Katrina Halili stands firm on decision not to live with Kris Lawrence without marriage

Ito ang ibinigay na dahilan ni Katrina Halili kung bakit ayaw pa niyang magsama sila ni Kris Lawrence sa isang bahay sa kabila ng pagkakaroon na nila ng anak: “Siguro dahil nagka-baby po ako, mas nag-iba. At palagi namang sinasabi ng iba na kapag nagka-baby ka, mag-iiba ang thinking mo. Like ako, sabi ko, ayoko namang magka-boyfriend ang anak ko, ‘tapos ili-live-in niya. Ayoko. Gusto ko namang maging model sa anak ko, maging magandang impluwensiya sa anak ko.&rdq


Bago para kay Katrina Halili ang karakter na ginagampanan niya sa upcoming primetime series ng GMA-7, ang Niño.

Isang madre na lumabas sa kumbento ang karakter ni Katrina at magiging asawa niya si Tom Rodriguez.

Mabait naman daw siya ngayon. Malayo ito sa mga kontrabidang karakter na kinasanayan ng mga manonood sa kanya.

“Wala akong bahid dito. Bigyan niyo naman ako ng chance!” natatawang sabi ni Katrina nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Niño noong Martes, May 20, sa GMA Network Center.

Ano ang naging reaksiyon niya nang malamang mabait na karakter naman ang ibinigay sa kanya ng Kapuso network?

Sabi ng StarStruck alumna, “Alam niyo, noong storycon ko na lang nalaman kung ano role ko.

“Nagbabasa ako ng script, ‘tapos sabi ko, sa utak ko, ‘Ako ba ‘to? Baka hindi ako ‘to?’

“’Tapos, binasa ko ulit. Then, hindi ko alam kung gusto kong itanong kay Direk [Maryo J. de los Reyes] o huwag ko na lang tanungin dahil baka bawiin at nagkamali nga.

“’Tapos, yun nga, sabi ko, ‘Direk, ako ba ‘to?’ Sabi niya, ‘Oo.’

“So, natuwa ako, kasi sabi ko nga kay Direk, ‘yan ang pinag-pray ko. Gusto ko, ganito yung role ko. Kahit na nanay ako, gusto ko ganito.

“Yung parang role nila Ms. Jean Garcia, Ms. Eula Valdes... para mabait naman at mapakita naman ang ibang side.

“’Tapos sabi niya, ‘Wow, galing, answered prayer!’

“Sabi ko, ‘Oo nga, Direk.’ Natuwa ako, pero nagulat ako.”

Noong sinabihan daw si Katrina may bago siyang teleserye, basta na lang daw niya tinanggap. Pero hindi na siya nagtanong pa kung ano ang karakter na gagampanan niya.

“Wala akong alam na mabait talaga,” sabi niya.

Bilang mabait naman nga ang karakter niya ngayon, may ibang preparasyon ba siyang ginawa dahil taliwas ito sa mga nakasanayan na niyang gawin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Katrina, “Siguro yung looks lang at saka yung iyak ako nang iyak, kaya tubig ako nang tubig para madali akong makaiyak.

“Pero, at least dito, para akong nagwo-workshop, parang nahahasa ang utak ko na nagwo-workshop ako.”

Nagsawa o napagod na rin ba siya sa pagiging masama o kontrabida sa mga teleserye?

Aniya, “Siguro, hindi naman ako sa napapagod o nagsasawa, para may iba naman akong magawa.

“At saka, gusto ko na may ibang side din akong mapakita na puwede rin naman, try lang natin,” sabi niya.



THE ARRANGEMENT. Malapit nang mag-dalawang taong gulang ang anak ni Katrina sa singer na si Kris Lawrence—si Katrence.

Hindi magkasama sa isang bahay sina Katrina at Kris, ngunit magkalapit lang ang tinitirhan nila sa New Manila, Quezon City.

Bakit hindi pa sila magsama sa iisang bahay para pareho nilang kasama ang kanilang anak?

“Hindi po, hindi pa po kami kasal,” mabilis na sagot ni Katrina.

May ganun talaga siyang paniniwala?

Nakangiting sabi ng aktres, “May ganun na.

“Siguro dahil nagka-baby po ako, mas nag-iba.

“At palagi namang sinasabi ng iba na kapag nagka-baby ka, mag-iiba ang thinking mo.

“Like ako, sabi ko, ayoko namang magka-boyfriend ang anak ko, ‘tapos ili-live-in niya. Ayoko.

“Gusto ko namang maging model sa anak ko, maging magandang impluwensiya sa anak ko.”

Hindi pa rin nila pinag-uusapan ni Kris ang kasal?

“Ngayon po, si Katy lang ang priority namin ngayon. Yun lang.

“Pangit namang magpakasal na, ‘Tara na...’ Gusto ko naman yung mata-touch naman ako sa kasal.

“At saka may right timing, ‘di ba?”



NOT PREGNANT AGAIN. Mabilis namang itinanggi ni Katrina ang balitang buntis daw siyang muli.

Sabi niya, “Naku, hindi totoo yun!

“At saka, wala namang nagaganap, paano ako mabubuntis?”

Kung sakaling mabuntis siya at masundan na si Katy, okay lang ba sa kanya?

“Hindi, ayoko, kasal muna,” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaalok naman daw yata siya ng kasal ni Kris, pero siya ang tumatanggi?

Paliwanag ni Katrina, “E, hindi pa ready. Kapag ready na po kaming dalawa.”

Saan dapat maging ready, pinansiyal ba ito?

Sagot niya, “Sa lahat po.

“At saka, kailangan munang ma-settle ang lahat. Hindi puwedeng kasal na agad, ‘di ba?”



FALLBACK. May resort si Katrina sa El Nido, Palawan. Kung sakaling hindi na siya magiging aktibo sa showbiz, ito raw ang magiging fallback niya.

Masaya rin siya dahil ang bahay niya sa New Manila ay tapos na niyang bayaran.

Yung resort niya, kumusta naman?

“Hindi pa po tapos. Pero sa amin yun ng kapatid ko. Pero sabi ko, ayoko munang maglabas ng pera, sandali.

“Kasi, kakatapos ko lang sa bahay. Ang dami kong binayaran.

“Nag-loan pa ako ng pagpapagawa nun. Sabi ko, pahinga muna ako.”

Sabi pa niya tungkol sa resort, “Tutal naman, may four rooms na po, may dive shop, kumikita naman.

“So, sabi ko, yung kinikita nun, yun na ang ipaayos.

“At least, ang maganda naman po, may foundation na. Hindi na mag-uumpisa.

“Okay na sa akin yun. At least, kung wala na akong trabaho, meron akong pupuntahan.”

Noong February pa raw siya huling nakauwi ng Palawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN