Renz Valerio reveals crushes on Marian Rivera, Anne Curtis, Solenn Heussaff

Renz Valerio wants to become a director someday. At 15, he is astute enough to offer his observation the directors he has worked with: "In terms of shots po talaga, si Direk Maryo [Maryo J. de los Reyes] at si Direk Mac [Alejandre]. Sa pagpapalabas naman po sa artista ng kanyang talent, si Direk Ricky Davao.”


Magkakasama ang Kapuso teen stars na sina Renz Valerio, Julian Trono, at Miguel Tanfelix sa bagong primetime series ng GMA Network na Niño.

Bagamat halos magkakapareho sila ng edad, hindi raw gumigimik sa labas ang tatlong binatilyo.

Ayon kay Renz, 15, “Hindi po, bawal po. Bawal sa family po yun.

"Kasi guided po kami, e, hindi po kami hinahayaan.

"Hindi pa po namin nagagawa iyon.Ӊ۬

May "naughty bonding" na ba sila?

“A, hindi po, hindi! Rated SPG!” birong sagot ni Renz.

Nag-uusap ba sila tungkol sa girls?

“Crush-crush po.”

Si Marian Rivera ang mabilis na isinagot ni Renz sa tanong kung sino ang crush niya.

“Ang ganda talaga ni Marian... maganda po si ate Marian talaga.”

Crush din daw ni Renz sina Solenn Heussaff at Anne Curtis.

Puro yata mga mestiza at nagseseksihang mga babae ang crush niya?

Sagot ng teen actor, “Hindi naman po sa seksi, parang gusto ko lang po yung attitude nila. And siyempre, yung mukha.”

Wala ba siyang kopya ng FHM magazines kung saan si Marian ang cover girl?

Sabi ni Renz, “Bawal po, e. Bata pa po ako, bawal sa family.”

Nagka-girlfriend na raw dati si Renz.

Pero aniya, “Matagal na po yun, e, huwag na lang po nating pag-usapan. Hindi po artista.”

Wala raw siyang nililigawan ngayon.

“Wala po muna.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renz sa presscon ng inspirational drama series ng GMA na Niño noong May 20, Martes, sa GMA Network Center.



NO RIVALRY. Hindi ba siya nai-insecure kay Miguel, na siyang bida sa Niño?

Sagot ni Renz, “Sa akin po, wala. Sa akin po talaga, wala, honestly po talaga.

“Kasi nagbida naman po ako sa Mga Basang Sisiw, so parang ngayon, time naman niya, siya naman ang bida.

“Salitan lang po."

Sino sa kanila nina Miguel at Julian ang pinakalapitin ng girls?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako po! Hindi, joke lang!

"Hindi ko po alam, e.

“Hindi ko po kasi alam yung mga girlfriend ng mga ito, e.

"Hindi po kami nagsasabihan ng ganyan.”

Sa mga mall shows nila, sino ang pinaka dinudumog ng fans?

“Lahat naman po,” nakangiting sagot ni Renz.

Si Renz ay co-managed ng GMA Artist Center at ni German Moreno.

Wala bang inggitan sa pagitan nila ni Jake Vargas, na talent din ni Kuya Germs?

“A, wala po! Si Kuya Jake po, ’andito na, e. Ako po, dito pa lang.”


ROLE MODELS. Gusto raw sundan ni Renz ang mga yapak nina John Lloyd Cruz at Richard Gutierrez bilang artista.

Sabi niya, “Sa acting po, John Lloyd Cruz, kasi napaka-enhanced ng kanyang acting.

“And sa personality, Richard Gutierrez naman po, kasi very professional po.”

Kung ilu-launch siya as a solo star, sino ang gusto niyang maging leading lady?

“Kung papayagan po ako, si Marian Rivera talaga, kaso hindi po puwede,” pagtukoy ni Renz sa malaking agwat ng edad nila ni Marian.

“Kung parang si Kuya Alden [at] Marian, medyo ano na, mas lalo pa po ako.

"Ako po, kung sino po ang ibigay.

“We’ll make it work, we’ll make it work na lang po.”



FOR FAMILY. Matagal na sa showbiz si Renz, na nagsimula bilang child star. May mga naipundar na raw siya mula sa kanyang mga kinita.

“Yung bahay po siguro, yung kotse.”

Siya ang bumili ng bahay nila?

“Tulong po kami ng papa ko.”

Bumili raw siya ng bagong kotse, pero ibinigay niya ito sa kanyang nakatatandang kapatid na babae.

“Binilhan ko po yung sister ko kasi meron pa naman po ako, e, luma [pero] gumagana pa naman.”

Graduation gift daw ni Renz sa kanyang ate ang bagong kotseng binili niya last year.

“Gumagana pa naman po, e. Para naman po sa akin, basta gumagana.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang savings niya sa bangko ay nakapangalan daw sa kanya, pero sila ng parents niya ang nagdedesisyon kung saan ito ilalagay.

Si Renz ang bunso sa kanilang magkakapatid.

Pinag-aaral ni Renz ngayon ang sarili niya. Incoming fourth year high school student siya sa St. John’s Wort Montessori School.

Pagka-graduate niya sa high school ay balak niyang kumuha ng kursong Management o isang kurso ng pagiging direktor.

“Gusto ko pong maging direktor,” sambit niya.

Sino ang mga paborito niyang direktor?

“Marami po, e, marami po akong paborito.

"In terms of shots po talaga, si Direk Maryo [de los Reyes] at si Direk Mac [Alejandre].

“Sa pagpapalabas naman po sa artista ng kanyang talent, si Direk Ricky Davao.”

Si Maryo ang direktor ng Niño, na mapapanood na simula sa Lunes, May 26, pagkatapos ng 24 Oras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN