James Yap glad that ex-wife Kris Aquino welcomes his girlfriend’s closeness to son Bimby

“Ito naman ang lagi kong ipinagdadasal—ang maging okay na lahat," says James Yap about being on good terms with ex-wife Kris Aquino, his happy lovelife, and his improving relationship with son Bimby.


Maganda ang takbo ng personal life ni James Yap ngayon at wala na raw itong mahihiling pa.

Ito ay dahil namamayagpag din siya ngayon sa professional life niya bilang Most Valuable Player ng katatapos lang na PBA Finals.

Ayon sa basketbolista, malaking bagay para sa kanya ang regular na pagkikita nila ng kanyang anak na si Bimby.

Kasabay nito ay masaya si James na tuluyan na silang nagkaayos ng dating asawang si Kris Aquino.

Suportado na ni Kris ang pagkakaroon ng mas magandang relasyon sa pagitan ng mag-amang James at Bimby.

Panay rin ang puri ng Queen of All Media sa Italian girlfriend ni James na si Michela Cazolla at ang pagiging malapit ni Bimby rito.

“Ito naman ang lagi kong ipinagdadasal—ang maging okay na lahat.

“Thank God talaga na okay na lahat,” masayang pahayag ni James.

Matatandaang mismong si Kris ang naghayag na bilib siya sa pagiging maalaga ni Michela kay Bimby.

Base raw ito sa paisa-isang kuwento ng kanyang anak sa tuwing nakaka-bonding nito si James at ang girlfriend nito.

Sabi pa ni Kris, “I like her. At least she’s good to my son.”

Read: Kris Aquino praises James Yap’s girlfriend for taking care of Bimby

Kaugnay nito, inahayag ni James na sina Michela at Bimby ang nagsisilbing inspirasyon niya sa buhay.

“Of course, kasama siya [Michela]. Siyempre yung anak ko rin, si Bimby, kasama lagi ‘yan.”

Bagamat malinaw na nagkakasundo ang dalawang mahal niya sa buhay, “wala pa” raw plano si James na muling lumagay sa tahimik ngayong taon.

RECOGNITIONS. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa ginanap na 1st PEP List Awards sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino kagabi, May 20.

Bagamat hindi naman talaga mula sa showbiz, nagpasalamat si James para sa natanggap niyang parangal bilang PEPsters’ Choice Newsmaker of the Year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Thank you Lord binibigyan Niya ako ng ganito.

“Parang hindi ako sanay kasi nasa ibang planeta ako ngayon.

“Kasi showbiz, hindi ako sanay. At least naka-survive ako.”

Ginawaran din si James bilang Most Valuable Player (MVP) ng kakatapos lang na PBA Finals.

Kasabay nito ay nasungkit ng Sam Mig Super Coffee Mixers, ang kinabibilangang team ni James, ang ika-anim nilang championship ring.

Pahayag ni James tungkol dito, “Masaya ako. Ang MVP kasi bonus na lang for me.

“Ang inisip ko na lang yung champion, e, para everybody’s happy. Yung mga teammates ko, happy.

“Of course, gusto kong magpasalamat sa lahat ng fans na walang sawang sumusuporta at nagdadasal para sa amin na mag-champion.”

Bagamat reigning champion ang kanyang team sa loob ng ilang taon, desidido pa rin si James na mas pagbutihan ang kanyang trabaho sa muling pagbubukas ng PBA conference ngayong buwan.

“Kumbaga, ‘pag nagtsa-champion ka kasi, hindi ka nasa-satisfy.

“Gusto mo maraming champion pa ang dadating sa career mo.

“For me, hindi pa ako sa satisfied.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN