Cheska Garcia-Kramer reveals wedding plans of brother Patrick Garcia

Cheska Garcia-Kramer on relationship of brother Patrick Garcia with his girlfriend Nikka Martinez: “They’re very good to each other. They love their daughter very much. They’re taking good care of their relationship, and Doug and I are mentoring the both of them. So, I think they’re on the right track.”

In photo: Cheska with husband Doug Kramer and their children Kendra, Scarlett, and Gavin at the red carpet of the &l


Ibinahagi ni Cheska Garcia-Kramer sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na binabalak ng kapatid niyang si Patrick Garcia na pakasalan ang kanyang non-showbiz girlfriend.

May isa nang anak na babae si Patrick sa girlfriend niyang si Nikka Martinez.

Natutuwa nga raw si Cheska dahil malaki na ang ipinagbago ng bunsong kapatid magmula nang nabuntis at nanganak ang girlfriend nito.

Sila raw ng asawa niyang si Doug Kramer ang nakasubaybay para maging maayos ang relasyon nina Patrick at Nikka.

Saad ni Cheska, “I think my brother is having a good relationship with his partner right now.

“They’re very good to each other. They love their daughter very much.

“They’re taking good care of their relationship, and Doug and I are mentoring the both of them.

“So, I think they’re on the right track.”

Ayon pa kay Cheska, malaking bagay ang closeness nila ng girlfriend ni Patrick.

“I’m very close to his partner. We’re [she and Doug] very close as a couple to them.

“Kasi, parang they look up to us. Para namin silang mga anak.

“It’s good to see that my brother is happy.”

Nakausap ng PEP si Cheska sa 1st PEP List Awards na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino noong May 20.

Tinaggap ng Team Kramer—na binubuo ng mag-asawang Cheska at Doug at ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin—ang award para sa Most-Watched PEPtalk Episode.

Read: Marian Rivera and Kim Chiu win TV Stars of the Year in the 1st PEP List Awards

WEDDING BELLS. Sa kasalan na ba ang tuloy nito?

“Yes, definitely,” mabilis na sagot ni Cheska.

Hindi lang daw niya masabi kung kailan, pero pinag-uusapan na raw ito nina Patrick at Nikka.

Suportado naman daw ng kanilang pamilya ang relasyon ng dalawa dahil nakikita nilang masaya si Patrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdating naman kay Jennylyn Mercado, ang ex-girlfriend ni Patrick at ina ng panganay nitong anak na si Alex Jazz, ay umiwas nang magbigay ng pahayag si Cheska.

“I don’t wanna comment about that anymore.

“You know, that’s something.... that’s sensitive topic, and I’ve learned not to open my mouth about it,” pakli nito.

Pero hangad daw niyang maayos na ang lahat para hindi na sila nag-iiwasang pag-usapan ang ganung isyu.

“Siyempre naman. Everybody’s doing so well individually, ’di ba?

“So, I wish everybody well,” sabi ni Cheska.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN