Marikina court issues warrant of arrest against Raymart Santiago

Naglabas na ng warrant of arrest ang Marikina Regional Trial Court laban sa aktor na si Raymart Santiago kaugnay ng kasong paglabag sa R.A. 9262 na isinampa ng estranged wife niyang si Claudine Barretto.


Naglabas na ang Marikina City Regional Trial Court ng kautusan upang arestuhin ang aktor na si Raymart Santiago.

Ito ay kaugnay sa kasong paglabag sa Violence Against Women and their Children Act of R.A. 9262 na isinampa ng aktres na si Claudine Barretto laban sa aktor.

Napatunayan daw ng korte na may "probable cause" ang kasong isinampa ni Claudine laban sa kanyang estranged husband.

May petsa ang arrest warrant na May 5, 2014, ngunit ngayong araw, May 22, lamang nakakuha ng kopya ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Matatandaang isinampa ni Claudine ang kaso laban kay Raymart noong August 29, 2013.

Read: Claudine Barretto files violation of R.A. 9262 against husband Raymart Santiago

Ayon naman sa abugado ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo sa text message na ipinadala niya sa PEP ngayong gabi:

"Yes, we posted bail immediately on May 7, 2014 without waiting for the warrant to be served.


"Raymart appeared to make his plea of not guilty on May 20, 2014 but the court deferred the arraignment because the court’s Public Prosecutor was not present."

Sina Claudine at Raymart ang itinanghal na Newsmakers of the Year sa Punongbayan & Araullo-Audited category ng 1st PEP List Awards na ginanap noong Martes, May 20, sa Solaire Resort & Casino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN