaga.

Kaya sabi niya sa mga nangyayari sa kanyang career, “Super happy. Career-wise, wala naman akong mahihiling pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN